Playful kiss- 1

1.9K 21 3
                                    

OH MY GAAD!!! Ang gwapo talaga niya. Nakaka-inlab. He has a face of an angel. First time ko palang siya nakita ngayon kasi transferee lang siya. Unang kita ko palang sa kanya, nahulog na agad ang puso ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung baket eh, siguro nagma-malfunction lang 'tong puso ko.

O di kaya may sakit ako sa puso? Oo meron nga kasi tinamaan ako sa kanya eh. Haay! Siguro nung nagpaulan ang Diyos ng kagwapuhan siya lahat ang sumalo.

Nga pala, ako si Oh Ha Ni. I'm 17 years old na. Sa Korea ako nakatira kasama ng mama at papa ko. Dun na din ako nag-aaral. 3rd year high school na ko ngayon.

Magti-three years na pala akong may crush kay Baek Seung Jo. Siya ang top 1 ng buong school namin. Hindi lang siya matalino, gwapo pa! Wala ka nang hahanapin pa.. Heartrob siya dito sa school. Maraming babaeng laging nakapalibot sa kanya.

Class A siya ako naman Class F. In short matalino siya ako naman... 'di masyado nabiyayaan ng katalinuhan. Halos lahat ng babae dito sa school namin pinagkakaguluhan siya.

Isang araw, kumakain kami ng mga kaibigan kong sina Go Min Ah at Yoon Joo Ri. Nagloko na naman yung vending machine so no choice ako kundi tulungan yun kung sino man siya. Mission accomplished! Gumana na ulet yung vending machine.

Teka siya na ba yung padaan? Tama siya nga si... Baek Seung Jo. Lahat ng mga babae nagtitilian na kasi dumaan siya. Ako naman tulala as in ganito oh -->> O.O

Kasi naman ang gwapo niya talaga. pero umupo nalang ulet ako dun sa table namin nila Min Ah at Joo Ri. Ng may biglang tumawag sa pangalan ko... "Ha Ni-ya!" Si Gum Hye lang pala. "Ha Ni! Nasira ulet yung vending machine!" No choice na naman ako kundi gawin ulet yun. Nagulat nalang ako at si Seng Jo pala yung bumibili sa vending machine. Medyo nailang ako kasi siya yung nandun e. Pano na 'to? Kaya mo yan Ha Ni!! Fighting! Pagkasipa ko sa vending machine gumana na ulet ito at nakuha na niya yung binili niya. Umalis agad siya pagkakuha niya nun.

Teka.. bakit bumabalik siya? Magpapasalamat ba siya sakin? Lord kung yun man yung gagawin niya, pwede na po akong mamatay ngayon. Natulala ako kakaisip. Yun pala kukunin lang niya yung pera sa vending machine kasi hindi nahulog. >.< Shit! Bakit ko ba kasi inakala na magpapasalamat yun? Hay ewan ko ba.

Hanggang isang araw, binigyan ko na siya ng love letter....

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hanggang dito muna yung chapter. Bitini ko muna kayo... Bukas nalang ulet ako mag a-update! Reads, Votes, and Comments are always welcome. Be a fan if you want to. =))

Playful kissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon