CPMGP_Chapter 72

53.3K 1.7K 30
                                    

AYESHA'S POV

Nagmamadali kaming nagpunta rito sa Hospital dahil sa biglaang pagtawag ng Mama nila Prince Kazu sa kanya. Kahit na madumi pa ang uniform namin na may harina at itlog hindi namin inintindi 'yon. Ang mahalaga makapunta kagaad kami rito at masamahan sila para mabalitaan na rin kung ano bang nangyari.



Magkakasama pa rin kami nila Prince Brent, Kazu, Cliffrord, ako, si Jamaica, at Alex. Pagdating namin dito naabutan naming umiiyak ang Mama nila gano'n din ang nag-aalalang Papa nila. Nakita rin namin sila Prince Jenrick, Renzo at Vince. Nagulat kami nang makita naming nag-aagaw buhay si Prince Dazu ngayon.



"K-Kuya?" Sambit ni Prince Kazu kaya bigla akong napatingin sa kanya. Bakit gano'n 'yong pakiramdam ko nang makita kong malungkot siya? Naiiyak siya kaya naiiyak na rin ako. Nilapitan ko siya at hinimas ang likod niya para mapakalma siya. "K-Kuya! 'Wag kang sumuko!"



Nahahawa na kaming tatlo sa kanila dahil sa nangyayari ngayon kay Prince Dazu. Ano na bang mangyayari sa kanya? Mawawala na ba siya? Paano na si Shimi? "Kazu!" Napalingon kami nang bigla naming marinig ang boses ni Russel, pero nagulat kami nang makita namin si Shimi na kasama niya. Nagtakbuhan kami papalapit sa kanya.


"S-Shimi?"


"Shimi!"


"Shimi, anong nangyari sa 'yo?"



"S-Sino 'yong tinitignan n'yo ro'n?" Nagtataka niyang tanong sabay nagtinginan naman kaming tatlo.



Hindi pa man niya nakikita ang kalagayan ni Prince Dazu pero malungkot na 'yong mukha niya. "S-Sabihin n'yo? B-Bakit sila umiiyak?" Tanong ulit niya sabay tinginan namin sa kinapupuwestuhan ng mga Prince.



"Shimi, tibayan mo lang ang loob mo." Pagkasabi namin nito lumapit na kami ro'n.








SHIMI'S POV

Para akong nabibingi sa naririnig ko. At para naman akong napako sa kinatatayuan ko nang makita ko siya. Pero siya nga ba 'tong nakikita ko? Walang malay at tila patay na walang buhay. Nakapikit ang mga mata niya at parang hindi humihinga. Pilit siyang binubuhay ng isang makina na pinapatong sa dibdib niya para mabuhay siya.



Ginagamitan siya ng defibrillator at pinagpupulungan na siya ng mga nurse at doctor at nagkakagulo na sila. Habang nakatingin ako sa kanya, unti-unti akong napapaupo na parang nanlalambot at nanghihina.



Tumutulo na rin ang mga luha ko at 'di ako makapagsalita na tila puro kaba ang nararamdaman ko ngayon. Totoo ba talaga ang lahat ng 'to? No'ng mga nakaraang araw lang magkasama pa tayo 'di ba? Pakiusap, gumising ka, Dazu.


"Kuya! Gumising ka!"


"Dazu! 'Wag kang susuko!"


"Dazu!"


"Kaya mo 'yan! Wag kang bibitaw!"


"Hindi ba malakas ka? Ipakita mo 'yon ngayon, Dazu!!"


"Anak ko!"


"Dazu!"


"Dazu, anak gumising ka!"



...Lalo kaming nawalan ng pag-asa ng maging tuwid ang isang guhit sa ICU monitor na nakakabit sa kanya. Nakita kong lalong humagulgol ang Mama niya at napaiyak na rin ang Papa niya. Halos lahat nag-iiyakan na.



Hindi naman kasi 'to mangyayari kung hindi niya ako niligtas. Bakit hindi nila sinabi sa akin na ganito na pala ang kalagayan niya? Malalim na paghikbi ang nailabas ko dahil sa nararamdaman ko ngayon.



Sabihin mo sa aking gigising ka, Dazu. Pakiusap gumising ka. Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit ako ang pinili mong iligtas at hindi si Claire.



Habang buhay kong sisisihin ang sarili ko kapag nawala ka. Mas lalo akong napaiyak nang sumagi sa isip ko 'yomg kadalasang pagtatalo namin noon. Nakakamiss din pala 'yon, ang pagiging aso't pusa namin. Niyakap na ako nila Alex, Jamaica, at Ayesha dahil sa patuloy kong paghikbi ng palihim.




 Niyakap na ako nila Alex, Jamaica, at Ayesha dahil sa patuloy kong paghikbi ng palihim

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon