PROLOGUE:

260K 4.1K 416

PROLOGUE:

IT WAS NOT LIKE I WAS BORN TO BE THE HEROINE OF MY VERY OWN STORY, SOMETIMES I PLAYED THE ROLE OF THE VILLAINE and that is also the reason kung bakit madaming galit sa akin.

That is the price of having this power and becoming like the GANGSTER’S QUEEN.

But it will not end there…

Agad kong iniharang ang katana ko sa baril nya pero mabilis syang umikot para sikuhin ako. Iniharang ko ang palad ko dito pero masyado syang malakas at napaatras ako.

Itinutok nya sa akin ang baril nya pero mabilis ko ding naitaas ang katana ko saka ko sya sinipa sa sikmura. Napahawak sya dito at saka ulit tumingin sa akin…

Umatake ako sa kanya pero nahawakan nya ang kamay ko at pinilipit kaya nabitawan ko ang katana ngunit bago pa man ito bumagsak ay sinalo ko ito gamit ang isa ko pang kamay saka umikot at isinaksak ito sa kanya.

Nadaplisan ko sya sa tagiliran…

Hinugot ko pabalik ang katana ngunit hindi ko magawa, hawak hawak nya ito habang nasa likod ko sya…

Napapikit ako…

Alam ko noon pa man na aabot ito sa ganito at pinaghandaan ko na ang mga posibleng mangyari pero hindi ko inasahan na ganito ito kasakit.

“Lyra Salcedo… Virgo… Bloody Maria…”

Isa isa nyang binanggit ang pangalan na bahagi ng pagkatao ko, ang katuhan na kinamumuhian nya sa lahat. Sinabi nya ito sa tenga ko na para bang sinusuyo nya ako sa halip na inilalabas ang galit nya…

Katulad noon…

Dumilat ako at pilit na hinila pabalik sa akin ang katana, napansin ko pa ang kanyang dugo na dumadaloy sa blade nito. Sunod-sunod na putok ang narinig ko mula sa baril nya, nagawa kong iwasan ang unang bala ngunit hindi ang pangalawa. Tumama ito sa balikat ko at natumba ako…

Pinilit kong tumayo habang inihaharang ang katana sa kanya, umatake ulit ako ngunit nagulat ako sa ginawa nya…

Hindi sya umilag at hinawakan nya ang blade ng katana para pigilan ito, umagos ang dugo nya sa blade pababa sa mga kamay ko.

Nakatitig lang sya sa akin, ang mga titig nya katulad noon…

Dahan-dahan nyang itinaas ang baril nya at saka itinutok nya ito sa akin. Nakatitig lang din ako sa mga mata nya katulad ng ginagawa nya ngayon.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti, pagkatapos ng lahat, dito rin pala magtatapos ito.

“You wanted to kill me right? You’ve got your chance now… but let me tell you this, Jireh, even though you manage to kill me, you cannot escape Bloody Maria because even in death or after life, I will never stop chasing those who indebted in me and that makes no exception of you”

Sinabi ko yun ng hindi man lang nagbabago ang expression ng mukha nya. Napangiti sya sa akin at saka mas humigpit ang pagkakahawak nya sa baril.

“Don’t make me laugh; the one who is in debt is not me, but you. I’m just getting my charge…”

Tama… I killed Liam at hindi ko itatanggi ang bagay na yun, ako ang punot dulo ng lahat ng ito.

“Then it’s goodbye…”

Nabigla sya sa sinabi ko pero ganun parin, mas inilapit nya ang baril nya sa akin at napansin ko pa ang pagkagat nya sa kanyang labi.

“Yeah Goodbye”

Ilang sandali pa ng katahimikan, pinagmasdan ko ang mukha nya. The man I used to love will be the one who will kill me and I’m ready for it…

Bang!!!

Apostle Thirteen: The Return of the QueenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!