Kabanata 5

1.6M 36.7K 27.4K

Kabanata 5

Bakit May Kapalit

Kabadong kabado ako nang tinanggap ko ni Eion ang kamay ko para magsayaw na kami. This is harder than I thought! Mahirap pala pag naka gown ka na at heels tapos pinagpapawisan ka pa sa kaba habang isinasayaw ka sa harap ng maraming tao. Well, hindi naman talaga ganoon ka daming tao. We have around 50-80 guests right now kasama na ang mga relatives, friends, at mga kasama ni daddy sa trabaho.

"Ang lamig ng kamay mo." Ani Eion habang isinasayaw niya ako.

Kumikislap ang mga mata niya habang nginingitian ako. Dapat akong magulat kasi nakangiti siya pero masyado akong abala sa pagiging kabado dahil sa mga matang nakatutok sa amin. Saka lang ako kumalma nang umupo na ako sa harap para makinig at manood sa programme na konti lang ng alam ko.

"She deserves the best. And no one is the best for me." Nakangisi si Daddy nang sinabi niya iyon sa lahat habang ako naman ay parang waterfalls na na tumutulo ang luha ko.

Pagkatapos ng makabagbag damdamin niyang speech ay ipinakita ang video sa screen iyong mga pictures ni mommy noong buntis pa siya sa akin. Ipinakita rin doon ang mga videos ko noong bata pa at kung anu-ano pa. Hanggang sa nag grade school ako kasama ang mga pinsan kong sina Erin at Claudette. Sina Chanel, Damon, Rafael at Knoxx naman ay older sa amin kaya medyo malalaki na sila sa pictures. Naipakita din ang pictures noong nag highschool kasama ang mga kaibigan kong sina Liza, Hannah, Julia at iba pa. Hanggang sa nag college at mga pictures at videos naman na kuha ni Silver Sarmiento.

Enjoy na enjoy ako sa lahat ng nangyari dahil hindi ko inaasahan ang bawat part sa programme. Pagkatapos ng video ay gulat na gulat ako nang may inihandang sayaw pala ang mga pinsan kong lalaki. Tuwang tuwa ako roon lalo na't bihis na bihis silang lahat sa kanilang mga dark tux. Ang mga babae naman ay naghanda ng mga kanta. Samantalang ni reveal naman ng mga kaibigan ko ang iilan sa sekreto ko at mga ugali kong kahit ako ay di ko napapansin. Hindi ata nawalan ng luha ang mga mata ko.

Nang kumain na ay saka pa ako kumalma. Kasama ko si Eion sa pagkain kaya kahit gutom ako ay di ako makakain ng maayos dahil sa kahihiyan ko sa kanya. Nakatingin ako sa kanya habang sinusubo ang pagkain. Wala siyang pakealam. Hindi siya tulad ko na kabadong kabado kahit na kumakain dahil sa kanya.

"Stop staring, Klare." Nag angat siya ng tingin sakin.

Napatalon ako at agad tiningnan ang sarili kong pagkain. "I'm sorry."

He smirked.

Kaya mas lalo akong kinabahan at kumain na lang ng tahimik. Ang sumunod na parte ay ang 18 candles ng mga kaibigan kong babae. Sinabi nila sa akin kung ano ang wish nila at nakakahiya dahil halos lahat ay nag wi-wish ng lovelife.

"You're pretty, matalino, mabait, talented. Naaalala ko pa noon nang pinakanta tayong lahat ng teacher natin sa P.E. para sa music na subject, Klare. Ang buong akala namin sa sayaw ka lang magaling pero gulat ako nang maganda din pala ang boses mo! Seriously? Wala bang bagay na hindi ka marunong?" Tumawa si Hannah.

Napangiti din ako.

"Wish ko for you, Klarey is love life." Humagalpak ng tawa si Erin. Baliw! "Sorry, tito, tita." Aniya sabay tingin sa mga tao. "Kahit weird si Claudette ay nagka boyfriend na siya noong high school." Nagtawanan sila. "Pero itong si Klare kahit M.U. wala akong makita. Anong meron at bakit hindi siya nag kakaboyfriend? Meron namang manliligaw. Mapili ang isang ito kaya sana..." Nanliit ang mga mata niya. "Magmadali na iyong lalaki diyan na gusto niya. Coz Klare will only settle for the best."

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!