Chapter 7 - Story of Aj

21.3K 257 36
                                    

Hi ako si Aj.

Well, hindi naman sa pagmama-aso, pero sabi ng mga kaibigan ko sakin (medyo pahumble.. Haha) "neseye ne eng lehet" daw ako. Kasi tignan nyo, ganito ako o :

Mabait--- check!

Mabango-- check!

Matalino--- ehem, check!

At higit sa lahat, GWAPO!! (bawal umangal kasi ako ang bida dito.) check na check!

Tapos mas madalas akong mapagkamalang lalaki, kesa babae. =|

Pero anyway, seryoso na. Baka hindi nyo na basahin dahil sa sobrang nayabangan na kayo sakin.

Hm.. Wala talaga kong hilig magsulat. Medyo nainspire lang ako kay author, kaya baka mainspire din yung iba (sana :D) sa story ko.

Preschool pa lang ako nagkacrush na ko ng babae. Syempre maliit pa ko nun. Pero kala nyo ba akala ko na ok lang na magkacrush ako sa babae? Alam kong hindi dahil nga matalino ako. Bwahaha.

Anyway, totoo, alam kong hindi ako normal kahit na mga 3yrs old pa lang ako nun. Gustong gusto ko na nuon ang mga larong panlalaki at lumaki ako na puro mga lalaki ang kalaro ko.

Napansin yun ng mga tao sa paligid ko kaya sinabi nila sa Nanay ko na baka nga daw tomboy ako. Pero lagi lang sinasabi ng Nanay ko na ganun din daw sya nung maliit sya, boyish. Ayun, hinayaan lang nila ako na ganun. Kaya lumaki ako na gupit lalaki, damit lalaki at pusong lalaki. Haha.

Pero akala ko lang pala okay na. Akala ko tanggap nila ko na ganito ako. Until magkaron ako ng girlfriend at nalaman ng mga magulang ko. Simula nun palagi na nila kong pinagsasabihan na kesyo babae daw ako kaya mali daw yung pakikipagrelasyon sa kapwa babae. Kaya ang ending ko, nakadami ako ng girlfriends. Ganun naman diba? Pag lalo mo pinipiit ang isang tao, lalo yan sisige.

hindi naman ako nagrebelde a. Nag aaral pa din nman ako ng maayos. Kaya lang, ayun nga, naging medyo chicboy. Pogi ako e. Hahaha.

Pero may isang tao na nakapagpabago sakin. Yung tao na nkapagpasabi sakin ng, "paksyet, eto na. Eto na yung huling babaeng mamahalin ko. Sa wakas, dumating ka na."

Kaso lang, hindi pa yun yung happily ever after namin e. Nalaman nanaman ng mga pamilya namin and as usual, gusto nila kaming paghiwalayin. Ayoko syang mawala kaya pinili namin na itago na lang muna yung relasyon namin. Pag kaya ko ng buhayin sarili ko, ipapaalam ko din sa buong mundo. Pero ngayon medyo tago tago muna. Yung mga kaibigan lang namin ang may alam na kami pa din.

Napakadami na naming pinagdaanan. Napakadaming beses na nila kaming pilit pinaghihiwalay. Ilang beses na ko napagalitan ng kung sino sinong concerned citizen, pero eto, kami pa din. More than 3 yrs na kami at masasabi kong worth it lahat ng luha at sipon na nailabas ng katawan ko. At oo, kahit sobrang gwapo ko, marunong ako umiyak. (hoooooh. Lagi talaga nasisingit yung kayabangan eh! Push ko pa)

Pero ang masasabi ko lang siguro sa inyo is, lahat ng nagmamahal nasasaktan. Kung di ka nasasaktan, di mo masasabing nagmamahal ka. Di ko sinasabi na okay lang masaktan, tanga mo naman nun kung tanggap ka lang ng tanggap ng lahat ng sakit. Haha. Martyr nyebera? KORNEEEH! (leche ko. Haha)

Ok, what I mean is, okay lang masaktan basta masasabi mo na "she's worth all the pain." habang nakangiti ka ng wagas. Haha.

At isa pa, oo alam ko na kapalit ng kaligayahan ko ngayon kasama yung taong mahal ko, may mga tao akong masasaktan. Pero kasi, para sakin.

Tayong mga bisexual, homosexual, homo sapiens, homo erectus... Huhu. Ang korni ko.

Pero seryoso, halos lahat tayo dito nakaramdam ng masaktan diba? Yung malait, maalipusta, mahusgahan ng mga taong hindi naman alam ang pinagdadaanan natin. I think we already have a fair share of pain and sorrow. Hindi naman na siguro masama kung piliin naman natin maging masaya. Kasi ako, at sana kayo din. Hindi na ko natatakot magmahal ng totoo. Kasi wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ang importante sakin, masaya ako, masaya yung taong mahal ko, at wala akong inaapakang tao para lang lumigaya.

Happiness is a choice, a personal choice. Don't let anyone dictate you in finding your true joy.

Ayun lang po! Thank you. Bow.

•••

Aj,

     Hi, babe. chos! Alam mo sa totoo lang, medyo nagulat din ako nong una lalo na nong makita ko ang name mo kaso hindi naman pala ikaw si Crush haha, iba naman pala! Tsaka maganda yon eh ikaw pogi. So ayon, at eto naman ang masasabi ko sayo. "i-push mo yen!" At wag susuko, mahirap makulong este kahit anong hirap kung nagmamahalan kayo. Masarap ipaglaban, di ba?

Ou! (Ayan! Ako na rin ang sumagot, eh kasi totoo naman. Alangan ipaglaban mo yong hindi mo mahal. Nakakaloko naman yon! )

At eto ang isa sa tumatak sa isip ko habang binabasa ko ang story mo...

'Pero ang masasabi ko lang siguro sa inyo is, lahat ng nagmamahal nasasaktan. Kung di ka nasasaktan, di mo masasabing nagmamahal ka.' 

May tama ka diyan! Nakakaramdam tayo niyan dahil nagmamahal tayo. Marami na namang relate diyan dahil puro na lang daw sila nasasaktan.Totoo ba? Sakin kasi medyo. Anyways, thank you dahil nagkaroon ka ng time para i-share ang story mo sa book na ito. Maraming ma-i-inspire, sigurado yan. :)

-Ez

==========================================================

A/N: Nagugulat ako sa mga nagsesend ng story nila. Ang gaganda! Pati ako kinikilig at minsan natatawa. Ang dami ko ding natututunan sa inyo.

Sa mga gusto pang magbahagi ng story nila magsend lang po kayo sa ez.letmebed1@yahoo.com

Thank you lalo na sa mga nagco-comment at nagbibigay ng advice.

letmebed1

GIRLS ON TOP 1 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon