Wizard's Tale 1: Chapter 7

212K 5.1K 323
                                    


(Alyanna POV)


Tahimik na kaming kumakain ng tanghalian. Ang pag-nguya lang ni Vander ang maingay dahil sarap na sarap siya sa mga kinakain niyang puro matatamis! Para siyang bata.

"Pwedeng magtanong?" Ang kausap ko ay si Brylle.

"Isang tanong na yang ginawa mo." Pambabara niya saakin. "Tungkol ba saan?"

"Master—"

"HOY!" Natigil sa pagkain si Vander para sumabat. "Ako lang ang may karapatang tawagin siyang Master dahil Master ko si Master Brylle!" Pagkatapos ng paliwanag niya, nagpatuloy uli siya sa kinakain niya.

"Brylle. You can call me Brylle."

"Brylle, sino si Master Lorcan?"

"Siya ang matandang nagdala sayo dito, di ba?"

Hindi naman yun ang gusto kong malaman. "Si Master Lorcan ba, isang ring Wizard na tulad mo?"

"What's my reason for calling him my Master if he's not a Wizard." Pagsusungit niya. Pwede namang sabihing, 'Oo, Wizard nga si Master Lorcan'.

"Bakit ka niya iniwan?"

"Tapos na siyang magturo saakin."

"Ibig sabihin napakalakas mo na?"

"I'm a Class B+ Wizard. So yeah, masasabi mong malakas na nga ako." Ang hangin bigla!

"Kapag ba Wizard, ibig sabihin hindi ka tao?"

"Saan na naman ba tutungo yang tanong mo? Hindi ka pa rin naniniwalang tao ako?"

"Eh may magic powers ka kasi! Malamang, hindi ka nga ordinaryo."

Natigil sa pagkain si Brylle. Uminom muna siya ng isang basong tubig bago niya ako muling kausapin. "Oo, hindi mo ako kagaya na isang mortal. We came from the Otherworld."

"Otherworld? Ibang mundo. Seryoso ka ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" At sinimangutan niya uli ako.

"May isang tanong pa ako. Yung tungkol sa spell kagabi?"

"Ano ang tungkol dun?"

"Bakit—" Sige Yana, wag ka nang mahiyang itanong yun! "Bakit kailangan mo akong halikan?"

Bigla siyang nabulunan. Napakunot ang noo niya at naging kakaiba ang tingin saakin. "It's part of the spell."

"So kailangan may ganun? Kailangan may—kiss?"

"Pffft." Biglang siyang natawa. Anong nakakatawa? Seryoso naman ako! "Why is that a big deal for you?" Tapos tinitigan niya ako. "Don't tell me it's your first?"

Napatayo naman ako! Nakaka-bwiset, ang walang modo!

"Sit down." Pero isang sabi niya lang napaupo na ako agad. Nanlaki lang ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Ginamitan na naman ba niya ako ng magic?

"Don't give me that look, I didn't use my powers." Kainis! At binabasa na naman niya ang emosyon ko! Parang nababasa na rin niya ang isipan ko. "You're just too good to follow my orders." Then he laughed again.

Ang yabang niya talaga! Promise, nawalan na ako ng ganang kumain. "Meron ka pa bang iuutos?"

"I need you to come with me at the Necro Market." Necro Market? That sounds—magical? Actually, hindi pala! It's eerie!


* * *


Pagkatapos naming mananghalian, umalis na kami sa mansyon at naiwan naman si Vander doon para magbantay. May dala akong basket at para kaming mamamalengke. Yun nga lang, mukhang hindi sa isang simpleng palengke ang pupuntahan namin. "Itong sinasabi mong Necro Market—"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon