CHAPTER 24
“magsalita ka naman jan Exziel.” He pouted.
“mahal na mahal pa rin kita.” Tapos niyakap ko siya.
“mabuti naman at ako pa rin.” Niyakap niya rin ako.
“Exziel!” biglang may tumawag ng pangalan ko.
“Shi-Shiloh?” napabitiw kami sa yakap at napatayo kaming dalawa.
Nakatingin lang siya saken. Halata sa mukha niya ang pag-aalala. Tapos, bigla niya nalang akong niyakap.
“I’m sorry… I’m sorry talaga. Mabuti at walang nangyaring masama sa’yo.”
“Shiloh…” niyakap ko rin siya, “ayos lang. Pinapatawad na kita.”
“Exziel..” umiiyak siya, “I’m sorry kung di ako nakatulong sa inyo noon. Tinakot din kasi ako ni papa na gagahasahin niya ako papatayin niya si mama kapag nagsumbong ako sa mga pulis. Ginamit niya lang naman kasi talaga si Nel para mapalayo ka sa kanya. Sinundan ka niya hanggang Cebu pero wala akong mapagsabihan kasi natatakot din ako.” Kumalas na’ko sa pagyakap sa kanya.
“yun pala ang nangyari sa’yo?”
Tumango siya.
“pero bakit di niya ako nagawan ng masama noong nasa Cebu ako?” nagtataka ako, kasi mag-isa lang naman ako doon.
“may nagbabantay kasi sa’yo.” Si kuya sumingit.
“si-sino naman kuya?”
“haixt.. kapatid ko talaga.. pinapabantayan na kita simula noong Makita kita sa apartment mo. Bagong dating ka ata noon sa Cebu. Alam namin ni dad na babalikan ka ni Oscar kaya pinabantayan ka namin. walang magawa si Oscar na masama sayo kasi alam niyang may nagbabantay sa’yo.”
Wow! Hindi ko alam ang lahat ng ‘to. Nabibigla talaga ako sa mga nangyari ngayon.
“pagpunta ko dito, may nagbantay pa rin ba saken kuya?” kasi kung meron edi sana di ako napasok ng hayop na yun.
“wala na ei. Di namin kasi alam na umalis ka na. kaya pumunta ako dito para hanapin ka ulit.”
Ahh..
“teka, miss okay ka lang ba? Wala bang ginawang masama sayo ang papa mo?” si kuya, concern kay Shiloh.
“huh? uhmm wala naman po Kuya??”
Natawa si kuya.
“kuya? Patanong ata ang pagkakasabi mo? Call me Yanji nalang. Tumatanda ako sa kuya ei.” Lumalandi na din si kuya. Haha!
Napangiti lang si Shiloh. Crush niya na ata si Kuya ah?
“Nel, labas na tayo?” bulong ko kay Nel, “iwanan muna natin ang dalawa?”
Ngumiti siya at ayun nga, lumabas kami ng bahay.
Sana magkamabutihan yung dalawang yun. ^____^
“Exziel!!!” sigaw noong tatlong babae na namiss ko ng sobra.
Niyakap nila akong tatlo. Halos di na nga ako makahinga.
“grabe naman kayo kung makayakap. Halos patayin nyo ko ei.” Biro ko sa kanila.
“sus! Na miss ka namin ei.” Si Kyla.
“nga pala guys.. I’m sorry sa ginawa k---.”
“anu ka ba.” Hinampas ako ni Mae sa balikat pero mahina lang naman, “ayos lang yun noh! Kalimutan na natin yun. Bastat walang nangyari sa inyo ng mga boyfriend namin, ayos lang. Naiintindihan ka namin. Promise.”
“yeah!! Forget about it and let’s start a new life altogether.” Si Rizelle.
Napangiti nalang ako kasi naman ang bait ni God saken.
May mga totoong kaibigan pala ako na handang umintindi saken.
May mga lalaking kaibigan din akong nirespeto ako.
May mama at papa ako na minahal ako.
May mama Dailyn ako na binuwis ang buhay para lang maligtas ako.
May mama Gelly din ako na nag-alaga saken at nagpaaral.
May pamilya pa pala ako na pinrotektahan ako nang hindi ko alam.
At ang huli, may boyfriend pala ako na nagawang saktan ako at ang sarili niya para lang mapalayo ako sa kapahamakan.
See?
Package na lahat nang binigay ni God saken. Wala na’kong hihingin pa.
“tulala ka ata?” nabalik nalang ako sa mundo nang magsalita si Nel.
“masaya lang ako Nel.” He smiled tapos bigla niya akong hinalikan.
“ayiiiih!!” narinig naming kantsawan nila.
“I love you.” Sabi niya saken habang ganito ang mukha ^____^
“I love you too. I love you so much!” tapos ako naman ang humalik sa kanya.
So, ayon!
Nagkaayos na kami ng tatlo kong kaibigang babae.
Napatawad na din ako ng tatlong kagalang-galang na mga lalaki. Haha!!
At heto ang good news, nagkakamabutihan sina kuya at Shiloh. Hmmm! Mukhang another story na naman to ah. Haha!
Kami ni Nel? Syempre kami ulit.
Haixt sawakas!
After ng mga nangyari sa buhay namin. Heto kami ngayon masaya pa rin.
Naging masakit man ang nakaraan ko.
Nasaktan at umasa man ako sa isang lalaki.
Naging magulo man ang buhay ko.
Nawalan man ako ng pag-asa para magtino.
Nagawa kopa ring maging masaya sa huli…
Kasi may mga taong naniwala sakin,
Nagtiwala sakin,
Rumespeto sakin,
Nagbantay saken,
Nagprotekta sakin,
At higit sa lahat…
Nagmahal sakin.
Susuko pa ba ako ngayon? Syempre hindi na… may mga taong palaging nasa tabi ko ei… sila ang lakas ko ngayon! ^_____^
END
(sa wakas na publish ko na din lahat ng chappys .. natagalan sa pag publish kasi binagyo .. nawalan ng connection !! huhu !! pero thanks po sa mga nagbasa ng story na 'to .. hmmm salamat po talaga .. sana po basahin nyo pa ang iba ko pang ginawang stories .. hehe!! tenchu po ^________^ .. buhay pa rin kahit na binagyo na .. haha!! Tindog Tacloban Bangon Leyte !! wohooo!!)
tapos na ang life nina Exziel at Neil .. balak kong gawan si Shiloh at si Yanji .. haha!! ano kaya kung rape victim si Shiloh?? haha!! okay sige babooosh na po!! ^___^ mwaaaaaah
YOU ARE READING
Fill the Empty Heart
Teen FictionLife is full of sufferings, disappointments, rejections and failures. But there's something that keep us standing even we are in the middle of nowhere; it's LOVE. Love is very powerful that it could change a devil into an angel, and an angel into a...
