Kabanata 1

1.1M 22K 13.1K
                                        

#JustThisOnce

Kabanata 1 

Sabi nila, love is blind. Sabi naman ng iba, love sees yet accepts all flaws. Sobrang contradicting ng definition nila ng love. Pero para sa akin, ang love? It's something that we can never fully define. Tayo kasi ang nagbibigay ng definition ng love. Iba-iba rin naman kasi tayo ng paraan ng pagpapakita ng love. May iba na selfish magmahal. May iba na hindi masyadong pinapakita ang pagmamahal. Tapos... may iba na binibigay lahat. Wala ng tinitira sa sarili.

"Kapag ikaw iniwan ni Tristan... hindi ko alam kung saan ka pupulutin."

Napa-tingin ako kay Jenna. "Ang nega mo talaga," I said as I continued to scrub the floor. Mabuti na lang at airconditioned itong bahay na nililinis namin kaya hindi ako pinapawisan. Sobrang init pa naman ngayon. Baka tuluyan na akong ma-heatstroke.

"Kasi naman, beh... Bilib din ako sa 'yo! Hindi naman kayo kasal ni Tristan. Boyfriend mo pa lang—"

"Fiancé," I corrected her and then showed her the ring that Tristan gave me. Hindi man malaki ang bato, at least sure ako na papakasalan niya ako. Assurance lang naman ang gusto ko. Supportive naman ako sa lahat ng ginagawa niya, e. Hindi rin ako clingy. Gusto ko lang, sigurado ako na kami pa rin sa huli.

She sighed. "Fine. Fiancé. Pero, beh... Hindi ba sobra na iyong ginive-up mo iyong law school mo para pag-aralin iyong si Tristan? Feeling ko katangahan na talaga 'yan."

Napa-buntong-hininga na lang din ako. Bakit ba hindi ako maintindihan ng mga tao sa paligid ko? Lahat sila, tingin sa akin ay tanga dahil pinili ko na huminto muna sa pag-aaral para tulungan si Tristan. His dream is also my dream. Kung maging doctor man siya, para na rin akong naging successful. Ganoon naman kasi sa love, 'di ba? Ang success ng isa ay success niyong dalawa.

"Mag-aaral naman ulit ako kapag tapos na si Tristan," I told her and then focused on scrubbing the floor. Hindi rin kasi sapat iyong trabaho ko bilang paralegal sa law firm, e. Sobrang daming binabayaran sa med-school. Kailangan kong pasukin lahat ng sidelines para mabayaran lahat.

"Kailan pa? At saka sure ka ba na tutulungan ka ni Tristan kapag doctor na 'yun?"

Tinignan ko si Jenna. "Alam mo? Sobrang nega mo. Kilala mo naman si Tristan, 'di ba? Mabait 'yun. At saka nag-aaral nang mabuti iyon para mapadali ang paggraduate niya," I told her. Halos hindi ko na nga nakikita sa bahay si Tristan, e. Palaging busy sa pag-aaral. Okay lang naman sa akin as long as sure ako na safe siya.

"Nagiging realistic at practical lang naman ako, beh. Sobrang bait at martyr mo rin kasi kaya ayoko lang na maloko ka, if ever."

I smiled. "Thank you sa concern, pero okay lang naman talaga sa akin. Masaya ako na tinutulungan si Tristan sa pangarap niya."

Nang matapos kami sa paglilinis ng bahay, mabilis akong nagpaalam. Kilala ko naman na si Jenna kaya sigurado ako na ibibigay niya sa akin iyong bayad. May isa pa kasi akong trabaho... kailangan kong matapos agad dahil may gagawin pa ako para sa mamayang gabi.

* * *

"Napaka-sipag mo talagang bata," sabi ni Manang Fe. Dalawang taon na rin akong naglilinis sa bahay niya. Patay na kasi ang asawa niya tapos ang mga anak niya naman, nasa abroad lahat. Minsan nga gusto niya lang na pinupuntahan ko siya para may nakakausap siya, e. Ayos lang din naman sa akin dahil wala na akong pamilya. Para ko na rin siyang nanay, e.

"Salamat po," I said, smiling.

"Ay, teka nga. Anniversary niyo nung nobyo mo, 'di ba?" she asked and I nodded. Sobrang excited na ako para sa mamaya! "Oh, ito, pa-sobra. Mag-enjoy ka mamaya sa date niyo."

Just This Once (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon