“Jahann, bumalik na tayo sa bahay, hahanapin ako nila Aly…” muling sabi ko sa kanya ngunit tila bingi si Jahann at hindi ako pinakikinggan. Mabilis rin ang pagmamaneho nito.

“Slow down!” malakas na sabi ko sa kanya. Mahigpit ang hawak niya sa manibela. “Jahann ano ba?” hindi ko mapigilang makaramdam ng takot dahil sa bilis ng pagmamaneho niya. I know he’s a good driver but, hell. Ang bilis ng pagmamaneho niya at ayokong maaksidente kaming tatlo.

“No matter what you do, I’m still going to marry Ian so stop this car now!” muling sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak.

Pakiramdam ko ay naghahalo-halo lalo ang emosyong nararamdaman ko. Frustration, depression, pakiwari ko ay nasasakal na ako.

Damn, hanggang kalian ba ako mag-iiiyak? Bakit ba hindi maubos-ubos ang luha ko?

Nagyuko ako nang magsunod-sunod ang pagpatak ng luha ko. Naramdaman ko ang pagbagal ng sasakyan niya hanggang sa tuluyang ihinto iyon ni Jahann.

“Damn!” biglang sinuntok ni Jahann ang manibela. Hindi ako nagsalita. Maging si Jahann ay walang imik maliban sa marahas na paghinga nito.

“No matter what you do, what we do… this is the end for us…” pinalis ko ang luha sa mga mata ko. “Hindi tayo magiging masaya, Jahann…” malungkot na sabi ko sa kanya. Sa sitwasyon naming dalawa, napakaliit lang ng tsansa na magiging masaya kami. Napakaliit lamang ng posibilidad na matatanggap nilang lahat nag tungkol sa amin.

“But you are my happiness, Cherinna…”
Naramdaman ko ang paghihirap sa boses ni Jahann.

Tinanggal ko ang seatbelt ko at lumabas ng sasakyan niya. Agad na humalik sa pisngi ko ang malamig na hangin. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng sasakyan niya, tanda na siya man ay lumabas ng sasakyan nito.

“We’re hurting the people we love, Jahann…” nanginginig ang boses na sambit ko. Alam kong nasa likod ko lang siya. “Patuloy silang masasaktan dahil sa atin…” niyakap ko ang sarili ko bago pinuno ng hangin ang dibdib.

“Ayoko na silang saktan…” mahinang sabi ko. Ayokong makita ulit si Mommy na nasasaktan.

“I’m sorry…” natigilan ako nang yakapin niya ako mula sa likod. Ipinatong niya ang baba sa may balikat ko. “Hindi kita binabalewala. Yes, I’m an asshole for neglecting you, for making you feel like you’re nothing to me, but Cherinna, you’re my whole damn universe…”

“Be mad at me. Sampalin mo ako, paulit-ulit. Hanggang sa mawala ‘yung galit mo sa akin. Hanggang sa mapatawad mo ako,” ani Jahann habang nakayakap pa rin sa akin. “I’ll explain everything to you. Just don’t marry him, Creep…”

But I don’t want to hurt them anymore…

“What you did was right…” pilit kong sinabi sa malamig na tinig. “Tama lang na nilayuan mo ako.” Pakiramdam ko ay may malaking bikig na nakabara sa lalamunan ko. “I realized that…” kinagat ko ang labi ko. “That I wasn’t in love with you…” ikinuyom ko ng mahigpit ang kamay ko. “So what you did was the right thing…”

“What are you saying?” marahan niya akong binitawan at saka niya ako pinaharap sa kanya, iniiwas ko ang tingin sa mukha niya. “I wasn’t in love with you…” diretsong sabi ko sa kanya. Pakiramdam ko ay libo-libong patalim ang tumusok sa puso ko nang makita kong nasaktan siya.

“When you’re neglecting me? I was actually fine. Ian’s there for me…” pinilit kong ngumiti sa kanya. “Kaya balewala sa akin ‘yung hindi mo pagsagot sa tawag ko… I had to act like I’m hurting. You should give me some credit. Ayoko lang na isipin mo na balewala lang sa akin ang lahat.” Patuloy na pagsisinungaling ko sa kanya.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!