Chapter 7

6.7K 88 5
                                    

Buhat buhat parin ako ni James nung pagbunta namin sa clinic grsabi nakakahiya talaga yung ginawa niya....pero infernes kinilig ako dun sa sinabi niya kanina hihihi.....I'm turning softie for this guy hayyyy...Pag ka pasok namin ng clinic eh binaba niya ako dun sa may kama.

"HOY MOKONG! BAKIT KASI KAYLANGAN MO PA AKONG BUHATIN MAGMULA SA GYM HANGGANG DITO SA CLINIC HA?! ALAM MO BANG HIYANG HIYA AKO!" sigaw ko sakanya lahat na ng frustration ko gusto kong ilabas sa kanaya.

"Kung maka sigaw ka naman wagas sana man lang nag thank you ka muna bago mo ko sinigawan" aba! Demanding pa tong lalaking toh pinahiya na nga ako kanina sa gym!

"Ako mag thatank you?! Pinahiya mo ko okay...P-I-N-A-H-I-Y-A M-O KO!! tingin mo talaga mag thathank you ako" nakakainis talaga! Aish

Sa sobrang lakas nung sigaw ko eh pinagsabihan ako nung nurse na kapag hindi daw ako tumigil eh papaalisin niya ako sa clinic....syempre wala naman akong masabi kaya nag sorry nalang ako tapos pinaalis niya na si James thank you po Lord.....sa wakas katahimikan

Pagka tapos gamutin nung nurse yung sugat ko eh pinag stay niya muna ako ng konti kasi masakit parin pero dahil sobrang  board ako eh binuksan ko yung kurtina para makita ko kung sino yung nasa kabilang kama pag ka bukas ko eh nakita ko si Andy.

"Omaygad Andy ikaw bayan?!" Grabi destinity nga naman ang hilig kaming paglaruan

"Jusko ikaw naman akala mo ngayon lang tayo nagkita hahaha! Ano nga palang ginagawa mo dito" Hahahah! ang oa nga naman kasi talaga nung reaksyon ko

"Ahhh wala nadapa lang ako kanina sa gym konting galos lang naman tiyaka siguro maya maya okay na tong tuhod ko...Ikaw anong nangyari sayo?" Grabi kawawa naman si Fafa Andy baka may cancer siya wag naman po sana...wala pa nga yung 10 naming mga anak eh.

"May cancer ka noh?! huhuhuhuhu!! Waaaaagggggg Anddddyyyyy wag muna!! Bakit kaylangan ka ng kunin ni God sakin pano na yung sampung anak natin " Pagdradrama ko dito.....Shit nasabi ko yung tungkol sa sampung anak na gusto ko (o_o)

"Ang oa mo talaga Ams nagsasakit sakitan lang ako kasi may test kami sa math ngayon eh hindi ako nakapag review kaya eto sabi ko masakit yung tiyan ko hahahaha!" ohhhhh...pero grabi tinawag niya akong Ams yieeeeee siya lang yung taong tumawag sakin non emeged em so keleg keleg right now...

Pag kasabi niya non eh tumahik na kami kasi winarningan kami nung nurse na isa pa daw na ingay ay papalabasin niya na daw kami tiyaka sinara ko na yung kurtina ni Andy kasi baka inaantok na siya.

Ilang oras na yung lumipas nag decide na ako na lumabas kasi hindi na ganon kasakit yung tuhod ko tiyaka nakakalakad na ako ng maayos nung palabas na sana ako naramdaman ko na may humawak sa kamay ko pagkatingin ko si Andy pala

"Hindi mo pala sinabi yung pangalan nung sampung anak natin Ams" Nung pagkasabi niya non hiniling ko na sana lamunin na ako ng lupa tapos sobrang pula pa nung muka ko kala mo na sun burn sa sobrang pula....omg akala ko nakalimutan niya pero hindi pala tapos hawak pa niya yung kamay ko jusko fafa Andy wag kang ganyannnnn.

"HA??? Ano...kas....ummm...yung..,ano mo ,.." Halos wala ng lumalabas sa bibig ko hindi ko alam kung sa sobrang kahihiyan oh dahil sa sobrang kilig. Kaya tumakbo nalang ako palabas ng clinic.

Napansin ko na isang subject nalang para yung meron ako....Asan kaya si Claire?

Habang nag lalakad ako papunta sa classroom eh nakita ko si Claire na nakikipag landian ay Miguel kasama siya sa basketball team kaibigan din siya ni James pati ni Andy.

"Huy Claire" tawag ko sakanya pero mukang dedma ang beauty ko tinawag ko lang siya ulit hanggang sa natingin na siya sakin

"BESHIE!!!! OMAYGAD ANG DAMI KONG CHIKA SAYO!!!! " grabi ngayon alam ko na kung kanino ako nag mana kakasigaw kanina sa clinic

"Puwede ba kahit minsan bigyan mo naman ako ng kahihiyan bakit ba palagi mo nalang akong sinisigawan ha?? " Lahat tuloy ng mga classmate namin nakatingin samin Claire kasi eh kaasar!

"HAHAHAHAH!! ang oa mo talaga Amanda gusto ko lang naman malaman kung bakit ka binuhat ni Fafa James palabas ng gym eh...like ang haba ng hair mo teh and nadapa ka lang naman kung makapag alala siya akala mo nabagok na yung ulo mo"

"Malay mo na kokonsesya lang siya kasi naman in the first place siya naman talaga yung may kasalan kung bakit ako nadapa noh! Kung hindi kasi niya hinarang yung napaka laki niyang paa" Tama lang na ma guilty siya noh ugok na yon!

Pagkatapos naming magusap ni Claire eh sakto dumating na si sir nag start nadin yung lesson napansin ko na hindi naman nakikinig si Claire at nakikipag landian lang siya kay Miguel....hayyy nako siya na talaga ang pokpok ng CUP...After 1234564253 years natapos na din si sir at UWIAN NA WHOOOOOOO!!!!!

Palabas na kami ni Claire ng pinto ng biglang hinarang kami ni Tiffany at yung mga panget niya na minions.

"Hi Amanda and Claire" sabi ni Tiffany samin....Nako ang plastic mo beshie nakakapanginit ng dugo

"Hulaan ko galing ka sa children's party noh....hahahah! magkano ba binayad sayo para mag mukang clown" pagkasabi non ni Claire eh tumwa kami ng malakas muka nga naman kasing clown si Tifanny noh

"Hoy ikaw Claire hindi ikaw yung gusto kong kausapin non si Amanda wag kang felingera hindi ko sasayangin yung oras ko para sa childish na katulad mo" Pagkasabi non ni Tiffany eh tumawa silang lahat pati yung nga minions niya

"Eh gaga ka pala eh muka bang pag aaksayahan ka ni Amanda ng oras ha?! Babaita ka" Pagtataray ni Claire hayyy nako hindi talaga magpapatalo tong isang toh

"Ano bang kaylangan mo sakin Tiffany" Jusko gusto ko ng umuwi bakit kasi kaylangan pa akong kausapin nito eh

"Gusto ko lang tanongin kung anong relasyon niyo ni James?" WHAT?? AS IN TAMA BA YUNG NARINIG KO? kami ni James may relasyon?? bakit ngayon ko lang nalaman?

"Ha?? Anong pinagsasasabi mo? High ka ba tiyaka san mo napulot yang chismis na yan" Sino namang tangang tao na magkakalat ng chismis na yon

"Fine alam ko naman na hindi ka aamin eh pero i just want to remind you something ayoko sa lahat nilalandi yung soon to be husband ko" Pagkasabi non ni Tiffany eh umalis na sila at kami ni Claire naman napanganga dun sa sinabi niya

SI TIFFANY AT JAMES IKAKASAL???! (O_O)

Mr. Oh so PossesiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon