“Because I owe everything to them…” mahinang sagot ni Jahann sa akin.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya sa akin. “What? You owe what?” tanong ko. Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya sa akin. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Nag-iwas ng tingin si Jahann. Hindi naman ito nagsalitang muli. “Anong sinasabi mo?” muli kong sabi nang hindi pa rin siya magsalita.

“I just came here to congratulate you…” tumayo na si Jahann at naglakad papunta sa pinto. Natigilan ako. Iyon lang? Iyon lang ang pinunta niya dito sa kwarto ko?

“Wait…” pigil ko sa kanya. Hindi birong lakas ang inipon ko para maglakad papunta sa harap niya. “Are you serious right now?” nakakuyom pa rin ang palad ko. “Congratulate me?” tanong ko ulit sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko kay Jahann. Nanlalabo ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Matigas ang ekspresyon ni Jahann habang nakatingin sa akin.

“You’re not deaf, Cherinna…” mahinang saad ni Jahann. “You heard me right…” his voice was icy cold. 

“What happened to you?” tuluyan nang nabasag ang tinig ko. “What happened to us?” bumagsak na rin ang luhang kanina ko pa kinikimkim. Nakita ko ang paggalaw ng Adam’s apple niya.

“Bigla ka na lang nawala. Bigla kang hindi nagparamdam… and now, you’re not even going to ask me why I’m going to marry someone else? Kung bakit ako magpapakasal kay Ian?” hindi ko mapigilan ang pag-alpas ng sama ng loob ko kay Jahann. 

“Wala ka na ba talagang pakialam sa akin?” lakas-loob na tanong ko sa kanya. I was damn scared with his answer.

“What for? You’re marrying him, right? That’s the right thing to do, Cherinna. You should marry him…” I saw his jaw tightened. Iniwasan niya na naman na tignan ako.

“What are you saying? What happened to you?” hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. “Nagpunta ka lang ng New York, nakalimutan mo na ako?” dagdag kong tanong sa kanya. Hindi man lang niya ako tinignan ulit.

“Answer me!” Tinulak ko ang dibdib ni Jahann pero hinawakan niya ang dalawang kamay ko at saka niya ako tinitigan.

“If I say yes, will you accept it?” marahas na tanong niya sa akin.

“Why?” nanghihinang tanong ko sa kanya. “Why?” hindi ko na napigilan ang pagsigaw. “Dahil hindi ako nakauwi at kasama ko si Ian? Just because of that?” pakiramdam ko ay may kung anong pumipiga sa puso ko. “Dahil lang doon, Jahann?” pakiramdam ko ay bigla akong nanghina. 

“Stop it Cherinna. You’ll marry him, anyway. What’s the point of this conversation?” tinignan ako ni Jahann pero agad din niyang iniiwas ang tingin sa akin.

“Pero mahal kita…” hindi ko mapigilang mapaupo. Hindi ko maintindihan kung ano ‘yung nangyayari sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nagbago siya. Tuluyan na akong napahagulgol.

Hindi siya nagsalita. Nakatayo lang siya sa harap ko habang patuloy ako sa pag-iyak. Napayuko ako. Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari kapag nagkita kaming dalawa. Hindi ito ‘yung inaasahan kong ipapakita sa akin ni Jahann…

“I thought you love me…” sambit ko sa pagitan ng paghikbi.

Hindi nagsalita si Jahann.

“Mali ba ako?” sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. “Mali ba ako?” nag-angat ako ng tingin kay Jahann pero nakapikit ang mga mata niya.

“Just be happy, Cherinna…” ani Jahann bago tuluyang naglakad papalabas sa kwarto ko. Napayuko ako habang patuloy ang pag-iyak.

Was it all a lie?

Played by Fate - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon