-49-

46K 1.9K 603

Tweet me using #PlayedByFate. :)

---

NAKATITIG ako sa mukha niya. It’s been a month…

Walang pinagbago ang mukha niya. It’s still the same, like in my mind. Nakikita ko pa rin ang mukha niyang tila pinagbuhusan ng oras ng Diyos nang nilikha. It was as if his features were carved especially by an angels. Those eyes that used to drown me with just one simple look. Those eyes that never failed to make me fall in love with him again and again.

Halos isang buwan na simula nang huli ko siyang makausap. Halos isang buwan nang iwasan niya ako.

Nakapako ang mga mata niya sa akin. Hindi siya kumikilos o nagsasalita man lang. 

I cleared my throat. “Jahann…” halos pumiyok ako nang bigkasin ko ang pangalan niya. Nanginginig ang mga tuhod ko at nararamdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Agad akong tumalikod sa kanya.

“What are you doing here? Alam na ba nila Daddy na dumating ka na?” tanong ko sa kanya. Inabala ko ang sarili ko sa paghahanap ng damit kahit na sa totoo lamang ay nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha. “I—I’m sure, matutuwa si Mommy kapag nakita ka ‘non…”

“You’re getting married…” ani Jahann sa malamig na tinig. Natigilan ako sa ginagawa ko. “I received the invitation…” dagdag pa nitong sabi sa akin.

Napatuwid ako ng tayo. Si Aly ang nagpadala kay Jahann ng invitations. Hindi ko alam kung ilan ang pinadala niya rito pero ang alam ko ay maraming ipinadala si Aly dahil na rin sa hindi sumasagot si Jahann sa lahat ng tawag na ginagawa sa kanya. I tried to stop her but I was afraid that she’ll ask me why so I just let her do it. Besides, kahit naman mareceive ni Jahann ang invitation ay tuloy ang kasal.

Hindi pinaalam kay Jahann ang tungkol sa kalagayan ko dahil sa utos na rin ni Daddy. Though Jahann has the right to know, because he’s my brother, sinabihan sila ni Daddy na mas mainam na huwag na lang upang hindi na mas lumaki pa ang gulo dahil na rin sa insidenteng kinasangkutan ng mga pinsan ko at kay Ian. Nang unang makita ni Theon si Ian ay agad na sinuntok ng una ang huli.

“Yeah…” mahinang sagot ko sa kanya. Napayuko ako.

“I was expecting that to happen. But not this soon…” I heard him laughed. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin. Sa halip ay sa malaking stuffed toy na purple siya nakatingin. Nakapatong iyon sa kama ko. That’s one of his gifts.

“Nagkabalikan kayo ni Montenegro?” nilingon ako ni Jahann. Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya. Ngumiti ito ng tipid. “Damn, I was expecting that one, too…” napailing pa ito ngunit nananatili sa mukha ang maliit na ngiti.

“Jahann…” kumunot ang noo ko. Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya. He was expecting those things? Inaasahan na niyang magkakabalikan kaming dalawa ni Ian?

“Maybe you’re wondering why I’m not answering your calls…” umayos ng upo si Jahann at huminga ng malalim. “Hindi ko ginawa ‘yon dahil lang gusto ko…” he cleared his throat. Hindi pa rin nagtatagal ang tingin niya sa akin. Sulyapan man niya ako ay agad niyang iiiwas ang tingin pagkatapos.

“Then why?” humigpit ang hawak ko sa dress na nasa kamay ko. Bakit hindi mo ako pinapansin? Bakit bawat tawag ko ay balewala lang sa’yo? Bakit mo ako pinabayaan na lang?

Kumuyom ang palad ni Jahann.

“I was waiting for your calls…” pumatak ang luha sa mata ko. “I was waiting for you…” dagdag ko pa. “You just ignored me. You chose not to talk to me, why?” puno ng hinanakit na tanong ko sa kanya. Basta na lang nito naisipan na huwag akong pakinggan kahit pa gusto kong magpaliwanag sa kanya.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!