-48-

43K 1.9K 475

Since malapit na matapos, can I ask for your reactions? Tweet me using #PlayedByFate. Mas active ako sa twitter. :)

Thank you. :)

--

NAKAUPO lang ako sa may gilid ng swimming pool habang nakatingin sa repleksyon ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napabuntong-hininga. Noong isang araw pa ako nakauwi mula sa ospital. Hindi rin naman ako nagtagal doon nang sabihin ng doctor sa akin na maayos na ang lagay ko. Mas gusto ko rin na sa bahay na lang ako magpahinga.

Hindi rin ako lumalabas ng bahay namin magmula noon. Wala naman akong ibang pupuntahan. Nanatili lamang ako sa loob ng kwarto ko o di kaya ay kung saan-saang parte ng bahay namin. Halos lahat ng tao sa amin ay ingat na ingat sa akin simula ng malaman nila ang kondisyon ko. Laging may nakabantay sa akin para alamin kung may kailangan ba ako o may gusto ako.

Kahit papaano ay kinikibo na ako ni Mommy ngayon. Si Daddy ang kinakausap ko para tutulan ang kasal namin ni Ian. Kung ikakasal ako kay Ian, mas malaking problema lang ang idadagdag 'non sa amin.

And up until now, hindi ko pa nakikita si Ian.

"Baka malamigan ka naman ng husto niyan," naupo si Kol sa tabi ko. May dala-dala itong isang tray na may ice cream. Napangiti ako ng malungkot.

I remember someone who used to bring me ice cream whenever I am sad.
Kinuha ko ang basong naroon at nilagyan iyon ng ice cream.

"Nakausap mo na si Tito Kerko?" tanong ni Kol sa akin. Iniahon ko ang paa ko pero hindi naman ako umalis sa kinauupuan ko. Umusog lang ako. Tumango ako sa kanya.

"Anong sabi niya?" kinuha nito sa akin ang baso na hawak ko at siya na ang naglagay ng ice cream doon bago iniabot sa akin. Ngumiti ako ng tipid. "Tinanong niya kung sino ang tatay ng anak ko... hindi ako makasagot."

"Why don't you just say it?" umayos ng upo si Kol at tumingala.

"Sana ganoon lang kasimpleng gawin iyon, Kol..." sagot ko bago sinimulang kumain ng ice cream. It's been almost a month since I last talked to Jahann. Hindi na rin ako nagtangka pang muling tawagan siya. Nang araw na sinabi ni Mommy na ikakasal ako kay Ian, ilang beses akong sumubok makausap siya. Ilang beses akong tumawag. Ni isa sa mga iyon ay hindi niya sinagot.

"Hindi pa rin siya sumasagot?" nilingon ako ni Kol. Ngumiti ako at umiling. Nagmura ito ng mahina. Natawa naman ako. "Maybe he's really busy..." nagkibit-balikat ako.

Iiling-iling si Kol.

"Don't be mad at him," ani ko habang tinutunaw ang ice cream sa pamamagitan ng paghalo-halo dito. "I guess, mas okay na din 'to..." dagdag ko. Naramdaman kong lumingon sa akin si Kol.

"Kung malalaman niya, magkakagulo ulit. And, okay na kami ni Mommy..." inilapag ko ang baso at tumingala at pumikit.

"Don't tell me you're going to marry Ian?" halos hindi makapaniwalang tanong ni Kol sa akin. Hindi ako kumibo. Wala naman akong sinabing papakasalan ko si Ian. Alam kong isang malaking katangahan na magpakasal kay Ian.

"Magpupunta pa ba kayo sa New York?" tanong ni Kol nang hindi ako sumagot sa kanya. Umiling ako. "Ako, hindi. Hindi ko alam kung tuloy pa sila Aly..." sagot ko naman. Wala namang napag-usapan tungkol sa pagbiyahe namin papuntang New York. Bago nila malaman ang totoo ay okay na ang lahat. Nakaplano na. Pero dahil sa akin, nasira ang plano na iyon.

Nakakatakot na kumilos. Nakakatakot na magsalita.

Natatakot ako na sa bawat gagawin ko, magkakaroon ng epekto sa mga taong mahal ko.

"Did you take your vitamins? Baka mamaya nakalimutan mo na naman..." irap ni Kol sa akin. Hindi ko napigilang mapangiti ng maliit. "Don't worry, I'm fine..."

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!