Chapter 10

[Darren’s Heart]

>>>>4PM

“Nice dre! Top 50! Epekto ba yan ng pag-aaral kasama si Aerith? From Top 89 naging Top 50 ka oh!” sigaw ni Gabriella sa kin.

“Tss. Sadyang matalino lang ako no!”

Pero totoo naman sinabi niya, ang laki ng tinulong ni Aerith. Ewan ko ba pero siguro nagbabago na ko dahil kay Aerith. Parang unti-unting bumabalik yung masayahin na ako.

"Osige dre una na ko, puntahan ko na si Aerith." paalam ko sa kanila at lumabas na ko ng classroom.

Nakarating na ko sa classroom nila at nakita ko na siya na lang ang tao dun, inaayos niya yung classroom.

"Hoy Aerith Cyrile Hannah!" sigaw ko sa kanya at parang nagtwitch naman siya nang marinig ako. Sana naman hindi siya atakihin.

Pumasok na ko sa classroom nila at tinulungan ko siyang i-lineup yung mga chairs...pero weird, di siya nagsasalita. Usually pag nakikita niya ko sisigaw siya ng 'Renren!!!'

Napahinto ako sa ginagawa ko.

"Huy ba't antahimik mo ata?"

"H-ha? P-pano mo naman n-nasabi yun?"

Nauutal ba siya? Anong nangyayare dito sa babaeng 'to?

"Hindi ka naman siguro inaatake?" I said with a worried voice at agad-agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang balikat niya at parang nagtwitch na naman pagkahawak ko.

"Ok ka lang? Naturok mo na ba gamot mo?"

"H-ha? O-oo! Ako pa! H-hindi ko makakalimutan yun!"

"Eh baket parang nauutal ka?"

"H-ha? Anong nauutal? Psh. H-hinde ah!"

"Ayun oh, nautal ka! Humarap ka nga sa kin!" tas hinarap ko naman siya sa kin pero nakatungo siya.

"Hoy, ano bang problema mo? Ba't di ka makatingin sa kin??"

Nagbuntong hininga naman siya.

Tas bigla-bigla naman niyang inangat ulo niya at nagtama ang mga tingin namin.

"Psh. Anong pinagsasabi mo Renren? Hahaha! Wala akong problema! Medyo napagod lang ako ngayong araw!" bigla na lang siya nagback to normal? Ang gulo niya.

"Ang bipolar."

"Anong bipolar ka diyan! Bawal mapagod?"

"Tss. Whatever."

"Uwi na tayo?"

"Tara na."

Tch. This girl is really weird.

[Aerith's Heart]

Kasama ko ngayon si Renren pauwi, hayy ewan ko, di maalis sa isipan ko yung sinabi ni Miss nurse kanina. Ayan tuloy, nacoconscious ako!

“In-love ka dun..."

“In-love ka dun..."

“In-love ka dun..."

Uwaaaa ano ba yun! kunsensya in disguise ko ba si Miss Nurse???

“In-love ka dun..."

“In-love ka dun..."

“In-love ka dun..."

“In-love ka dun..."

STOP!!! ANO BA YAN?? UNLI?? UNLI?? WAHHHH!!

Huminto ako sa paglalakad.

"Oh baket?" tanong ni Renren sa kin.

Tumingin ako kay Renren.

*dug dug dug*

“In-love ka dun..."

Hayy.. Wala naman mawawala sa kin kung iconfirm ko di ba?

I smiled brightly at him.

"Renren!!! Saturday naman bukas di baaaaaaa??" I said as energetic as possible.

"Ha? Oo."

Here goes nothing...*sigh*

"Date tayo!!!"

Reaction ni Renren?

From---> =_______=

To this----> O__________O

"ANO?!"

"Aish. Ang OA mo naman! Sabi ko. Date.Tayo.Bukas.!" sabi ko sabay hampas sa braso niya.

Bigla naman kumunot yung noo ni Renren.

"Anong date ka diyan? Mukha mo! Hoy alam kong gwapo ako! Pero hindi ako kahet kelan makikipagdate sa kahit na sino!"

"KJ! Bakla ka ba?! Ba't ayaw mo makipagdate?!"

"Basta! Natauhan na ko sa ganyang mga bagay!"

"Hoy baka akala mo gusto kong makipagdate sayo dahil gusto kita ah?!! Asa-ness! Ang date na sinasabi ko ay friendly date!"

"Kahet na!"

Hinawakan ko yung kamay ni Renren at nagpuppy eyes.

"Renren~~~~ Pleaaaaase!! Death wish ko 'to!! Bonding naman tayoooo!!"

Tinanggal ni Renren yung pagkakahawak ko at napakamot siya ng ulo.

"Sige na nga! P*tek! Tutal baka di ka naman tumigil diyan! Ayokong magngangawa ka dito sa daanan!"

*U* Yeeyyyyy!

Sa sobrang saya ko napayakap ako

"Thanks Renren!!! You're the best!!"

Kinalas naman ni Renren ang pagkakayakap ko.

KJ forever!

"Tss. Tara na nga umuwi na tayo!"

Tas yun, I walked home with him with a smile on my face.

Bukas talaga.

Bukas.

Malalaman ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.

(To be continued...)

------

Author's Note: Ayo!!! Hahaha feeling ko ang fail ko ㅠㅠ Ang tagal kong hindi nag-UD!! Iuntog niyo nga ko sa pader!!>< Huhuhu... Bibilisan ko na nga pagtype ng story na 'to para matapos agad! May plot na siya eh, ieelaborate ko na langs..

My MiracleBasahin ang storyang ito ng LIBRE!