"Siya, kumain na tayo." sabi naman ni Daddy.

***@Kuya France's House

"Kanta ka na, Lernie." sabi ni ate Francel.

Si ate Francel ang mahilig mag play ng Electric Guitar sa banda nila ate habang ang kapatid naman niyang si kuya Frances ay ang Drummer. Si ate Geve naman ang Vocalist at minsan ding nag gigitara. Si ate Dennie naman, madalas siya ang Pianist pero nag da-drum, gitara, at kumakanta rin siya. Mostly pag may mga okasyon, sarili niyang composition ang tinutugtog nila.

Bukod dito, may dalawa pang banda si ate.

"Alam naming may tinatago kang Golden voice dyan, Lernie. Why don't you show us then?" sabi naman ni kuya Frances.

"Sasabayan ka namin. Tutugtog kami." nakangiti namang pangungumbinsi sakin ni ate Geve.

I just looked at Ate Dennie. Naka poker face lang naman siya eh!

"Ate?" I called for her attention.

"Why?" She asked.

"Do you want me to sing?"

"Ikaw bahala."

"Kakanta ako pag tutugtog ka rin."

Napatingin naman sila Kuya Frances, Ate Francel, at Ate Geve kay Ate Dennie.

"Tutugtog ka, Dennie." maya-maya'y sabi ni ate Francel kay ate. Nakalimutan kong isabi sa inyo na Ate Francel is the leader of their band. Pero doon sa dalawang banda ni ate Dennie, ay siya ang leader.

"Ok." walang ekspresyon na sagot ni ate.

Bigla namang nagsisayahan ang tatlo nang mag 'ok' si ate. They really want me to sing, don't they?

Nagsipuwesto na sila sa kani-kanilang mga instrumento at naghanda na para sabayan ako sa pagkanta ko nang may isang maganda at matangkad na babaeng biglang dumating at nakangiting umupo ng medyo may kalayuan sa amin. Kaharap lang namin siya kaya kapansin-pansin ang pagdating niya.

"Nandito na pala ang isa pang bisita natin! Perfect timing! Haha, tara simulan na natin." narinig kong masayang sabi ni kuya Frances sa likuran ko as he began to beat the drum with his drum sticks on. And the music went on kahit na hindi ko pa naman alam kung ano ang kakantahin ko.

"Lernie, you know the song, 'I'll never get over you getting over me'?" tanong sa akin ni Ate Francel as she is holding her Electric Guitar with her.

"Alam ko po, ate." sagot ko lang.

"Well, yun ang kantahin mo." she said with a smile saka tuluyan nang nakitugtog with the band.

Napatingin lang ako kay ate na tahimik na nakikitugtog din while holding an acoustic guitar. Nakatayo lang siya sa tabi ko and she didn't bother looking forward at yun ang ipinagtataka ko. Di man lang niya makuhang tumingin sa magandang dilag na nasa harapan namin ngayon.

Bago pa ako mapaisip ng mga posibleng rason ay kumanta na lang ako after I looked at Ate Geve's face who's playing the Organ. Nagpalit ata sila ng posisyon ni ate? Well, never mind.

***

"New Vocalist niyo?" tanong ng magandang babae kay Ate Francel matapos nilang tumugtog at babain mula sa mini stage ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 28, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Impermissible Love (Lesbian Stories)Where stories live. Discover now