-46-

42.3K 1.8K 396


"CHERINNA, are you still mad at me?" tanong ni Aly nang magkasalubong kaming dalawa nang nagpunta ako sa kusina.

"I'm not..." umiling ako bago nagtuloy sa kusina at kumuha ng baso.

"Kausapin mo na ako. You're ignoring me for a week na, Twin..." sumunod si Aly sa akin. "What happened to you? Halos wala ka ng kinikibo sa aming lahat..." naramdaman ko ang lungkot sa boses ni Aly.

One week...

One week na rin na hindi ko nakakausap si Jahann.

Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Gusto kong ipaliwanag sa kanya kung bakit magkasama kami ni Ian pero hindi ko magawa. Ayoko namang magsend na lang ng message sa kanya dahil baka mamaya ay iba ang makabasa ng mensahe ko.

"Kinakausap naman kita, ah?" pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Yes. Like, when you replied to my good morning or how are you... but Twin, we're not like this a week ago. Wag ka na magalit sa akin..." ngumiti sa akin si Aly.

"I told you, I'm not mad at you..." ngumiti ako ng tipid sa kanya. Kahit na naiinis ako sa sinabi ni Aly kay Jahann, naiintindihan ko naman siya. Akala niya ay nagkabalikan na kami ni Ian. Nagstay pa ako sa bahay ni Ian kaya mas lalong lumakas ang hinala ni Aly. Sana lang ay hindi nito sinabi kay Jahann ang hinala nito.

"Ma'am, nandyan po si Ian sa labas. Hinahanap kayo..." untag sa akin ng isang kasambahay namin. Napakunot ang noo ko.

"Hindi pa ba talaga kayo nagkakabalikan 'non? Napapadalas ang dalaw ni Ian. Kagabi lang, andito rin siya..." pigil sa akin ni Aly nang akmang lalabas ako.

"Hindi kami nagkabalikan," sagot ko bago ko binawi ang braso ko at pinuntahan si Ian. Bukod kay Kol ay si Ian lang din ang nakakausap ko tungkol sa kalagayan ko. Pero hanggang ngayon ay hindi alam ni Ian na si Jahann ang tatay ng anak ko. Hindi naman na siya nagtatanong tungkol sa bagay na iyon na siyang ipinagpapasalamat ko.

"You're early. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Ian nang makalapit ako sa kanya. Wala naman siyang sinabing babalik siya ngayong araw.

"Good morning din, Cherinna..." ngumiti siya sa akin. Ginantihan ko lamang iyon ng isang tipid na ngiti.

"Ano ngang ginagawa mo dito?" tanong ko ulit sa kanya. Tinignan ko ang relo ko. Magpupunta ako sa hospital ngayon para malaman kung buntis ba talaga ako o hindi. Kinailangan pa akong pilitin ni Kol para gawin ito. Alam ko na kahit sigurado na si Kol, a part of him, umaasa pa na sana ay hindi ako totoong buntis.

Nagkibit-balikat lang si Ian sa akin.

"May sa Chinese ka, Ian?"

Napalingon kami nang lumapit si Aly sa amin.

"Morning, Aly..." ngumiti ito sa kakambal ko. Alam na ni Aly ang nangyari kay Anika dahil na rin nabanggit iyon ni Kevyn nang magkasama-sama sila. Ako lang yata ang hindi nagpunta dahil mas pinili kong magpahinga. Pag-uwi ni Aly ay agad niya akong tinanong kaya sinabi ko ang alam ko.

"Wait, let me ask you this first," hinawakan ni Aly ang braso ko at pinapuwesto ako sa likod niya. "Wala ka naman na sigurong isa pang secret girlfriend, ano? Sinasabi ko sa'yo, kapag may nanakit na namang babae mo kay Cherinna, ikaw ang mananagot sa akin..." pananakot ni Aly kay Ian.

I rolled my eyes.

"Aly, he's not courting me. Wag ka ngang baliw diyan..." putol ko sa paninindak ni Aly kay Ian. Nginitian ni Ian si Aly. "Wala akong girlfriend, Aly."

"Alright, I'm thankful kasi ikaw ang tumulong kay Cherinna noong nahimatay siya, but I still hate the fact that she's with you the whole night at wala ka man lang sinabihan..." bakas pa rin ang inis sa mukha ni Aly. Nagkibit-balikat lang si Ian.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!