One Shot Story

9 2 0


Love story??

Gusto kong magkaroon nun. At mabubuo lang iyon kapag nahanap ko na ang aking prince charming.

"Uy Lance matanong ko lang, nahanap mo na ba ang prinsesa ng buhay mo?"
Tanong ko sa kababata ko

"Oo matagal na...bakit mo natanong.At saka ikaw nahanap mo na din ba ang prince charming mo?" pagbabalik niya ng tanong

"Oo matagal na din" sagot ko, hay kung alam mo lang matagal na kitang nahanap

Tama kayo matagal ko na siyang gusto pati nung mga bata pa lang kami ....

Maalaga kasi siya, mapagmahal, maunawain, gwapo, at mabait.Parang lahat na nasa kanya.

Palagi niya din kaming pinagtatanggol
ng kakambal ko kapag may nangbubully sa amin

"Lance" tawag ko sa kanya

"Bakit may gusto ka bang sabihin?"
Oo meron ,gusto ko nang ipagtapat ang nararamdaman ko para mabuo ko na ang love story ko

Pero....hindi ko pa kaya

"Lance pwede ko bang malaman kung anong itsura ng prinsesa mo?"

Masyado na akong na cucurious at gusto ko talagang malaman, dahil baka ako naman pala ang prinsesa niya.Pero, tama itsura lang muna ang tatanungin ko.

"Sige Sasabihin ko itsura niya at lahat tungkol sa kanya " seryoso niyang sabi habang nakatitig ng matiim sa aking mga mata

Tug dug tug dug

'Kinakabahan ako sa maaring malaman ko pero siyempre na e excite din'

Nagsimula na siyang magsalita

"Hmmm pano ko ba to sasabihin, Maganda siya ....mabait...cute kapag kumakain, mahilig sa color black at mapagmahal....Parang ikaw lang"

A-ano ?? Parang ako lang? Hindi kaya ...ako yun. Nanatili lang akong nakatulala sa kanya . Nakatitig sa mga bilog niyang mata

"Michelle" tawag niya sa pangalan ko kaya ngumisi ako. Yes ito na ang hinihintay ko.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa sobrang saya.

Dahil siguro may pag-asang magustuhan niya ako.

"Huy Mich para ka nang baliw diyan, ngumingiti ka mag isa hahaha"

"Wala masaya lng ako sa sinabi mo. Alam mo parang ikaw lang din yung prince charming ko" sabi ko

Namilog ang kanyang mata pero agad din siyang ngumiti."Awushu nambola pa ...hmm Michy pwede ba tayong magkita bukas sa Starbucks "
b-bukas?? Di kaya date yun?, harhar assuming much....

"Oo naman bakit hindi " sagot ko nang may ngiti sa labi .Papalampasin ko pa ba ito, syempre hindi.

"Salamat, oh sige umuwi ka na at maghanda para bukas .....
Saka may importante din akong sasabihin bukas" sabi niya sabay alis.

Hala magtatapat na ba siya? yieeeee!!!!
Tumalon talon ako sa sobrang saya at pagkatapos ay nagmadali na akong umuwi ng bahay.

***

Nandito na ako ngayon sa sturbucks at hinihintay na lang si Lance na dumating ...

Im so exited ..magtatapat na ba siya sa akin?

10 minutes past pero hindi parin siya dumadating

'Di kaya na late lng'

Okay. Naghintay ulit ako then after 4 minutes, natanaw ko na si Lance na papalapit sa akin .Umupo siya sa harap ko.

Ako naman hindi mapakali sa inuupuaan ko. Alam niyo yung feeling na eto na yun, eto na talaga yun.

Pero hindi ko na palalampasin ang oras na to. Magtatapat na ako sa kanya.

'Whoo this is it kaya mo yan Michelle'

"Ummm Lance umm...kasi may iportante din akong sasabihin sayo...... magtatapat na din ako " Halatang nagulat siya sa sinabi ko then he laughed......a sad laugh.

Why? bakit siya malulungkot gayong magtatapat na ako sa kanya.

"Ah...so ipapakilala mo na kung sino prince charming mo?" Mahina niyang tanong

"Ahmm.... oo kasi Lance "huminga ako ng malalim " kasi gust----" naputol ang sasabihin ko dahil may sumulpot na babae sa harap ng table namen at mas nagulat ako sa nakita at narinig ko.

'OH NO THIS IS NOT TRUE'

"Hi babe sino pala ang makakasama natin nga----" napatigil siya sa sinasabi ......she looked at me with her eyes and mouth wide open.

'Babe'...that word broke my heart

No,this can't be.Kaya pala sinabi niya na parang ako ang prinsesa ng buhay niya ay dahil....

dahil si Marielle yun....ang kakambal ko.

"Hahaha" tumawa ako ng mapakla.

"Bakit ba hindi ko naisip yun, na si Marielle pala ang gusto mo ARGH!!ang boba mo , ang boba boba mo Michelle" sigaw ko sabay hampas sa ulo ko.

"Michelle I'm so so sorry. Hindi ko naman alam na may gusto ka pala sa boyfriend ko" 'huh boyfriend, really?'

Bigla akong niyakap ni Marielle habang siya ay umiiyak.

"I'm sorry sis I really am" sabi niya ulit at mas hinigpitan pa niya yung yakap niya.

Hindi ko na din napigilan ang sarili ko at napahagulgul ako..ang sakit lang kasi eh..ang sakit sakit.

Wala akong paki kung pinagtitinginan kami ng mga tao dito ...

Bumitaw ako sa pagkakayakap namin ng kakambal ko at tinignan sa mata si Lance .....Nakatulala lang siya...

"Im sorry Mich" bigla niyang sabi sa akin.Ngumiti ako nang mapakla at tumayo sa kinauupuan ko.

"Its okay, ako lang naman ang assuming dito na inakala kong ako ang mahal mo pero okay lang....masaya ako para sa inyo" sabi ko at biglang tumakbo palabas ng cafe. Walkout kumbaga.

I can't believe it, bakit di ko man lang nalaman na sila na? Argh!!! they lied to me ...ang sakit talaga.

Tumakbo lang ako ng tumakbo papunta sa kawalan.

Grabe nakalimutan kong isipin na mas masakit pala ito kasi nag assume ako...nag assume ako na love story ko ito!!!!

KANINONG LOVE STORY NGA BA ITO?

Kanila pala ito eh, at hindi sa akin.......

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kaninong Love Story Ba To? (short story) Read this story for FREE!