I nodded.

"I trust you." Tapos tumayo siya at kinuha yung cake sa center table na dinala niya for me.

"Teka, bakit ka nga pala nandito? Gumagawa ka ng thesis di ba?" I asked while eating.

"Break time. Kailangan ko munang makita ang girlfriend ko." He said and smiled. Why the heck am i so lucky?

"Bola. Tapusin mo yun agad ha?"

"Oo naman. Konting revisions na lang, okay na yun."

"Teka, may gagawin ka ba sa Friday?"

"Meron. Bakit?" He asked 

May icing ng chocolate cake sa gilid ng bibig niya pinunasan ko while saying, "Movie marathon daw kila Dave eh. May gagawin ka pala, sayang."

"Nandun ba si Cyriel?"

"Yata?"

"Pupunta ako." He said.

"Akala ko may gagawin ka."

"Icacancel ko na lang."

"Wag na, Andy. I can handle. You trust me, right?" Sabi ko sa kanya while holding his hand.

Huminga siya ng malalim, "Alright. Be a good girlfriend, Dana." Then he smiled.

"I'll always be." Then i smiled back.

Pagkatapos nun, nagkwentuhan lang kami. Inabutan siya ni Mom at Dad kaya sumabay na siya sa aming mag dinner. Buti na lang hindi na inusisa ng parents ko kung san ko nakuha yung sprain. Tapos umalis na siya after ng dinner.

Back to reality

"Ano bang problema mo?" He asked.

"Wala." I said in return. Buti na lang wala pa si Kim at Nof, sila Dave naman, nagmmicrowave ng popcorn.

"Then why the hell are you ignoring me?"

"I'm not."

"Yes, you are."

Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinarap ko si Cyriel.

"For the record, let's get things straight, Cyriel. Unang una, hindi kita boyfriend para magdemand ka ng attention ko. We're not even friends, for God's sake! Pinakikisamahan kita kasi kaibigan ka ni Dave, at may pinagsamahan naman tayo kahit papano. Kaya please naman, please make it easy for both of us. Set your limit."

FHADGK 2: Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!