Chapter 16

7 0 0

CHAPTER SIXTEEN

Jared’s POV

AAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!! 

GRABE! 4 days. FOR 4 G*DD*MN DAYS DI NYA AKO KINAKAUSAP! Ano na naman bang ginawa ko?

ASDFGHJKL!!

TANGINIS!

NAGUGUTOM NA AKO!

I WANT HER…

HER FOOD!

FOOD NA LUTO NYA!

Sarap kaya nya mag-luto. Dapat nag-chef na lang sya eh. Sh*t! I’m craving for ice cream too. I never really liked ice cream pero pag kasama mo ung babaeng un araw araw kayo magi-ice cream syempre masasanay ka na.

I need to talk to someone! 

***

“Sup dude! Himala ata at ikaw nag-aya lumabas ngayon.” At nag-bro fist kami ni Xed. Xed’s been my best friend since nag-punta ako ng France when I was 8. Mag-best friend and business partners ang mga dad namin kaya naging close na din kami.

“Nice bar. Lumalago na ang bar mo ah.” Nagtayo kasi sya ng bar pagkabalik na pagkabalik nya ng Philippines.

“Its great right? I’m great right?” Tss. Yabang talaga nitong sira ulong to.

“Yeah right. Tss.”

“You know, I’ve known you since we were kids kaya alam kong hindi ka pumunta dito para puriin ang bar ko at lalong hindi ka pumunta dito para uminom or maghanap ng chix… And! Definitely, you’re not here to praise my handsome face and perfect body. Isa lang ang dahilan at nandito ka. Please don’t tell me you’re still looking for her?” Sabay abot sakin ng isang shot ng kung ano man tong alak na to. I didn’t mind it and ininom ko agad. I trust him in making my drinks. Kilalang kilala na nya ako at alam nya mga gusto ko. Tignan nyo pati dahilan ng pagpunta ko dito hinuhulaan nya.

“G*go! Di ba pwedeng nangangamusta lang?” Sabi ko after kong inumin yung alak na bigay nya.

“Hey man! I really love you as a brother and I wanna trust you, believe what you’re saying but that’s quite impossible. You? Here? Para mangamusta? Naah brother! No way… Hi babe.” While we were talking may lumapit na girl sa kanya that look like a striper halos wala ng damit nag-damit pa siya. Tss. They kissed infront of me. Okay. Nice. Just perfect

Xed is a really nice guy and he’s rich. But he’s a cassanova. He loves women. And he sleeps with A LOT of women. Geez. Nakakailan kaya to sa isang linggo? 

“*Ehem*” Harapan ko talaga? Di ba pwedeng mamaya na lang nila gawin un pag umuwi na ko? Tss.

“Sorry babe. Later. Call me.” He gave the girl a spank in the butt na ikinatuwa lalo nung girl.

“You done?” Bored look evident on my face. Ano bang masaya sa pagiging playboy? Tss.

“Sorry bout that. Anyway, so ano na? You got a lead about her again then suddenly it’s a dead end kaya ayun magmamaktol ka dito sa bar ko at pipigilan ako makapag se---“

“Stop! That’s not why I’m here. And dude, you’re hurting my feelings. Di ba pwedeng gusto ko lang magmuni muni dito mag-isip isip ng mga bagay bagay?” Actually, matagal ko na syang di naiisip. Since nakilala ko si Priscilla nawawala na sya sa isip ko. Maybe nakaka-move on na ako. Matagal na rin naman un. Move on move on din pag may time.

“So ibig mong sabihin ibang babae na ang iniisip mo?” Nakita kong ngumiti ang mga mata ni Xed. And I can see his interest in this topic. Tss.

“Priscilla? No! I’m not thinking of her! Definitely not!”

Love at First Punch [ON HOLD :(]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!