Kabanata 4

1.6M 38.1K 30.7K

Kabanata 4

Full Attention 

Bumalik ako sa kwarto nang medyo tulala. Nagulat ako nang nadatnan ko ring tulala ang pinsan ko na nakaupo sa kama ko. May tuwalyang pink sa kanyang ulo at naka topless na. I can see the kinda tribal tattoos on his left pecs. Nag iwas ako ng tingin.

"Naligo ka?" Tanong ko at umupo ulit sa tukador. "Akala ko inaantok ka na?"

Kinuha ko iyong guitar niya sa tabi ng kama ko. Hinaram ko ito sa kanya last month at hanggang ngayon hindi ko pa nasosoli.

"Not... anymore." Bumuntong hininga siya at hinawakan ang kanyang lower lip. "Anong gagawin mo?" Tanong niya at binaba ang tuwalya kong ginamit niya.

"I'll just... I'm bored." I lied.

Ang totoo ay hindi ako makatulog. Labing limang minuto akong tumunganga sa labas ng building kahit umalis na si Eion doon at nawala ang antok ko. Kahit ang alak ay hindi kayang patulugin ako ngayon. He was so complicated. Too complicated. Ngayon lang umusad ang relasyon namin from casual friends to... I don't know. Pero iyong pagtatalong nagawa namin kanina ay pagbabago na talaga para sa akin.

Nakatingin si Elijah sa akin sa salamin ko. Seryoso ang kanyang mukha nang tiningnan akong nag strum sa guitar niya. May kung ano siyang kinuha sa gilid niya at nakita kong cellphone niya iyon.

"Sinong katext mo?" Tanong ko.

Umiling siya at pinakita ang cellphone niya. "Wala. Mag video ka na lang ng kakantahin mo." Ngumisi siya.

Huminga ako ng malalim at ngumisi.

Tumayo siya at nilapag ang iPhone niya sa harap ko. Kita ko sa salamin na nasa insaktong angle lang iyon. Makikita ako, makikita rin siya.

"Use my phone! Baka ipamblackmail mo lang ito sakin!" Tumawa ako.

"Paano ito magiging blackmail?" Umiling siya. "This will be wonderful."

Ngumuso ako at tumitig sa mga mata niyang expressive. Malalim at may matataas at mabibigat na pilikmata. This is why he probably got so many girls around him. Dahil pagkatama pa lang ng mga mata mo sa mga mata niya, you will fall for him hook, line, and sinker na agad.

"Okay." Sabi ko.

Nakita kong pumula na ang gitnang buton. Ibig sabihin ay nagsisimula na ang video na iyon. Umupo siya sa likod at kita kong nasa video parin siya.

Ngumisi ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nilagay niya ang unan sa kanyang kandungan at nagsimula akong kumanta.

"Sa hindi inaaasahan

Pagtatagpo ng mga mundo

May minsan lang na nagdugtong,

Damang dama na ang ugong nito

Hindi pa ba sapat ang sakit at lahat

Na hinding hindi ko ipararanas sayo

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!