SM Special update 2 (March 04, 2012)

812K 11.3K 2.3K
                                    

DATE POSTED: March 04, 2012


Secretly Married is now published in print

Summit Media, PopFiction | English

Available in bookstores and newsstands nationwide

287 pages come with a free bookmark

195php

SM Special Update 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SM Special Update 2

"Kumpleto na ba?! Ni-ready ko na to dati pa eh!" natatarantang sabi ni Kent habang kinukuha ang hinandang mga gamit.

"Nasaan na ba? May kulang pa ba? Nursing bra, slippers, razor...."

"Bakit may RAZOR!!!??"

Napalingon si Kent sa pinanggalingan ng boses.

Nakita niyang nakatayo si Jhone sa gilid ng pintuan.

"Bakit ka nandito? Iniwan mo si Phoebe sa baba!!?? Baba! Baba ka doon!" singhal niya dito. Umakyat lang kasi siya para kunin ang mga gamit para sa panganganak ni Phoebe. Nagpahintay muna siya sa mga ito.

"Bakit muna may razor?"

"Wag ka nang magtanong! Bumaba ka na doon at susunod na ako. Bantayan mo ng maigi yung engot sa baba baka mamaya paanakin niya ang sarili niya."

"Ngak!! Haha! Bababa na po aketch! Di pa naman daw humihilab pero pinapasabi ni bestfriend na BILISAN MO!!!! Ang tagal-tagal mo baka daw maunahan pa tayo ng lahat ng mga tinawagan ni tito James at tito Fred doon! O baka nga maunahan pa tayo ni Harley eh..."

"Huh? Sinong tumawag kay Villaluz?"

"Present! Hahaha!"

"Tsss! Tara na nga! Ayos na! Umalis na tayo! Bilis! Baba na!" isinara na ni Kent ang malaking bag para kay Phoebe at tinungo ang pintuan.

"Hehe. Kaw talaga, di pa rin nagbabago!"

"Wag kang mang-asar, kabado ako ngayon, baka kung anong magawa ko."

"Over ka naman Daddy Kent!"

"HALIKA NA BUMABA NA TAYOOO!"'

"Oo na... Pero... para saan muna yung razor?"

"Tumigil ka na!!!!"

"Hahaha."

Bumaba na sila para tuluyan ng madala si Phoebe sa ospital. Nadatnan nila itong nakaupo lang sa sofa at kumakain. Kumakain ng cookies."

"PHOEBE!!!"

"Baket??" ngumunguya pa rin ito habang hawak-hawak ang cookie jar.

"HWAG KA NG KUMAIN!!!! Nagagawa mo pang kumain ng lagay na yan!!" sigaw ni Kent habang inaalalayan itong tumayo.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon