CPMGP_Chapter 58

57.5K 1.8K 114
                                    

SHIMI'S POV

Agad kong tinawagan ang Unnie Mizty (Stealth Walker) para mapayagan ako sa pagpapatuloy kina Russel, Prince Dazu at Jenrick dito sa loob ng F.O.L.



Nagpaalam naman kaagad na umalis si Prince Jenrick nang maging okay na si Russel kaya ngayon kami nalang ni Prince Dazu ang nandito ngayon. Nandito kami sa terrace at may pagitan sa kinauupuan namin.



"Amh, 'yong tungkol sa..."



"I'm sorry, hindi ko sinasadya." Pinutol niya 'yong sasabihin ko at ito 'yomg narinig ko mula sa kanya. Sandaling natahimik ulit kaming dalawa.



"Four years ago nang magkagusto kami ni Russel sa iisang babae." Bigla niyang kuwento na ipinagtaka ko. Nakatingin lang ako sa kanya ngayon. "Si Russel gusto niya si Hanna, pero si Hanna ako naman ang gusto niya na kasalukuyan noong gusto ko rin siya." Gulat lang akong nakatingin sa kanya ngayon.



"Tss, magulo ba para sa 'yo?" Dugsong pa niya habang napatingin na siya sa akin ngayon.



Ibig sabihin minsan na silang nagkabangga noon? "Alam mo bang ayon 'yong iniiwasan ko hanggang ngayon?" Sabi niya ulit sabay lihis ng tingin sa akin.



"Yung nangyari kaninang paghalik ko sayo......... totoo yun."



"A-Anong sinabi mo?" Naguguluhan kong tanong. Nagulat ako sa sinabi niya ngayon. Tapos unti-unti na naman siyang lumalapit sa akin. "D-Dazu," Ito 'yong na bigkas ko. "H-Hindi ulit maaaring mangyari 'yong nakaraan n'yo ni Rus—" Naputol ulit 'yong sasabihin ko dahil bigla niya ulit akong hinalikan sa pangalawang pagkakataon.








DAZU'S POV

I'll try to kiss her again kung kakagat ba siya pero napatigil ako bigla sa paghalik ko sa kanya. Nakatingin ako sa kanya habang napapaisip. Bakit gano'n 'yong pakiramdam ko nang mahalikan ko ulit siya sa pangalawang pagkakataon?



Pero nanlaki bigla 'yong mga mata ko. "Russel?" Biglas ko nang mapansin ko siyang nakatayo na sa harapan naming dalawa ni Chimnie. Hindi ko alam na gising na pala siya. Baka kanina pa siya nakikinig sa usapan namin.



Pero hindi ko inaasahang sa paglapit niya sa amin bigla niya akong hinawi at sinuntok pa niya ako dahilan para dumugo ang labi ko. Samantala hindi naman makapaniwala si Chimnie sa nangyari ngayon sa amin.



"Akala ko ba... hindi na mauulit ang nakaraan?" Kunot-noo niyang sabi na sakto naman sa pagtayo ko biglang tumatawag si Claire.



"'Wag kang mag-alala Insan, hindi naman na talaga mauulit 'yon." Sagot ko sa kanya sabay pindot sa cell phone ko. "Wait for me Claire. I will be there soon." Pagkasabi ko nito siyang alis ko at iniwan ko na sila.







CLAIRE'S POV

Nandito ako sa gilid ng isang restaurant at hinihintay ko si Dazu. Pero hindi naman ako nabigo dahil nakikita ko na siyang paparating ngayon. Nakangiti ako habang sinasalubong siya pero bakit parang may something sa labi niya?



"D-Dazu? Anong nangyari sa 'yo?" Pag-aalala ko.



"Claire," Bigkas niya sabay yakap sa akin. Oo, napangiti ako sa ginawa niya pero hindi naman niya sinagot 'yong tanong ko.



"Are you okay?" Tanong ko ulit.



"Yeah, I'm fine. Don't care about me. I love you." Bigkas nya ulit na syang ikinangiti ko.



"I love you too Dazu. But, I just wanna know what happen to your lips?"



Habang nag-uusap kami nakayakap pa rin siya sa akin at hindi niya ako binibitiwan. "I said, don't mind about me. I'm fine, Claire."



"Okay, so where do we go now?"



"Sandali lang." Pigil niya sabay bitaw sa pagkakayakap sa akin. "Sigurado ka bang hindi ka nasundan ni Ross?"



"Umh. Hindi. Kaya 'wag kang mag-alala." Nakangiti ako at hinawi ko ang buhok niya.



"Then kain na tayo?"



"Yeah, sure."



"Um, let's go."





(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon