Til' I Die

117 2 0
                                    

"Hoy patabain! Dalian mo! Malelate na tayo meeting. -_-" sigaw niya sa akin habang nagaayos ako ng mga gamit ko. Atat nanaman siya. Lagi naman eh. Hahaha. Pero kahit ganyan, mahal na mahal ko yan bilang kaibigan.

"Oo na po, patupat. Atat ka nanaman eh." sigaw ko naman sakanya pabalik. 

Hindi na siya sumagot at nagantay na lamang sa akin sa labas ng room. Magkaiba kasi kami ng section. Pero kahit ganon, close na close parin kami. Solid kaya kaming magkaibigan. Hahaha. 

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko, lumabas na ako ng room at dire-diretsong lumabas. Dahil sa sanay na siya sa gawain kong yun, sumunod nalang siya. Bumaba kami sa hagdan nang magkasabay at magkasamang naglakad sa quadrangle.

Maraming nagkalat na studyante ngayon. Friday kasi. Ibig sabihin, madaming vacant.

"Patabain akin ka nalang! Papasayahin kita!!! Yang kasama mong yan, di yan magaling sa kama!! Ako magaling!! HAHAHAHAHA!!" bulyaw ng isang lalaki at sinabayan pa ng napakalakas na tawa. Ganun din ang tawa ng kanyang mga kaibigan. 

Gusto kong sapakin ung lalaking iyon. Lagi nalang niya akong ginaganun. Hindi na nahiya. Nakakainis. Pero di ko naman siya pwedeng sapakin dahil bukod sa madaming sasabihin ang tao tungkol sakin, masisira pa ang reputasyon ko at marereport sa guidance. Kaya naman hinahayaan ko nalang siyang mangganyan at kunwari wala nalang akong narinig. 

Tuloy tuloy lang akong naglalakad nang mapansin kong wala na pala akong kasabay. Nagulat nalang ako sa biglang malakas na tunog na nanggaling sa likod ko. 

Pagkalingon ko, nakita ko ang lalaking bastos na nakahiga sa semento. Putok ang labi. At si patupat, nasa harap ng lalaking bastos. Nakakuyom ang mga kamao at galit na galit ang mukha. 

"Bastusin mo na ako wag lang ang kaibigan ko. Kung gusto mong irespeto ka namin, irespeto mo din kami. Kahit hindi na ako, basta irespeto mo ung kaibigan ko." malamig at galit na sabi niya sa lalaking bastos. 

Pagkasabi niya nun ay lumakad na siya patungo sa direksyon ko at naiwang tulala at gulat na gulat ang lalaki. Hindi sguro niya inakalang magagawa un ni patupat. Ako din kasi hindi ko inakala eh. 

Napasunod ako ng tingin pagkaraan niya sa harap ko. Hindi siya tumigil kaya naman hindi ko alam kung susunod ba ako sakanya o mananatili doon sa kinatatayuan kong iyon. Wari'y naestatwa ako di dahil sa takot kundi dahil sa gulat. Kung iisipin, sino nga naman ang hindi magugulat sa ginawa ni patupat? Kilala siya bilang isang mabait at masayahing studyante. Ni mangurot ng kapwa o mambatok ng kaklase ay hindi niya magawa. At ngayon ngayon lang, biglang nanuntok siya ng isang taong mas malaki pa ang katawan sa kanya? Napaputok pa niya ung labi. Di ba hindi  talaga kapanipaniwala? 

"Hindi ka pa ba susunod?" napatigil ako sa pagiisip nang marinig ko ang malamig na boses niyang iyon. Ngayon ko lang din narinig iyon. Sa tagal naming magkasama, ngayon ko lang nakita ung ganung side niya. 

"Ah— eh— oo susunod na ako." sabe ko at saka nagmamadaling naglakad patungo sa kanya. 

Maghapon kaming walang imikan. Di dahil nagkakailangan kundi dahil walang may gustong iopen ang nangyare kanina sa quadrangle. Sguro ay nagulat din siya sa nagawa niya. Pero ewan ko. Mukhang hindi naman bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat eh.

Hanggang sa uwian, walang nagbalak magsalita sa amin. Hindi naman kami nagiiwasan dahil nahuhuli kong siyang nakatingin sa akin. At ganun din ako. Nahuhuli niya din akong nakatingin sakanya. Pagkatapos ng klase, hinatid niya ako sa amin dahil nakasanayan na niya ito at nagsabe lamang ng "Bye patabain." Pagkatapos nun ay umalis na siya nang wala man lang ngiti sa kanyang mga labi. Haay may problema kaya siya? 


His POV

"Bye patabain." pagkasabe ko nun ay umalis na ako agad agad. Sa sobrang pagmamadali ko, nakalimutan ko siyang ngitian. 

Til' I DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon