Kabanata 3

1.6M 39.9K 20.2K

Kabanata 3

I'll go. Goodnight.

Bumalik ako agad sa table namin at tahimik na umupo. Nagtatawanan na sina Claudette at Chanel kasama ang ibang mga kaibigan namin.

"What happened in there?" Tanong ni Erin sabay nguso sa nakatayong mga pinsan namin.

Tumulong na si Damon at Rafael sa pagpapakalma kay Elijah. Umiling ako at uminom na lang ng isang shot ng vodka sa harap niya. Ayoko munang pag usapan ang sinabi ni Eion. That was a big blow for me at nakakairita, nakakahiya.

Nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko. Tumingala ako at nakita kong si Silver iyon. Nakita ko ang simpatya sa mukha niya.

"Hey, Klare, I'm sorry for Eion." Aniya.

Tumango ako at ngumisi. "Okay lang yun. Alam ko namang medyo suplado talaga siya, e."

Nilingon namin si Eion na ngayon ay banayad namang nakikipag usap sa ibang kilala namin. Kumalma na rin ang pinsan ko. Lumayo nga lang sila ng table. Ang tanging pinsan ko na nasa table ni Eion ay si Knoxx at Justin.

"Okay lang talaga, Kuya." Sabi ko kay Silver.

Sa pag lalim ng gabi ay lumalalim din ang usapan sa table namin. Mas lumalakas din ang tawanan ng iba. Nakikisali na rin ako sa pang iintriga nila kay Chanel tungkol sa dinidate daw nitong basketball player. Sumasawsaw din si Erin dahil sa crush niyang basketball player din.

"Hey, Erin, may girlfriend ba si Josiah ngayon?"

Umismid si Erin at tinuro ako. "Wa'g niyo akong tanungin, iyang babaeng yan ang tanungin niyo dahil madalas yung mga pinsan namin sa bahay nila!"

Kaya ayun at naubos ang dalawang oras ko sa kakasagot ng mga katanungan nila tungkol sa mga pinsan ko.

"May girlfriend ba si Josiah?" Lagi naman.

"Sino iyong babaeng kasama lagi ni Damon?" Aba ewan ko.

"Bakit mailap si Azi at si Elijah?" Aba ewan ko rin.

"Hindi ka ba naiintimidate sa kagwapuhan ng mga pinsan mo?"

"Ba't ako maiintimidate?" Napangiwi ako sa tanong nila.

Humagikhik sila. Blurry na ang paningin ko pero kitang kita ko parin ang medyo pariwara na nilang mga galaw. Siguro ay natatamaan na ang mga ito?

"Kung ako?" Nasisinok na sinabi ng isang kaibigan namin. "Kung ako? Hindi ko alam kung alin ang mas gugustuhin ko. Maging pinsan sila para lagi ko silang kasama o maging kaibigan na lang para may chance na magkatuluyan!"

Nagtawanan sila. Umiling na lang ako at bumaling ang titig sa mga tao sa paligid. Hindi ko maiwasang di tumingin sa table nina Eion na ngayon ay punong puno ng tawanan at hiyawan.

Namalagi ang titig ko roon nang nakita ang ngisi ni Eion. Hindi siya madalas ngumisi kaya nagulat ako ngayong ngiting ngiti na siya. Ginugulo sila ng ibang babae habang umaakbay siya ng konti sa babaeng katabi niya.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!