CPMGP_Chapter 54

59.4K 1.9K 5
                                    

SHIMI'S POV

Patago tago ako ngayon, sabay silip sa gate. Baka kasi may makakita sa akin na ganito ang itsura ko—bihis na bihis. Hindi naman kasi alam nila Daddy at Mommy na makikipagdate ako ngayon.



Dahan dahan kong binuksan 'yong gate para walang makarinig na lalabas ako.
Mukhang malalate na ako kaya nang mabuksan ko 'yon nagmadali akong tumakbo nang biglang may huminto na kotse sa daraanan ko tapos bigla niya akong hinila papasok do'n sa loob na siya kong kinagulat.



Susuntukin ko na sana siya nang bigla niyang hubarin 'yong sumbrero at salamin niya. "Azu???" Pagkakakilanlan ko sa kanya.



"Araay ko! Ano ba?! Ang ingay mo!" Daing niya tapos inambahan niya rin ako.



"Sorry naman." Mahina kong bigkas sabay titig sa kanya ng masama. "Nakakainis ka Prince Azu!" Pero nang makita kong nasira pala 'yong ginuhit kong kilay sinigawan ko siya. "Tignan mo 'yong kilay ko!" Inis na inis kong sabi.



"Eh, bakit ka ba naninigaw? Hindi ko naman sinasadya, ah!"


Aba! Siya pa ang may ganang magalit.



"Eh, bakit kasi nandito ka? I mean, bakit nandito ako sa kotse mo? May date kami ni Russel ngayon kaya ibaba mo na ako!" Reklamo ko.



"Oo, alam ko namang may date kayo ni Insan. May sasabihin lang naman ako. 'Wag kang mag-alala dahil ihahatid kita papunta ro'n, tch!"



Ibig sabihin sinabi ni Russel sa kanya na may date kami ngayon. "Oh, eh, ano ba 'yong sasabihin mo ha?" Biglang nagbago 'yong mood ko.



"Mag-ingat ka." Banta niya.



"Ha?" Pero hindi ko na gets 'yong pinupunto niya.



"Mag-ingat ka. Baka kasi may makakita sa 'yong kung sino. Hindi ba't ang alam nila ako ang boyfriend mo? 'Wag kang mag-ilusyon diyan!" Pagsusungit niya.



"Anong 'wag mag-ilusyon? Excuse me 'no!" Inirapan ko siya.



"Basta sundin mo ang utos ko." Boss niyang pagkakasabi.



"Hays, nakakastress siya." Mahina kong sambit.



"May sinasabi ka?"



"Wala!"



Hindi ko nalang siya kinibo. Padabog kong kinuha 'yong salamin at pangguhit ng kilay ko sa bag. Nakakainis kasi pantay na 'yong pagkakaguhit ko kanina e. Buysit 'tong Azu na 'to. Ang hirap pa man ding mag-ayos dito sa loob ng sasakyan.



Tapos nag-alala rin ako dahil baka naghihintay na sa akin do'n si Russel sa tagpuan namin. Nakakahiya naman.



Nang bigla namang huminto 'yong sasakyan kaya napasimangot ako. Mas pumangit 'yong kilay ko kaya nagtimpi ako ng galit. "Manong, bakit po?" Nakasimangot na tanong ni Azu sa driver niya.



"Young Master, para pong naubusan tayo ng gas."



"What?!" Napasigaw ako sa gulat.



"Hoy ano ba? Ang lakas ng boses mo!" Angal naman niya pero hindi ko siya pinansin, ngumisi na lang ako sa kanya.



"Manong, hindi po ako puwedeng malate. Hinihintay na po ako ni Russel do'n." Mangiyak-ngiyak ko namang sabi kaya bumaba na siya ng kotse.



"Hays, badtrip." Bulong ko. "Hoy Azu! Kapag na-late ako sa date namin ni Russel humanda ka talaga sa akin!" Pagbabanta ko sa kanya kaya iretable niya akong tinignan sabay bumaba siya ng kotse at pinagtrip-an niyang sipain 'yong gulong. "Parang ang malas ng araw ko ngayon." Nanlalambot kong bigkas.



Naisipan ko namang i-text si Russel kaya kinuha ko 'yong cell phone ko sa bag pero— sadyang malas nga yata talaga ako ngayon dahil mukhang hindi ko 'yon nadala dahil sa pagmamadali ko kanina. Hinalughog ko na ang bag ko pero wala talaga. Napasapo ako sa ulunan ko.


"Malas." Mangiyak-ngiyak kong bigkas.





(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon