CPMGP_Chapter 53

62.5K 2K 29
                                    

Matapos kong marinig 'yon mula kay Russel parang biglang kinilig 'yong puso ko. "Sa palagay ko sa susunod nalang ulit tayo mag-usap-usap. Maaari na kayong umalis." Sabi ni Daddy kaya nagsipaglabasan na kami. Paglabas naman namin sa room agad na umalis si Prince Dazu.



"Bakit ba nagmamadali 'yon?" Tanong ko. Actually, kanina habang nag-uusap-usap kami nila Daddy sa loob busy na busy siya kanina sa cell phone niya.



"Hindi ko rin alam pero baka may aasikasuhin lang." Tumango lang ako kay Russel. "Ahm, may gagawin ka pa ba ngayong araw?" Sabi pa niya.



"Wala naman bakit?"  Habang may sinasabi si Russel napansin kong wala na 'yong bracelet ko sa kamay ko kaya napapaisip ako kung saan ko ba 'yon naiwanan.



"Shimi?" Bumalik ako sa ulirat ko nang tawagin ulit ako ni Russel.



"Ah, ano nga 'yong sinasabi mo?"



Ngumiti siya. "Wala." Tumango ako at ngumiti rin. Hindi ko nalang inintindi pa ang bracelet ko.



Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang hindi kami magkailangang dalawa. Alam n'yo na, sinalo niya 'yong parusa ko kahapon kahit alam niyang siya 'yong masasaktan.



Hanggang ngayon kapag naiisip ko 'yon kinikilig pa rin talaga ako. Hindi lang gentleman si Russel, sobrang bait din talaga niya. "Ahm, Russel," Pinutol ko ang katahimikan sa pagitan namin.



"Hm?" Nilingon niya ako.



"Masakit pa ba 'yong mga sugat mo?"



"Hindi na kaya 'wag mo nang alalahanin 'yon."



"Umh." Tumango ako sabay ngiti.
Nakakainis lang kasi habang naglalakad kami hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin sa kanya.



"Ahm..." Sabay naming sabi at sabay din kaming nagkatinginan. "May sasabihin ka?" Tanong niya.



"I-Ikaw muna." Bigla kong naihawi ang buhok ko sa tainga.



"Okay, amh, may gagawin ka ba bukas?"



"Ha? Wala naman. Bakit ?" Bahagya akong nagpacute.



"Puwede ba tayong lumabas?"



KINAGABIHAN, sigaw ako nang sigaw habang nasa banyo ako ng kuwarto ko. Hindi talaga matanggal sa isip ko 'yong sinabi ni Russel sa akin kanina. Sa sobrang kakiligan ko puwede na yatang masira ang salamin na nasa harapan ko. Freak. He asked me for a date.



Ngayon palang kailangan ko nang mamili ng susuotin ko para bukas. Lumabas ako ng banyo at naghalungkat ng mga damit ko. Kailangan makapagbeauty rest din ako ng maaga para hindi malaki 'yong eye bags ko bukas.









DAZU'S POV

Pagpasok ko sa loob ng bahay nakita kong nakaupo si Insan Russel sa sofa sa sala at parang may malalim siyang iniisip pero nakangiti naman.



Nilapitan ko siya. "Oy," Tinapik ko siya sa balikat niya at tumabi ako sa kanya. "Parang ang lalim ng iniisip mo ah? Saka bakit ka napapangiti riyan?" Ngiti lang ang isinagot niya sa akin.



"Ah... mukhang iba na 'yan, ah? Si Chimnie 'yan 'no? Tama?" Kantsaw ko.



"Oo, siya nga. May date kami bukas."



"What? Insan?" Biglang singit ni Kazu sa usapan namin. Galing siya sa taas at kakababa lang niya. Tumabi rin siya sa amin ni Russel. "Akala ko ba kay Kuya Dazu 'yon?" Sabi pa niya.



"Hays Kazu, tumigil ka nga." Saway ko sa kanya, baka kasi mabalik na naman sa nakaraan namin ni Russel 'yong usapan.



Bigla namang tumayo si Russel. "Uy! Saan ka pupunta?" Tanong ko.



"I need some rest. Para makapaghanda bukas." Sabi niya at tuluyan na nga siyang umakyat sa taas.



"Tss, pambihira. Hindi pa nga kami nakakapag-usap ng maayos, e." Bulong ko pa sabay tayo at alis din.



"Hoy! Kayong dalawa may tinatago kayo sa akin!" Sigaw ni Kazu. Paano kasi nag-iisa nalang siya ro'n sa ibaba.





(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon