Chapter 19

871 137 6
                                    


Pinagpapawisan na siya ng makarating siya sa bahay nila Wynona. Patay ang lahat ng ilaw maliban sa kuwarto nito.

Nagmamadaling binuksan niya ang pinto. Hindi na iyon naka-lock. Mas lalo siyang kinabahan.

Sinilip niya ulit ang cellphone niya. Nakahinga siya nang maluwag ng mabasa ang text ni Prince.

On the way na kami.

Ibinalik niya na sa bulsa ang cellphone niya. Sana mali siya. Sana mali ang hinala niya.

Maingat na binuksan niya ang pinto. Halos mapangiwi pa siya nang marinig itong gumawa ng ingay. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng bahay.

Tahimik at madilim.

Marahan siyang naglakad papasok. Bawat hakbang ay parang kinakapos na siya ng hininga.

Sana ay hindi pa siya huli.

Huminga siya nang malalim ng marating niya na ang hagdan paakyat sa second floor kung nasaan ang kuwarto ni Wynona.

Tahimik at dahan-dahan siyang umakyat. Mas lalong lumalalim ang paghinga niya habang palapit na siya nang palapit. Napalinga pa siya sa paligid pagdating niya sa taas.

Napansin niya kaagad na nakabukas ang pintuan ng kuwarto ni Wynona. Hindi na siya nagdalawang-isip pa na puntahan iyon.

Nakita niya kaagad si Wynona na tila mahimbing na natutulog sa kama nito. Lalapitan niya na sana ito ng biglang may humarang sa kaniya.

"Tom," tanging nasambit niya.

Nanlamig ang katawan niya ng lumabas din si Mara, at may hawak itong baril.

Nagsalit-salit ang tingin niya sa dalawa. Hindi siya makapaniwala. Akala niya ay kilala niya na ang kaibigan niya. Akala niya ay kilalang-kilala na rin ni Wynona si Mara.

Pero mali sila. Minsan pala talaga, kahit gaano mo pa katagal nakasama ang isang tao, hindi mo pa rin ito kilala ng lubusan.

Ito ba ang sinasabi ng estranghero na hindi lahat ng kaibigan niya, ay kaibigan niya talaga.

Alam nito. Alam nitong papatayin si Wynona. Alam nito ang nangyari. Alam nito kaya siya pinabalik nito sa nakaraan.

Dahil hindi nagpakamatay ang babaeng mahal niya. Ganoon lang ang pinalabas ng mga ito.

"Bakit niyo ginagawa 'to?" tanong niya sa mga ito.

"Bakit nangialam ka pa, Liam? Hindi ka sana dawit dito!" sabi ni Tom sa kaniya.

Mapaklang napangiti siya. "Why? Bakit niyo ginagawa 'to?" tanong niya. Hinarap niya si Mara at napailing. "Paano mo nagagawa 'to? Itinuring ka na niya na parang kapatid!"

Galit ang tingin na ipinukol nito sa kaniya. "Wala kang alam! Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko!" sagot nito.

Napailing siya rito. "Bakit kailangan mong saktan si Wynona?"

Mapakla itong natawa. "Hindi naman si Wynona ang gusto kong saktan."

Naguguluhang napatingin siya rito. "Eh ano 'tong ginagawa mo?" tanong niya rito.

"Hindi siya. Ang Dad niya. Ang Dad niya na hindi ako kayang tanggapin. Ang Dad niya na ayaw akong kilalanin. Ang Dad niya na totoo ko ring ama," sagot nito.

Napatingin siya rito. "A..ano?"

"Magkapatid talaga kami, Liam. Pero hindi niya alam. Hindi niya alam dahil hindi naman ako kinilala ng Dad niya. Wala raw siyang ibang anak maliban kay Wynona. Wala raw siyang ibang kikilalaning anak maliban sa kaniya!" Sagot nito habang napalailing. "Nagmakaawa ako. Nakiusap ako sa kaniya. Pero ayaw niya. Ayaw niya dahil ayaw niyang masira ang pamilya nila."

Napatingin siya kay Tom. "Ikaw? Bakit?" tanong niya rito.

"Nakita ko, Liam. Nakita ko kung paano siya ipinagtabuyan. Nakita ko siyang nagmakaawa. Alam mo ba kung gaano 'yon kasakit?" sagot nito.

Napalunok siya. "Hindi ako papayag na saktan niyo siya, Tom," sagot niya rito.

"I'm sorry, Liam. Pero kailangan ng matapos nito," sagot nito.

Nakipagsukatan siya ng tingin dito. Nakatutok na rin sa kaniya ang baril na hawak ni Mara.

"At kapag ginawa mo 'to, matatanggap ka ba niya? Mamahalin ka ba niya? Hindi, Mara. Sasaktan mo lang ang taong nagmamahal sa'yo. Mahal ka ni Wynona. Kapatid na ang tingin niya sa'yo. 'Wag mong gawin 'to," nakikiusap na sabi niya.

"Kailangang mawala ang pinakamahalagang bagay na mayroon siya. At si Wynona 'yon," sagot nito. "Magpaalam ka na rin, Liam. Time's up na."

Ipuputok na sana nito ang baril nang marinig na nila ang mga paparating na Pulis.

Dumating na sila Prince.

Dumating na ang hiningi niyang tulong.

Nanlalaki ang mga mata na napatingin sila Tom at Mara sa labas.

"Ayaw kong makulong!" sigaw ni Tom.

Galit na tinignan siya ni Mara. "Kasalanan mo 'to! Sinira mo lahat ng plano ko!" Sigaw nito at sa natutulog na si Wynona na itinutok ang baril.

Walang duda. Halatang pinatulog ito.

Bago pa nito makalabit ang gatilyo ay naging mabilis ang pagkilos niya. The next thing he knew, nakaramdam na lang siya ng matinding sakit sa may kanang dibdib niya. Bago pa ito makakilos ulit ay nakapasok na ang mga Pulis. Tsaka niya na nga lang napansin na hawak na pala nila Prince si Tom. Kaya pala hindi na ito nakakilos pa.

Hindi niya na alam ang mga sumunod na pangyayari. Ang alam niya lang ay tila may tumatawag sa kaniya.

Maraming boses. Pero nagdilim na ng tuluyan ang paligid.



-----



"Gumising ka na," narinig niya ang isang boses. Dahan-dahan siyang nagdilat.

Ang estranghero.

"Si Wynona?" bungad niya rito.

Ngumiti ito. "Nasa labas ng kuwarto. Hinihintay kang gumising," sagot nito.

Napaubo siya. Kumikirot ang sugat niya. Alam niyang nasa ospital siya. "Alam mo. Kaya mo ako pinabalik ay para iligtas siya, hindi ba?" sabi niya rito.

"Pinabalik kita dahil iyon ang makakatulong sa'yo," sagot nito.

"Bakit? Bakit ako? Dahil ba siya ang binabantayan mo?" tanong niya rito.

"Hindi ako ang bantay niya, Liam. Ako ang bantay mo," sagot nito. Hindi niya alam ang sasabihin. Akala niya ay kay Wynona ito. Nagpatuloy pa ito. "Naniniwala ka ba na may mga anghel na nagtatago sa ibang anyo?"

Tumango siya rito. Ilang beses niya na ito nakitang nagpalit ng anyo.

Ngumiti ito. "Minsan sila ang pamilya mo, mga kaibigan mo, at minsan... ang taong nagmamahal sa'yo. Ikaw ang bantay niya, Liam. Simula pa lang, ikaw na," nakangiting sagot nito.

Nanlaki ang mga mata niya nang tumayo ito at ibuklat ang mga pakpak nito.

"Makakauwi na ako. Nagawa ko na ang misyon ko," nakangiting sabi nito.

"...at isa pa pala, Liam. Kinakailangan mo ng umuwi."

Pagkatapos noon ay pakiramdam niya ay parang may puwersang himihigop na naman sa kaniya. Umiikot na naman ang paligid. Pagkatingin niya sa oras ay mabilis na umiikot ito paabante.

Bago pa siya mawalan ng malay ay nakita niya pa ang gulat na mukha ni Wynona. Pagkatapos noon ay nakatulog na naman siya.

Time's up. Pero nagamit niya sa tama ang oras niya. Ligtas ang babaeng mahal niya.

This time, hindi na masakit kung hindi na siya nakapagpaalam.

Hindi na kasing sakit katulad noon.



-----

Back In Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon