Chapter 18 Part 1

Magsimula sa umpisa
                                    

"Assuuus!Wala na eh!Sige na kumain ka na.Hmmm!Ang sarap talaga nitong niluto mong fried egg!"I tried to suppress myself from smiling dahil natatawa ako sa ekspresyon niya and at the same time,nahihiya rin ako sa sinabi ko kanina.Ugh!

After helping me with the dishes,Joshua and I went to the living room para manood ng kdrama.Ayoko sana pero pinipilit ako nito.Ba't pa kasi dito siya nanonood eh doon nalang kaya sa kwarto niya?Oh wait, I like it here with him.At least nakikita ko siya.

"Ano nga ang title nito?" Biglang tanong ko sa kanya dahil na ga-gwapuhan ako sa bida.

"Healer."Sagot niya na hindi tumitingin sa'kin.Hmm...ang serious naman niyang manood ng kdrama.

"Aahh, gwapo niya ah."Agad na naptingin sa akin si Joshua.

"Mas gwapo ako diyan noh!"

"Saan? Saang banda?" Pagbibiro ko sa kanya habang tinitignan ang mukha niya.

"Lahat! Kahit saang parte ng katawan ko gwapo!" Napatawa nalang ako kasi para siyang napikon. Hindi ko alam kung nag iinarte o napikon talaga siya.

Tumahimik uli kami at seryosong nanood nalang. Dumating sa punto noong nag date ang lead actress at lead actor pero hindi nila nakikita ang isa't-isa dahil ayaw magpakita ng lalaki sa babae,nang biglang nagsalita si Joshua sa gilid ko.

"Hindi na nasundan iyong date natin."

"Date ba 'yon?"

"Para sa'kin oo. Tignan mo, kumain tayo at nanonood ng sine."

"Hindi man lang ako na inform na date na pala iyon." Natatawa kong saad. Akala ko simplemg lunch lang iyon eh tapos nagkataon lang na nanood kami ng sine dahil boring.

"Basta first date na natin 'yon."

"Oh tapos?" I said habang seryoso lang na nakatingin sa tv. Kinikilig ako eh! Kahit na itong episode lang ang nakita ko pero kinikilig ako. Now I know why maraming tao ang patay na patay sa kdramas...including Joshua.

"Hali ka nga dito," malumanay niyang saad bago inilibot ang kamay niya sa balikat ko at umusog siya palapit sa'kin. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, ayaw kong mahalata niyang kinakabahan ako kaya tumahimik nalang ako.

"Mag date tayo ulit" Saad niya. Hindi muna ako sumagot kahit alam ko sa sarili ko na gusto ko ulit mangyari iyon. Hindi ko man aminin sa kanya, pero nag enjoy ako noon at gusto kong maulit iyon.

"Oh sige." I said na hindi tumitingin sa kanya.Pinigilan ko ang aking sarili na ngumiti dahil ayaw kong mahalata niyang masaya ako...na kinikilig rin ako."Kailan mo ba gusto?"

"Sino ba kausap mo? Iyong tv o ako?" Napatingin ako kay Joshua with a playful smile on his lips.

"Ikaw pero syempre gusto ko rin naman manood ng tv." Tumango lang ito.

"Kailan mo gusto?"

"Ikaw kung kailan ka free, nasa bahay lang naman ako."

"Hmm.... sige, pag-iisipan ko kung when ako free." Isinandal ko ang aking ulo sa balikat niya and I smiled. Alam ko namang hindi niya makikita ang ekspresyon ko eh. Hindi ko na talaga kayang piglan pa ito dahil kinikilig na ako!!!!

"Bukas nalang kaya? Since sunday naman at day off mo."I suggested.He lightly rubbed my arms and I felt electricity on my body sa simple niyang ginawa. I closed my eyes as well as my lips dahil baka mabinat ang bibig ko sa ngiti. These past few days, magmula noong confession niya sa'kin, mas naging affectionate si Joshua at ako naman, halos mamatay sa kilig palagi.

"Hmm..pwede rin."Sagot nito and minutes later....

"Aha!Alam ko na ang gagawin natin bukas!"

"Ano naman?" Mahina kong tanong. Dinadalaw na tuloy ako ng antok dahil sa pa-simple niyang paghaplos sa braso ko.

"Hmmm... well, in the morning, we'll sketch, di ba mahilig ka noon? And in the evening, mag swi-swimming tayo." Napatingin ako kay Joshua at maayos na umupo dahil sa sinabi niya.

"Teka, ba't tayo mag swi-swimming and sketch? Anong meron?" He just shrugged his shoulders.

"Wala lang. Matagal ko na rin gustong mag sketch pero hindi ako marunong."

"You can hire or mag attend ng-"

"Gusto ko ikaw eh." He said while looking straight into my eyes at nangungusap ang mga mata niya. I rolled my eyes at bumalik ako sa dati kong pwesto na nakasandal sa balikat niya and smiled. Eh, sa ayaw ko talagang makita niyang kinikilig ako eh!

HINDI ko alam na mahirap palang mag sketch! Si Angel ay madali lang para sa kanya pero para sa akin ay napaka hirap! Bakit ganito? Hindi ako iyong klase ng tao na mahirap turuan! Matalino ako and fast learner and this should be easy for me pero bakiiiiiiiiiit?

"Joshua! Bakit ba hindi mo talaga makuha iyong angle? Ang dali lang oh!" Ilang beses na ba akong pinagalitan ng babaeng 'to?

"Anong angle ba! Hindi ba pwedeng circle nalang?"

Napahilamos sa kanyang mukha si Angel,"Okay, first of all, ang dali lang nitong i-sketch natin, tapos kaya pa itong gawin ng bata!"

"Ito naman, eh sa hindi talaga ako marunong kaya nga nagpapaturo sa'yo." I pouted my lips.

"Huwag ka nga magpa cute! Tusukin ko iyang lips mo eh." I covered my mouth.

"Sige ka, kung tutusukin mo 'to, wala ka ng kiss na makukuha sa'kin, alam mo bang asset ko 'to?" She just rolled her eyes at me.

"Hali ka ha, tignan mo 'tong gagawin ko." Mas lumapit ako kay Angel para makita ang ginagawa niya,"First..."

Hindi ko na napakinggan ang sinasabi niya dahil nakuha niya ang atensyon ko.Para bang biglang nag mute ang aking paligid? Ang lapit ko sa pisngi niya, at mas malapitan kong nakikita ang mahaba niyang pilikmata, I smiled. My eyes scanned her face and then it landed on her lips, I gulped.

Is it bad if I want to kiss her right now?


Bumalik ang tingin ko pataas sa mukha niya pero nakaharap na pala si Angel sa'kin. Sumalubong sa akin ang dalawang pares ng brown na mga mata.

"A-anong tinititig-titig mo diyan?" Nahihiya nitong saad at parang iniiwas nito ang tingin sa akin. Nag blu-blush din pala siya? Ngayon ko palang siya nakitang mag blush.I unknowingly bit my lip dahil ang cute niyang tignan.

"Ang cute mo kung mag blush."

"T-tumahimik ka nga."

"Angel,"

"Ano?"

"Pwede bang-" I looked at her lips.I really want to kiss her pero natatakot akong baka ayaw niya at baka magalit siya. Masakit ang rejection lalo na't hindi pa ako nare-reject noon at mas lalo nang masakit kapag nagalit ang asawa ko sa'kin.

Umiling ako at lumayo mula sa kanya.

"Nevermind. Okay na siguro 'tong ginawa ko,gutom na ako eh.Magluto ka na." Ani ko at sinimulan iligpit ang sketch pad at mga lapis.

Napatingin ako kay Angel dahil tahimik ito. She was just staring at me na para bang nagulat at naguguluhan.

"What? Ayaw mo pang magluto? It's lunch time already." Natatawa kong saad.

"O-okay, pakiligpit nalang nito." Ani niya bago tumayo at nag martsa papunta sa kusina.

Nang mawala siya sa paningin ko, napahiga ako sa sofa at tinabunan ng unan ang mukha ako. Ano ba ang nangyayari sa'kin? Naging torpe na ba ako? Nawala na ba ang charm ko? Bakit hindi ko magawang halikan si Angel?! Nasa harapan ko na siya at ang lapit ko na sa kanya,but why?! Bakit kailangan ko pang isipin kung ano ang magiging reaksyon ni Angel?

Do I love her that much na kaya ko ng unahin ang mararamdaman niya kesa sa kung anong gusto ko?

INILAPAG ko ang towel na dala ko sa mesa na nandirito sa gilid ng pool.Kainis si Joshua!Ayaw kong magpaturong lumangoy eh pero mapilit talaga siya!GAAAAH!

"Angel!Sumulong ka na nga dito!"Sigaw nito mula sa pool, "kanina pa kita hinihintay anong oras na oh!"

"Ano ba ang oras?Wala ka nga wrist watch!"Loko to!Paano ba niya malalaman ang oras eh wala naman siya relo na dala.

"Kanina pa ako dito!"

"Oo!Papunta na ako!"Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng pool at nilunod ang paa ko dito.Tumingin ako sa pool at nasa malalim na parte ako.Nakakatakot!I breathed in and breathe out.

"Angel!"

"Andyan na!"Walang pasensya talaga ang lalaking 'to!Ba't ba hindi ito makapag hintay?! Inilusob ko ang aking katawan pababa habang nakahawak pa rin sa gilid ng pool nang biglang...

"Ah!Joshua!Bitawan mo nga ako!Masyado nang malalim ito!"Bigla akong hinila nito at inilagay ako sa likuran niya.Bali naka back hug ako sa kanya.

"Ang tagal mo!"

Mahigpit kong hinawakan ang balikat niya."Walanghiya ka,Joshua!Kahit kailan ginugulat mo ako!"

"Ang bagal mo eh!"

Hinawakan nito ang braso ko at ipinaharap ako sa kanya. "Huwag mo akong bibitawan kundi patay ka sa'kin."

"Hindi nga!"Halata sa boses nito ang irita.

"So galit ka?" Tanong ko habang nakaharap ako sa kanya at nakahawak sa may balikat niya.

"Ahh..hindi hindi" he sarcastically answered.I frowned at him at ngumisi lang ito, iyon bang pilit na ngiti. "See?I'm not mad at all."

"Ewan ko sa'yo."

"Okay!First lesson!Lumangoy ka."

"Seriously?" Baliw ba siya? Ba't niya ako ipapalangoy sa malalim na parteng ito na alam naman niyang hindi ako marunong?

"Yes!"He seriously said.Oh dear.

"You've got to be kidding-Ah!" AGHSDGAJHD BIGLA AKONG BINITAWAN NG MOKONG!

He lifted me up again and encircled his arms around me.

"Hindi ka nga marunong lumangoy."Ani nito while I was coughing so hard and catching my breath.I just glared at him.

"Baliw ka ba or bobo?!" Sigaw ko sa mukha niya.

"I was just joking!" 

"I think I almost died there!"

"OA mo masyado."He laughed.That's it! He's pushed the button.I'm done.

"Ibalik mo ako doon."Turo ko sa kung saan niya ako hinila.

"Hindi pa naman-"

"NOW!" Natigilan ito sa sigaw ko and I know he's taken aback dahil sa sigaw ko.I'm so mad right now!

Beguile #2:Joshua De Gracia(DG Series)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon