Banat ( 8th Batch)

912 10 6

JANUARY 21, 2014

Banat # 59

Sa puso mo may pagdududa.

Masaktan ka di ko sadya.

Totoong ika'y mahalaga.

Sa akin ikaw ang una.

Di man ako kasing guwapo niya.

Sa kamachohan walang panama.

ISa lang aking maibibida

Pagmamahal ko sa'yo abot langit, Sinta.

 

Banat # 60

Sa puso mo walang pag-asa

Na ako'y mapalitan siya.

Ngunit ayos lang ang mahalaga

Nararamdaman ko iyong pag-aalala

Dun pa lang ramdam ko na.

Na may puwang din ako sa puso mo kahit

ito'y kagibla.

Banat # 61

Sabi nila pag nagmahal wag gawing batayan

ang hitsura

O kahit na anong taglay niya.

Siguro yan aking nadarama.

Kasi wala akong maisip na rason, bakit ba?

Ika'y minamahal ng sobra.

Banat # 62

Totoo naman.

No matter how many fish in the sea.

Ikaw namumukod-tangi.

Sila walang ibubuga kahit gaano pa kadami.

Ikaw lang di mag-aatubili.

Sabihin man ako'y baliw ay ayos lang

Walang pasubali.

Pangalan mo nakaukit, nakatatak

Sa puso at isip ko

ikaw parati.

Nilalaman walang kapantay

Itapat artista man o kahit sino mang binibini

Ikaw at ikaw lang walang makakaagaw

kahit bigyan ng salapi.

Banat # 63

Nakapagtataka.

Sa'yo ako'y nagiging makata.

Nakakabuo ng isang tula sa isang kisapmata.

Dulot mo kakaiba.

Napapalabas mo mga bagay na dati di ko kaya.

Walang tigil puyat di alintana.

Basta't masabi ko at iyong mabasa.

Sana sa ganitong paraan mapangiti ka.

Banat # 64

Sana di mo ako makalimutan.

That in the future when you reminisce your past

Pag maalala mo ako mapapangiti ka sa kabaliwan ko.

Let's admit na I might not be with you forever kasi we don't hold our future.

As long as I can, I will be your clown.

Banat # 65

Pag ganitong nag-iisa

At kape lang kasama

Ako'y napapaisip bigla

Bakit sa puso ko ika'y mahalaga?

Ano bang meron ka?

Paanong minahal kita?

Sadyang nakapagtataka.

Mukha mo di pa nakikita

Ngunit sa'yo ako'y ganito mag-alala...

BanatBasahin ang storyang ito ng LIBRE!