"So... Ito rin kasi ang isa sa dahilan bakit napaaga ng uwi si Kuya Just galing ng States. Mag bi-birthday siya ngayon." Ani Erin habang naglalakad kami palabas ng school.

Tumango ako, "Kaya pala." Niyakap ko ang braso ko dahil sa lamig.

"Pinadala ko kay mommy yung mga damit ko at iniwan sa building niyo, Klare. Doon na ako magbibihis." Aniya sabay tingin sa damit niya.

Twenty-three na si Kuya Justin ngayon at balita ko sa isang bar gaganapin ang party niya, imbes sa kanilang bahay. Maraming invited. Maging ang mga kaibigan ko ay invited. Malawak kasi ang circle of friends niya dahil nga photographer siya. Noong hindi pa siya nag S-States, may mga gig siya tulad ng weddings, debuts, at kung anu ano pa. Kilala din siya ng association ng mga models dito kahit na iyong mga ka batch ko lang kaya panigurado marami akong kilala na pupunta doon.

"And guess what?" Malaki ang ngisi niya nang hinarap niya ako.

"What?" Tamad kong tanong.

"Silver Sarmiento will be there. Ibig sabihin, pati ang kapatid niya!" Tumili si Erin.

Pakiramdam ko may gusto din ito kay Eion dahil sa inaasal niya. Kung hindi ko lang alam kung sino ang crush nitong basketball player ay mapagkakamalan ko na siyang nakikihati sakin!

"Si Eion? Ano naman ang gagawin ni Eion dun?" Tanong ko kahit na kumalabog na ang puso ko.

Dumoble ang bilis ng lakad namin patungong building namin. Oo. Nilalakad lang kasi ang building namin patungo o galing school. Kahit ganun, hindi ko maiwasang hindi ma late dahil madalas alas syete na akong gumigising. Kaya kung hindi ako bubulabugin at susunduin ng sinuman sa pinsan ko ay maaring Failed due to Absences na ako sa lahat ng first period subjects ko. Bakit pa kasi may mga 7:30 am classes?

"O, nandyan ka pala?" Umirap si Erin kay Claudette nang nangalabit si Claudette sa kanya.

Palagi siyang nagrereklamo sa ka eng engan daw ni Claudette. May suot kasi itong panda jacket ngayon na may mga tainga sa hood. Ani Erin ay ikinahihiya niya daw si Claudette sa mga taste niya at sa pagiging 'animanyak' niya.

Mabilis akong dumiretso sa fourth floor ng building namin. Doon kasi kami nakatira. Sa baba nito ay may mga offices at mga business establishment. Sa kanila kami kumikita aside sa trabaho ni Daddy sa isang government office.

"Mom, punta kayo sa party?" Sabi ko habang kinakain ng paisa isa ang grapes sa sala namin.

"Shhh! Klare!" Sabay turo ni mommy kay Charles na ngayon ay nakikipagdebate sa tutor niya.

Hindi naman mahina ang kapatid ko. Sadyang gala lang ang pag iisip kaya hindi nakakapag focus sa school.

"Hi Tita!" Pagkatapos kong mag kiss ay hinalikan na rin ni Clau at Erin si mommy.

"Kain kayo. May cake diyan sa ref. Tsaka yung donuts." Aniya sabay dumog nila sa ref namin. Bumaling si mommy sakin. "Oo. Maaga lang kami ng dad mo doon. Uwi din kami. Besides, para naman yung sa friends ni Justin."

Ngumisi ako at alam agad ni mommy kung anong ipagpapaalam ko! Na pwede ba akong late umuwi? Syempre, pinayagan niya ako dahil pinsan ko naman ang mga kasama ko.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!