Kabanata 2

2.1M 43K 18.8K

Kabanata 2

Grateful

Elijah and Azi have almost the same features. Syempre, halos sila naman lahat ganoon ng mga pinsan ko. May pagkakahawig lahat. Kuya Justin, Elijah's older brother have softer features than him. Mas payat si Justin sa kanya at mas malumanay sa pananamit while Elijah's kinda rougher. They have a sister named Yasmin na nasa States.

Meanwhile, Azreal or Azi, Claudette, and Knoxx are siblings. Si Claudette iyong animanyak na tinutukoy ng pinsan kong si Erin. Si Azi at Knoxx ay halos magkahawig na rin. Knoxx have this dark smoky eyes whil Azrael looks like an innocent devil.

Si Damon at Rafael naman ay magkapatid rin. Si Damon ang madalas na nakakasundo ni Knoxx sa pag ha-hunting ng babaeng pampalipas oras. Trust me, you don't wanna get involved with them. Kaya lang, sa ngayon ay hindi na sila gaanong nagkakasama dahil naatasang magmana ng lupain si Knoxx Montefalco doon sa probinsya ng Alegria. Si Rafael naman medyo seryoso at suplado, he's also tall and have this smug look on his face, always.

Si Josiah, Erin, at Chanel naman ay magkapatid rin. Josiah looks angelic and carefree. Lalo na pag pinapansin mo iyong magulong buhok niya at ang perfect angle ng kanyang panga. Sa kanilang lahat, siya na ata ang pinaka maraming nawasak na puso ng babae and I don't know how or why! Si Erin naman at si Chanel ay may malaking pagkakaiba. Morena, curvy, at matangkad si Erin habang si Chanel ay petite at maputi.

Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang matanda at istrikto naming professor. Kailangan kong mag aral ng mabuti at wa'g masyadong isipin ang debut ko kahit papalapit na. I'm too damn excited! Paano ba naman kasi, itong mga kaibigan ko ay panay ang pag uusap tungkol sa mga maari nilang suotin na gown.

"It's strictly formal, diba? Di pwedeng semi formal?" Tanong ng kaibigan kong si Julia.

Kanina pa niya ginuguhit sa papel ang susuotin niya di umano sa debut ko.

"Saan nga ulit yun, Erin?" Tanong niya naman ngayon sa pinsan ko.

"Hindi ka ba nakabasa ng invitation, Julia? Xavier Estates Clubhouse!"

"Ah! And OMG? Did you really convince Eion, Klare?" Tanong na nagpatalon sa akin.

Halos paligiran na kami ng mga kaklase ko dahil sa pagtatanong nila. Ang nakakahiya pa ay kaklase ko lang si Eion sa subject na ito. Nilingon ko siya at napabuntong hininga ako nang seryoso naman siyang nag ti-take notes sa sinusulat ni Sir.

"Oo."

Narinig ko ang bahagyang tili nila sa mga kinauupuan nila. Umiling ako at ngumisi. Balita ko kasi sa debut ng isa naming batchmate, gagawin din sanang last dance at escort si Eion pero tumanggi siya. Marami naman talaga kasing nagkakandarapa sa kanya at ang nakakatakot rito ay alam niyang gwapo siya at alam niyang maraming nagkakagusto sa kanya kaya hindi siya manghihinayang kung may tanggihan man siya sa amin.

"Who would dare reject a Montefalco." Tumawa si Erin sa ibinulong niya sa akin.

Isa ang pamilya namin sa pinakamalaki at pinaka marangyang pamilya dito sa syudad at lalawigan namin. Naging mayor kasi ang great great grandfather namin dito noon at marami siyang naging lupa kahit sa labas ng lalawigan. Well as for Knoxx, Claudette, and Azrael, iyong malaking lupa nila dito sa syudad ay binenta na nila sa isang sikat na real estate company kaya ang natitirang lupa nila dito ay iyong kinatitirikan ng bahay nila. At para sa amin naman ng kapatid kong si Charles, kaunti lang din, may commercial building kami sa center ng syudad, kung saan doon ako umuuwi at may dalawang bahay kami sa ibang subdivision.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!