Chapter 4: Nightwoods


Kinuha ko ang cellphone ko upang sagutin ito subalit bago ko pa mapindot ang answering key, may umagaw na nito sa akin at in-off. The devil! He's gonna kill me! Uh!

"Ouch!" I cried as he grabbed my shoulders--- my bruised shoulders--- and pushed me to the wall. Nakaramdam ako ng takot nang magtama ang paningin namin. Those dark eyes are menacingly looking back at me. Like a devil looking directly at the soul of his victim.

"Hindi ka magiging maswerte katulad ng inabot mo sa Dark Monarch," galit na wika niya.

"Hindi ko naman sinasadya na mag-eavesdrop sa inyo. Dumadaan lang ako." Pinigilan ko ang takot ko at sinalubong nang buong tapang ang tingin niya. Mas lalo siyang naging deadly looking--- if that's even possible--- nang malaman niyang hindi ko siya uurungan.

"What the hell did you hear? And what did you see? Have you seen death? I'm willing to give you that!" Nagtatagis ang mga bagang na sabi niya.

"I've heard the words of a jerk! And I've seen an asshole hurting a girl's feelings!" I snapped at him. Itinulak ko siya palayo. Whoa! His chest is broad, muscled and hard. Shut up! Summer! Stop being an idiot admiring this devil!

Mukhang hindi siya natitinag ng pagtulak ko. Jeez! Is he seriously gonna kill me now? Here at the backstairs? Mas sumasakit ang katawan ko dahil tina-try kong magpumiglas.

"Matapang ka para sagutin ako nang ganyan. Bago ka pa lang dito kaya may ipapayo ako sa'yo... DON'T EVER GO AGAINST MY WAY!"

"Hindi gumagana sa akin ang mga death threat," sagot ko. Tinitigan niya ako nang matagal at tinanggal ang mga kamay niya sa balikat ko.

"Stay away if you still treasure your life," wika niya at iniwan ako. Napaupo ako sa sahig at pinakawalan ang tensyon. Gawd! Did I just mess up with the two gang leaders? Uh! Mga pa-cool lang naman sila. Teenage gangs are nothing but childish brutes na feeling nila ay adults na sila! Uh! Bakit ba parang lume-level-up ang trouble sa buhay ko?

Kinalma ko muna ang sarili ko at saka ipinagpatuloy ang paglalakad papuntang cafeteria. Pagkakuha ko ng pasta at orange juice sa canteen ay nagtungo nako sa bakanteng mesa. Nagulat ako nang may humila ng dalawang upuan sa harap at sa tabi ko.

"Wala kang gana ngayon, ah." Umupo si Mirden at ibinigay sa akin ang isang mansanas. People! Gusto kong maglunch nang tahimik.

"Okay na ba yung mga pasa mo?" Tanong ni Jamie. Nagsimula na silang kumain kaya ganun na rin ang ginawa ko.

"Ano'ng meron kina Van at Trinity?" Diretsa kong tanong na ikinatulala nila. Ano bang mali sa tanong ko? I saw them kissing kanina so there must be something between the two of them, right? "What?" Tanong ko nang nakanganga pa rin sila sa akin.

"Ah, eh... Ba't mo pala naitanong yan?" Tanong ni Jamie.

"I saw them kissing at the backstairs." Mas lalong nagmukhang weird ang mga ekspresyon nila. Tss!

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!