Chapter Five

64 3 2
                                                  

Nandito ako ngayon sa KAISTAL, naka-duty. Mamaya din, makukuha ko na ang unang sweldo ko. Nakakatuwa nga kasi dahil sa sarili kong sikap, kikita na ako kahit maliit lang.

Sa bagay, hindi naman lahat nagsisimula agad sa malaki. Kailangan mo munang pagsikapan para mapalago mo ang isang bagay. Mas masarap naman kapag pinaghirapan mo ang isang bagay at success yung paghihirap mo bago mo yun nakuha. Mas fulfilling.

Nagpupunas ako ngayon ng table na kinainan ng isang customer. Medyo kakaumpisa pa lang ng shift ko.

Pabalik na sana ako sa counter pagkatapos ko magpunas kaso may tumawag sakin.

"Miss!"

Lumingon ako dun sa table na pinupunasan ko kanina. May nakaupo na dun.

*NOSE BLEEEEEDDD*

ANG GWAPO. Mestizo siya. Mukhang American. Blonde hair, aristocratic nose, pinkish lips. Black eyes. May mas gugwapo pa pala kay Migs?!

Lumapit na ako sa kanya. "Bakit po?"

"Ah.. Let's see.." lumingon siya sa counter. May accent. Amerikano nga. Shet, mapapasabak ako nito sa Englishan. "I want that fried rice and barbeque. Chicken barbeque. And iced tea."

PAKSHET. Gusto kong mapikon sa kanya. Ano ang akala niya? Nasa restaurant siya at waitress ako? Ang kapal ha, di ko kinakaya. Fast food chain ho ito. =_=*

Huminga ako ng malalim. "Sir, this is NOT a restaurant and I am not a waitress."

"Huh?" at nagtaka pa siya.

"If you want to order, stand up and go to the counter. You can purchase your order there. Excuse me," at umalis na ako.

Echusero din ang kanong yun. Psh. =_=*

Habang naglalakad ako, makakasalubong ko si Migs. Nakangiti siya at nakatingin banda dito yata sa akin.

Alam niyo kahit hambog yang lalakeng yan, naging ka-close ko na yan. Masaya kasi siyang kasama. Nakakasanayan ko na ang kayabangan niya. Minsan nga kapag hindi ko siya nakikita, hindi ko masabing kumpleto ang araw ko eh.

DUB DUB. DUB DUB.

Pakshet talaga. Ano bang nasasabi ko? Ito na ba yung CRUSH at PAGDADALAGA? OH NO. Hindi naman siguro. O_O

Eh nakangiti si Migs kaya kinawayan ko siya. Boss ko pa din yan at kaibigan ko na din kaya natural, babatiin ko.

Pero yun yata ang mali ko. NAPAHIYA AKO.

Imbis kasi na sa akin din siya kumaway, ang kinawayan niya ay yung nasa likod ko.

Halos mapanganga ako. Shet, sana walang nakakita.

"Dude!" sigaw ni Migs kaya lumingon ako sa kanya. Nakita kong nagyakapan sila nung lalakeng kano kanina. O_O

"Hey, what's up?"

"Doing good, man. You? How's America?"

OMG. Magkakilala sila?

"Kailan ka pa dito? Wala kang pasabi ah."

"Just yesterday. Haha."

Napabuntong hininga ako saka tumuloy na sa counter. Hanggang ngayon, dama ko pa din yung pagkapahiya. (>///<)

Pero kakilala pala ni Migs yung Kano? Kaya pala eh. Kaya pala mayabang din yon. =_=

-----

"EL, may gagawin ka ba mamaya?" tanong sakin ni Blaire habang inililigpit namin ang mga nahugasang pinggan.

"Wala naman. Bakit?"

"Ay, gala tayo, neng!" nakangiting sabi niya. "Tapos---ah! Sakto, susunod kasi yung mga kabarkada ko noong high school. Ipapakilala kita. Uy may pogi don!"

The Past, The Love, The MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon