Chapter 15

803 133 8
                                    


'Yong pakiramdam na ilang araw na hanggang sulyap na lang ulit siya sa malayo. Simula noong magtapat siya kay Wynona, halatang umiwas na ito sa kaniya. Nagsimula na silang mailang sa isa't-isa.

Akala niya ay mas magiging komportable na siya sa paglapit dito. Nagkakamali siya. Nagmistulang nagkaroon tuloy ng pagitan sa kanilang dalawa.

Hindi niya nga maintindihan kung bakit. Hindi naman niya ito pinipilit na mahalin din siya pabalik.

Nakapangalumbaba siya habang pinagmamasdan ito mula sa malayo. As usual, kasama nito ang bestfriend nitong si Mara. At alam niyang natutuwa ito na nagiging mailap na sa kaniya si Wynona.

Ngayon, heto siya, mag-isa na lang talaga. Walang mga kaibigan na kasama. Wala rin ang babaeng mahal niya.

Ito ba ang kapalit ng pagbalik niya sa nakaraan? Ang mawala ang mga taong naging parte na ng buhay niya.

"Liam," napalingon siya sa nagsalita. Alam niya, kahit pa iba na naman ang itsura nito, na ang estranghero iyon.

"Bakit ngayon ka lang ulit nagpakita? Ilang araw na kitang hinahanap," sabi niya rito. Ibinalik niya ang paningin kay Wynona.

Bakit ba ang hirap?

"Ano ba ang ginagawa mo, Liam?" tanong nito sa kaniya.

"Ginagawa ko ang lahat! Sinusubukan ko! Pero mahirap! Sobrang hirap! Ayaw niyang maniwala sa akin. Hindi siya naniniwalang..." nag-iwas siya rito ng tingin. "Hindi siya naniwala noong sinabi ko sa kaniyang mahal ko siya."

Napailing ito sa kaniya. "Suko ka na? Ayaw mo na?" tanong nito.

Mabilis na umiling siya sa sinabi nito. "Hindi. Hindi pa ako sumusuko," sagot niya rito.

"Eh ano pa ang ginagawa mo rito? Ano pa ang ginagawa mo sa oras mo? Bakit ba hindi mo maintindihan na nauubos na ang oras mo?" seryosong sabi nito.

"Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko!" sagot niya rito.

Huminga ito nang malalim bago sumagot. "Ilang araw na kitang pinapanuod habang pinapanuod mo lang siya mula sa malayo, Liam."

"Bakit hindi ka kaagad nagpakita sa akin? Kailangan ko ng kausap, pero hindi ka nagpakita," sabi niya rito.

"Kasi akala ko natuto ka na, Liam. Akala ko, kahit papaano ay natuto ka na. Pero sa nakikita ko, wala pa ring halaga ang oras sa'yo."

Natigilan siya sa sinabi nito. "Kailangan ko ng tulong. Nahihirapan na ako."

Seryosong tinignan siya nito. "Alam mo ba kung ano ang dahilan kung bakit ibinalik kita sa panahong ito?" tanong nito.

"Para kay Wynona," sagot niya.

Nginitian siya nito. "Hindi ko dapat sabihin, pero sasabihin ko na sa'yo, Liam. Alam mo ba ang isinakripisyo ko para lang makabalik ka sa panahong ito?"

Umiling siya rito bilang sagot.

"Isinakripisyo ko ang pakpak ko, Liam," sagot nito.

Hindi kaagad na-process ng utak niya ang sinabi nito. Sinabi ba nitong pakpak?

"Pakpak?"

Ngumiti ito at tumalikod. Inangat nito ang suot nitong damit. Putol na pakpak.

Hindi-makapaniwalang napatitig siya rito. Bakit? Paanong...

Unless....

"Isa kang anghel," sambit niya.

Tumango ito sa kaniya. Pakiramdam niya ay mas lalo lang sumakit ang ulo niya sa sitwasyon.

"Bakit? Bakit mo isinuko ang pakpak mo para lang mabalikan ko ang babaeng wala namang pagtingin sa akin? Ano ba ang kaugnayan mo sa kaniya?"

Nagkibit-balikat ito. "Alam kong mahirap, Liam. Pero puwede bang 'wag mo ng sayangin ang oras mo."

"Ikaw ba ang bantay ni Wynona? Kaya ba gusto mo akong bumalik ngayon para sa kaniya?" tanong niya rito.

Napangiti lang ito sa sinabi niya. "Ilang araw na lang, Liam," tanging nasabi nito.

Napabuga siya ng hangin. Alam niya. Sampung araw na lang ang mayroon siya.

"Ang pakpak mo... mababawi mo pa ba iyon?" nag-aalangang tanong niya.

"Hindi ko alam. Wala na sa mga kamay ko ang mangyayari. Sumusunod lang din ako. At bilang parusa sa ginawa ko, hiningi ang pinakamahalagang bagay na mayroon ako," sagot nito.

Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito. Ibinigay nito ang pinakamahalagang bagay na mayroon ito para sa kaniya.

"Ang pakpak mo. Ibig bang sabihin noon..." hindi niya matapos ang sasabihin niya.

Tumaas ang kilay nito at binigyan siya ng isang maliit na ngiti. "Hindi na ako makakauwi."




-----




"Wynona, please, kausapin mo naman ako," pakiusap niya rito. Talagang sinadya niya itong abangan sa paborito nitong Coffee Shop. Kung saan hindi nito masyadong nakakasama ang bestfriend nitong si Mara.

Nang malaman niya kung ano ang ibinigay ng estranghero para lang makabalik siya sa oras, mas lalo siyang naging determinadong gawin ang tama.

"May kailangan pa akong tapusin, Liam," sagot nito.

Naiinis na hinila niya ito palapit sa kaniya. Yes, frustrated na siya. Kasi pakiramdam niya, wala pa siyang nagagawang tama. Lalo na ngayon, na nalaman niyang may hindi makakauwi sa tahanan niya dahil lang sa kaniya. The least he can do is give his best.

"Bakit mo ba ako iniiwasan? Dahil lang ba sa inamin ko sa'yong mahal kita? Dahil lang doon?" sabi niya rito.

Napalinga sa paligid si Wynona. Nakahinga lang ito nang maluwag nang makitang wala masyadong tao. Walang nakarinig sa sinabi niya.

"Please, Liam, may gagawin pa ako. Leave me alone," pakiusap nito.

Napailing siya rito. Sa sobrang frustration ay hindi niya na naisip pa ang mga sinasabi niya.

"Bumalik ako sa oras para sa'yo, Wynona! Kasi nawalan ako ng oras noon! Nawala ka sa akin ng wala man lang akong nagawa para sa'yo! Nawala ka ng hindi mo man lang alam na mahal kita! Galing ako sa present, Wynona! At matagal ka ng patay!"




-----

Back In Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon