23: Ca Phe Sua Da

540 38 1
                                    


I stood there and hugged everyone, hinatid pa talaga ako dito sa bus station ng mga to. "One week lang ako mawawala. Kayo talaga." I said as I hugged them one by one. "Nako. Okay lang kung magextend ka ng mga ilang araw." Pag-aassure sa akin ni ate.

"Nireport ko na din sa management 'to kaya no need to worry ah?" Dagdag pa nya.

"Ingat ka dun." Sabi ni Fenech. Ngumiti naman ako at nagpaalam na din kasi kailangan ko na din na sumakay ng bus.

As soon as I got myself a seat tumawag na ako agad kay mom.

"Kisses." She answered my call her voice shaking. "Mom, pauwi na ako." I said and hindi ko na napigilan yung luha ko na kanina pa nangingilid. "I'm sorry you have to come back here, pero we need you." Sabi nya at tuluyan na ding napaiyak.

"Ma, okay lang ako. Okay lang na bumalik ako after all para naman sa inyo ni dad." Pag sisiguro ko sa kanya habang pinapahid ko yung luha ko.

"Let's stay strong. Kaya natin to." I cheered not only for her but also for me. I need to keep myself strong and sane. Para sa kanila.

Nagpaalam na ako and soon umandar na din yung bus na sinasakyan ko papunta sa destinasyon ko, sa lugar na kinalakihan ko at ang lugar na hindi ko na gustong balikan.

I took my earphones sa bag ko at inumpisahan nang magpatugtog. Mahabahaba pa ang byahe ko, I would be needing rest.

I hummed as the song started to play, nakakamiss din palang bumyahe papuntang probinsya. Yung tipong for once you'll see much more greeneries and mountains.

Then soon my thoughts were pulled back to sleep.

"Mam gising na po." I heard someone said habang nakaramdam ako ng kalabit. Agad kong tinganggal yung earphones ko at tinignan yung gumigising sa akin.

"Bakit po kuya?" I asked at napansin ko na ako na lang pala yung pasahero dito sa bus.

"Ay sorry kuya. Medyo napasarap ata tulog ko." I said as I scratched my head at dali daling bumaba ng bus.

I streched my limbs and inhaled deeply. Nakakamiss din pala dito. I took of my jacket and naglakad sa sakayan ng tricycle at nagpahatid sa residence namin. I checked my wristwatch and found out na it was already 2 in the afternoon.

This place reminds me of my childhood and also my downfall. Which pains me because everywhere I go in here all I see are memories of us, memories of the pain he had caused me.

I want to forget, matagal ko nang sinusubukan pero hanggang ngayon hindi pa rin naghihilom yung sugat.

Pumara ako at nagbayad na kay kuya, agad akong nagdoorbell. From the looks of it wala pa ring masyadong nagbabago dito. The gate was still tall and our house it still colored beige. I smiled as I saw yaya Frida, she returned my smile and excitedly open the gate and wrapped me in her arms.

"Buti naman umuwi ka. Ilang taon na din." Sabi nya sa akin at sa wakas binitawan nya ako. Pumasok kami sa bahay at agad nyang pinakuha sa mga kasambahay yung mga gamit ko.

"Kamusta na sila mom at dad?" Agad na tanong ko sa kanya pagkaupo namin sa sala. "Mamaya po ididischarge yung mama nyo, hinimatay po kasi sya kahapon kaya po bigla rin kaming napatawag sa inyo." Sabi nya at hinainan ako ng malamig na tubig at ng sandwich.

"Ma." I said as I saw her walking towards me. I ran to her and hugged her tight. "Kisses." She said and finally broke down and began to cry.

"Kamusta na si dad?" I asked as soon as she calmed down. "Hindi pa rin sya nagsastabilize according sa doctor nya, hindi ko alam kung ano nang dapat kong gawin." She said as we walked to the sofa and sat.

"May lead na ba yung mga pulis?" I asked as I held on to her. "Meron na daw, I want that person to rot in jail." Galit na sabi nya, I brushed my fingers through her hair and tried to calm her down. "Ma, kalma ka lang. For sure dad doesn't want to see you like this. Alagaan mo sarili mo, katulad ng pagaalaga mo sa amin."

She smiled at me and said, "I am sure your dad would be happy to see you."

Addicted To Your Kisses (KissWard)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon