Kabanata 1

2.1M 45.7K 27.4K

Kabanata 1

Thanks

Malamig sa Cagayan de Oro ngayon. Syempre dahil maulan ang Pilipinas tuwing September. Pero sa araw na ito, malamig lang at hindi umuulan. Ayon sa weather forecast ay mananatiling ganito ang panahon sa buong tatlong linggo. Kaya ibig sabihin, sa birthday ko ay malamig din ang panahon. Ganun naman talaga lagi ang naaalala ko tuwing kaarawan ko, kung hindi umuulan ay malamig.

"Turn around, baby." Sabi ng payat at bading na designer ng gown na susuotin ko para sa aking debut.

Kulay pink ito. Ang totoo, ayaw ko naman talaga nito kaso ito ang gusto ni mommy.

"Pink kasi feminine at sinisimbolo nito ang pagiging bata." Aniya.

Umiling ako at pinanood ang sarili ko sa malaking salamin ng boutique. Mabuti na lang at ang isang gown ko ay kulay champagne. 

"You look so gorgeous, Klare! Montefalco ka nga!" Sabi ni Zoe, ang bading na designer.

"Zo, hindi ba ito masyadong tight?" Sabi ko sabay ikot ko at hawak sa baywang ko.

"Hay naku! Napaparanoid ka na naman." Singit ni Azi na nakaupo sa sofa at naghihintay sa akin.

Pinaglalaruan niya ang stressball na hawak hawak niya kanina pa lang. Kasama ko sila ni Elijah dahil sa lahat ng pinsan ko ay silang dalawa na lang ang hindi pa nakakasukat ng kani kanilang suits. Natapos na lang sila ay panay parin ang titig ko sa gown kong suot ngayon.

"Elijah," Tawag ko sa nakanguso at nakatitig sa mga copies ng pre-debut shoot ko.

"Hmmm..." Hindi siya tumingin sakin. Panay lang ang titig niya sa mga pictures.

"Hey!" Sigaw ko saka pa siya nag angat ng tingin. Umawang ang bibig niya at tumayo agad.

"Wh-What?"

Kumunot ang noo ko, "Gym mamaya?" Sabi ko.

Nagpabalik balik ang tingin ni Azrael sa aming dalawa ni Elijah. Humalukipkip ako at nag hintay ng sagot sa kanya. Napakamot siya sa ulo at nag iwas ng tingin.

"Alright." At biglang umupo ulit. Hinilamos niya ang kanyang kamay at, "Sabi ni Kuya ba't daw si Silver Sarmiento ang kinuha mong photographer. Bakit di siya?" Buntong hininga niya.

"E, kasi po, diba? Kakarating lang nila ni Knoxx galing Manila? Hindi ko naman alam na mapapaaga si Kuya Justin. Tapos kailangan ko na ng shoot." Sabi ko sabay ikot ulit at tingin sa malaking salamin.

Tinantanan na ako ni Zoe dahil may inentertain na siya ibang kliyente. Si Azi ay panay ang titig sa babaeng kliyente ni Zoe habang si Elijah lang ang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.

"Ang atat mo kasi. What's with your debut?" Masungit niyang sinabi.

"Excuse me?" Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "It's my eighteenth birthday!"

"Tsss. Whatever."

Biglaang nagsungit ang isang lalaking ito! Inabot ko ang zipper sa likod ng gown ko ngunit hindi ko iyon mababa.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!