Chapter 6. Him...

3.4K 116 2
                                    

"He dares to touch my face?!"

Pulang-pula ang mukha kong nagpupuyos sa galit. Pabalik-balik ako ng lakad habang si Dove ay nakadapa sa kama at tinignan ang mga bagong designs ng mga sapatos na pwedeng i-release sa next edition ng Amore Footwear by Mi Corazon.

"Mmm-hmm..." tugon niya

I told him what happened yesterday. Kasalukuyan kaming nasa condo unit ko kaya nakatambay kami sa kwarto ko.

At kahit pa tapos na ang nangyari ay hindi ko maiwasang mainis dahil para akong naging tanga habang nakatayo lang at hayaan siyang haplusin ang mukha ko.

"I don't even want our skins to touch!"

Kapag naaalala ko ang pangyayaring iyon ay lalo akong nafru-frustrate dahil hindi ko nagawang umiwas.

"Mmm-hmm..." tugon pa rin niya.

Marahas akong napatingin sa direksiyon niya.

"Are you even listening to me?"

"Yes, dear..." parang wala lang na sagot niya.

"He's unbelievable!" bulalas ko dahil hindi ko alam kung ano ang dapat na kainisan ko.

Ang lalaking iyon o ang baklang ito na hindi man lang ako magawang bigyan ng words of comfort para naman maibsan ang nararamdaman kong pagkainis...

"Oh eh bakit sakin ka nagagalit? Bat di mo siya puntahan at sa kanya mo sabihin ang lahat ng pinagsasasabi mo sakin?" sabi niya na hindi pa rin maalis ang mga mata niya sa mga designs.

"Dove!"

He finally gave me his attention at nag-squat para one-on-one ang usapan.

"Ano ba kasi ang ipinagpuputok ng butse mo? Hinaplos ka lang sa face, it's not as if he's taken your virginity." maarteng sabi niya at kumuha ng unan para lang mahiga ulit.

"So ako pa ang masama ngayon? Kanino ka ba kumakampi?" nakapameywang na tanong ko.

Kinuha ulit niya ang folder na naglalaman ng mga designs para lang tingnan ulit.

"Mmm-hmm... This one is good, I like the part with the laces..."

Hindi ko alam kung bakit ko pa pinapasok sa bahay ko ang baklang 'to dahil wala rin naman pala itong balak na damayan ako sa frustration ko.

Ang mas nakakainis pa, mas kinakampihan pa yata niya ang lalaking iyon.

"Ugh! I can't believe that we've been bestfriends since forever." sabi ko at pabagsak na umupo sa couch.

"You can't break-up with me now, your life would be boring without me. Anyways, lumalandi ka na. That's good."

I rolled my eyes.

"Mmm-hmm." ganting sagot ko sa kanya.

"I thought you hated men?" nakataas ang kilay na sabi niya.

Ginantihan ko siya ng kilay saka sumagot.

"I thought ayaw mo akong tumandang dalaga?" sarcastic na sagot ko.

He rolled his eyes.

"Oo nga, pero huwag kang atat hah? So...do you like him?"

"I do like him."

"How sure are you?"

Napaisip ako sandali.

How sure am I? I don't really know.

The Elite Men Empire Series: Enzo's Perfect MatchWhere stories live. Discover now