Freya Saccharine Annalize Arison
•─────• °•❀• °•─────•
Nagising ako nang biglang nagpreno ang driver ko. Napahawak ako sa upuan ng van at masama silang tiningnan. Mabuti na lang at naka-seat belt ako kundi ay mangungudngod ako sa upuang nasa harap ko.
"Anton, bumaba ka muna, dali! Tingnan mo kung ano'ng nangyari!" natatarantang sabi ni Karen kaya dali-dali itong bumaba.
I saw my driver and a man who I concluded owns the black car that we collided on. Hindi ko makita ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito sa direksyon ko.
"Just give him money to compensate for the damages. Gusto ko na magpahinga," utos ko at ibinigay ang ilang libong cash kay Karen.
Napapairap akong sumandal sa inuupuan ko nang makalabas si Karen. Kinuha ko ang cellphone ko at akmang magbo-browse sana, nang bigla 'yong nag-ring.
Marga Anschutz is calling...
"Yes?"
"Oh my gosh, Sac! I've heard what happened, are you okay?" she said and she seems worried about me. I sighed. "Okay lang ba 'yong photographer? Kawawa naman, ipinahiya mo pala–"
Hindi na niya natapos ang sinasabi when I immediately ended the call. Bitch! Akala ko kaya siya tumawag ay dahil gusto niya akong i-comfort, 'yon pala makikibalita lang.
Isa ito sa dahilan kung bakit ayoko na bumalik sa Del Barison. Bukod sa napaka-boring ng hacienda, marami rin akong annoying pa sa annoying na pinsan. Hindi ko makuha kung saan nila minana ang mga ugali nila. My mother's siblings are fearless, but their daughters were not.
Ilang sandali lamang ay nakita kong sumakay na ang lalaki sa kotse niya, bumalik na rin 'yong dalawa at umalis na kami.
"What happened?" I asked, dahilan upang kunot-noo silang tumingin sa akin. Nang akmang bubuka pa lang ang bibig ni Karen ay agad ko na siyang pinatigil. Hindi na dapat ako nakikialam sa mga walang kwentang bagay.
"Matulog ka muna, Miss Sac. Mahaba-habang byahe pa 'to," Karen suggested.
I opened the window beside me at nilabas ang ulo ko roon. Fresh breeze greeted my face. I closed my eyes as I felt the wind gently touching my face.
Somehow, nakaka-relax ding umuwi rito. No toxic photographers, paparazzi and fans. No one can touch me in Del Barison because we don't obey rules, we create one.
I know that abusing our power and connection is an act of selfishness, pero ano'ng magagawa ko? Anak at apo lang ako ng makapangyarihang pamilya rito.
Ilang oras rin ang lumipas bago napalitan ng berdeng tanawin ang mabato at bulubunduking daan.
Ang mainit na sikat ng araw na tumatama sa mukha ko kanina ay nawala dahil sa nagtataasang mga punong nadaraanan namin. Ang preskong hangin ay mas lumamig at nadagdagan ng amoy bukirin at tanawin ng mga hayop.
Ilang sandali lamang ay nadaanan na rin namin ang isang hilera ng mga bahay. Maraming mga batang naglalaro sa kalsada kaya binubusinahan sila ni Anton. Dahil bukas ang bintana sa tapat ko ay nakikita ako ng mga tao. Bawat pagtama ng tingin ko sa kanila ay awtomatiko silang tumutungo bilang pagbibigay-galang.
Ibinaling ko na lang sa unahan ang tingin ko at hindi na sila tiningnan pa. Hindi ko kayang makita ang ginagawa nila. This is unfair dahil tao lang din kami 'tulad nila.
Nang malampasan na namin ang bahayan, ilang metro lamang ang binyahe namin bago nakarating sa gate ng Hacienda Del Arison. Pinagbuksan kami ng gate at dire-diretso namang ipinasok ni Anton ang sasakyan hanggang makarating kami sa area kung nasaan ang main house ng Arison; ang mansion ni Lolo.

BINABASA MO ANG
Game of Deception (Arison Series #1)
RomanceFreya Saccharine Annalize Arison, the eldest daughter of tycoon entrepreneurs. She lived with a golden spoon in her mouth, respected by her cousins, and she has never been deceived by anyone. She loves photography, but her parents want her to be a m...