Special Chapter: Drake's payback time...

153K 2.8K 250

Dedicated kay @valeriedadirectioner hello! Matagal na kitang napapansin kaya lang tuwing magdedicate ako nakakalimutan ko haha. Salamat! <3 Ingat lagi! ;)


Warning: Rated Spg


JFILA: Special Chapter

"Dammit Drake! Sundan mo si Tyler!" Sigaw ko sa asawa ko, para namang natuliro si Drake at mabilis na tumakbo sa beach.

Paano ba naman nahilig ang mag ama ko mag surfing, wala naman akong reklamo doon pero gosh, limang taon palang si Tyler pero panay na ang gaya niya sa mga hilig ng Daddy niya. Masasabi ko namang magaling silang mag-surfing at lumangoy, pero syempre nag aalala pa rin ako, paano kung biglang pulikatin si Tyler tapos hindi makalangoy ng maayos? Basta sa lahat ng ginagawa ng anak ko kinakabahan ako.

Tumakbo din ako sa beach para sundan silang dalawa, tumayo pa sa pag-s-surf si Tyler habang nakataas ang dalawang kamay at binabalance ang sarili.

"Tyler anak!" Sigaw ko, ngumisi ang anak ko at maniniwala ba kayong minumura din ako ng dimples ng anak ko?

"Don't panic Mom! I'm brave and strong!" Sigaw nito na nagpahalakhak ng malakas kay Drake, lumapit ako sakanya atsaka kinurot ko siya sa baywang niya.

"H'wag kang tumawa diyan! Lapitan mo na yung anak mo! Baka mamaya kung ano pang mangyari." Kinakabahan na sabi ko sakanya.

"Sweetheart, masyado kang nag aalala. Kaya ng anak mo yan, and besides namana niya sayo ang pagiging matapang. Tignan mo nga sisiw sakanya yung malakas na waves." Ngumingising sabi ng asawa ko at wagas nanaman ang pagmumura ng dimples niya, gosh! Dalawa na silang nagmumura saakin palagi ang dimples.

"Kahit na Drake! Magagalit talaga ako sayo kapag hindi mo pa nilapitan si Tyler." Suway ko sakanya, tumawa siya at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka hinalikan ng marahan ang labi ko.

"Sige na nga sweetheart, baka magalit ka pa." Malambing na sabi niya saakin atsaka tumakbo na siya palapit kay Tyler, namumula nanaman ang mukha ko, hanggang ngayon sobrang pag aalaga pa rin ang ginagawa ni Drake saakin. Kung minsan nga talagang mas isip bata pa ako sakanya.

Nag aaral na nga pala si Tyler, dito namin siya inenroll sa Zambales. Kinder na siya at talaga namang may ibubuga sa katalinuhan ang anak ko, manang mana kay Drake pagdating sa katalinuhan, pero syempre mana rin saakin noh!

Hinila ni Drake si Tyler pati ang skimboard nila ay dinala na ni Drake. Naka beach shorts ang mag ama ko atsaka topless, kaya naman napapalunok ako dahil sa katawan ng asawa ko na talaga namang mas lalong gumanda ang hubog. Siguro kung hindi lang private property ito baka pinagpiyestahan na ng mga kababaihan ang asawa ko.

"Si Mommy talaga palaging nagpapanic!" Sigaw ni Tyler nang makalapit na sila saakin, umupo ako para magkapantay kaming dalawa, inayos ko ang gulo gulo niyang buhok dahil sa pagkakabasa ng tubig sa beach.

"Anak alam mo namang ayaw lang ni Mommy na may mangyari sayo." Paliwanag ko sakanya, minsan sa sobrang katalinuhan niya napapatahimik nalang ako. Hinalikan niya ako sa tungki ng ilong ko na naging dahilan para ngumiti ako, naglalambing ang anak ko.

"Don't worry Mom, hindi naman kita iiwanan like Ate Ria." Nakangiting sabi niya, palagi naming ipinapaalala sakanya na may kapatid siya, madalas si Drake pa ang magkwento sakanya.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!