Chapter 3: The Evil Prince


The sun is finally setting down and it's getting darker and darker here. Masyadong malawak ang Montello High... Malabong may makakita sa akin dito. I even have to push myself up para makalakad papunta sa dorm. Pero sa ngayon, kailangan ko munang manatili doon at magpahinga.

Dang it! I just won their bad game but never had any gain. Curse them to the pits of hell! Uh. I'm still working on relaxing my breathing pattern. Tsk. Ramdam ko pa rin ang paninikmura nila sa akin. I closed my eyes hoping that it will help me endure the pain.

"How was the game?"

Iminulat ko ang aking mga mata sa boses na iyon ng isang lalaki. Mukha siyang pamilyar. Oh, of course. Paano ko ba makakalimutan ang almost perfect features ng mukha niya? Van of Black Government is standing in front of me.

"Deadly," tangi kong naisagot. I don't know how I became so pathetic that I suddenly wished na may plano siyang dalhin ako sa clinic or kahit sa dorm na lang. This pain was becoming unbearable. Hindi ba dapat namamanhid na ang buong katawan ko?

This Van guy, he was wearing a black leather jacket, red shirt and black jeans with large Vans shoes. And damn it! In this condition of mine, isinisigaw pa rin ng utak ko kung gaano kaguwapo ang nasa harap ko. He leaned down on me and placed a finger on my lips. I silently gasped when I saw my blood on his fingertips. Napahinto siya at tumingin sa mga puno at sa dumidilim na paligid. Isang buntong-hininga ang pinawalan niya at ilang saglit pa ay tumayo na siya saka nagsimulang humakbang palayo. Tila mas dumilim ang paligid kasabay ng pagkawala ng pag-asa kong maka-alis sa lugar na ito.

"T-Teka... Hindi mo ba..." Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko. Seryoso ba siyang iiwan niya ako?

"I'm sure you can handle it," malamig niyang sabi at naglaho na siya sa paningin ko. Did he just get in here and vanished despite of seeing a person in need? Gawd! I can't believe this! He's a heartless, cold, stone, selfish and arrogant bastard! Gwapo nga siya pero ang layo ng hitsura niya sa ugali niya! Oh, please, karma-baby, make him slip off the ground and break his neck! I curse him to death!!!

Just when I'm about to lose hope, someone carefully lifted me up. He's quite quick since hindi ko namalayan ang paglapit niya. Oh, even yung paglapit ng Van na yun kanina hindi ko naramdaman. What are they? Ninjas?

"Gusto mo bang idiretso kita sa clinic? " Tanong ng matangkad na lalaking nagbuhat sa akin. Nang matapat kami sa isa sa mga poste ng ilaw, muntik nang malaglag ang panga ko. The blonde chinito anime bishie!

"Sa dorm please," mahina kong sagot. Wow. It really felt comfortable being on his arm. Well, it was the most comfortable place at the moment. Whoah! Why did that sound wrong on so many levels? Sinabi ko sa kanya ang Room 217 at walang pag-aalinlangan na pumasok siya sa girl's dormitory. Lahat ng mga babae ay nakatingin sa kanya and yeah, nang may paghanga sa mga mata nila. There you go, Montello Heartthrob. Dumiretso siya sa second floor at kumatok sa room namin.

Halos lumuwa ang mata ni Mirden nang makita ako... at kulang na lang malaglag sa semento nang mapansin na buhat ako ng isa sa mga miyembro ng Black Government. Uh. Same reaction with Jamie na itinuro ang kama ko. Ilang minuto rin bago sila naka-get-over at tinulungan ako sa mga sugat at pasa ko.

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!