Chapter 28

93K 3.5K 456
                                    

Chapter 28:
Ikaw pa rin

IT WAS quiet. Nakabibingi ang sobrang katahimikan. Ngunit mas gusto iyon ni Patricia.

She appreciated all the people who came and gave their condolences. The people who pats her shoulders, those who encourages... but this moment when everybody went home, she felt more good.

Three days had passed. Dalawang araw lang ang naging burol ng Daddy niya ayon na rin sa nakasaad sa testamento nito. Her father wanted to be buried immediately. In his will, he wrote;

The fast you bury me, you start to accept and carry on.

Itinago siya sa likod ng antipara ang mga namumugtong mga mata. Ngayon lang yata siya tumigil sa pag-iyak. Tuluyan nang ginapi ng lung cancer ang Daddy niya. She can't do anything about it. They can't do anything to bring the life that's too precious to let go.

"You didn't have the chance to meet your grandchild, Dad..." garagal ang boses ni Patricia. "But I promise, I'll always remember what you've told me about raising my own child. I g-guess... kaming dalawa na lang ni Mommy," pagkausap niya sa tapat ng lapida ng ama.

Ipinatong niya ang puting rosas sa ibabaw niyon. Napahawak siya sa maliit nang umbok ng tiyan. What's keeping Patricia going was her baby and her mother.

Mula nang mamatay ang Daddy niya, hindi na nakakausap ang Mommy niya. Palagi lang itong tahimik. At kahit dumating ang mga aunties at uncles niya ay hindi nito nagawang kausapin. Even her Ninang Ysabella, which is her mom's best friend, couldn't talk with her mother properly.

"Mommy?" tawag ni Patricia sa ina pagkauwi niya ng bahay. "Mommy, hindi ka pa daw kumakain..."

Nilapitan niya ang Mommy niya na nakahiga sa ibabaw ng kama. Gising ito. Tulalang nakatingin sa labas ng bintana, yakap ang larawan ng asawa.

Napalunok si Patricia. She doesn't want to cry anymore. Gusto ng Daddy niya na magpakatatag sila. Hindi madaling tanggapin ang lahat pero sa buhay kung hindi ka sasabay sa takbo ng oras, hindi ka niyon hihintayin.

"Mom..." she softly called, embracing her. Hindi ito nakapunta sa libing ng mismong asawa. A friend who's a psychologist told them that her mother must have been shock up to now. Wala ito nang binawian ng buhay ang Daddy niya.

Naalala ni Patricia na sumugod sa ospital ang Mommy niya para lang makita na wala na talaga ang Daddy niya. Her mother cried hard. So hard that she even didn't notice Sandro.

"Mommy, please talk... Say something..." bulong niya sa ina.

Pumikit ang mga mata nito. Naramdaman niya na lang ang pag-alog ng mga balikat nito. Humikbi ito hanggang sa tuluyan na lang napaiyak.

Nakagat niya ang mga labi at mas hinigpitan ang pagyakap sa ina. Kung masakit sa kanya, doble o triple pa ang sakit na nararamdaman ng Mommy niya.

"Alonzo..." tawag nito sa Daddy niya.

Sumikip ang dibdib ni Patricia. Her Dad won't be able to answer back. That's saddest thing ever. To call someone but you can't hear them respond anymore.

Inalo ni Patricia ang Mommy niya hanggang sa natigil ito sa pag-iyak. Nakatulog na ito.

Kailangan niya na sigurong tawagan ang doktor ng ina. Pumasok siya ng kuwarto niya at nahiga sa kama. Hinaplos niya ang bumubukol na tiyan.

"Sorry, baby..." she whispered. "Pagod at sobrang lungkot lang ni Mommy. But I'll hold on. Hold on, too, baby..."

What keep Patricia sane was her condition. Kundi siguro siya buntis ay magkatulad lang sila ng ina.

Deliverance (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon