Mr.Antipatiko 1

113 7 0

Mia's POV

"Mia!!!!!" Sigaw ni Elle.Bestfriend ko.Tumakbo siya papunta sa'kin.

Alam ko na ang sigaw na yan.Siguro wala siyang assignment o kaya nakita niya yung crush niya na ubod ng Cold.Anak ng may ari nitong school yung crush niya.

"Bakit?" Mahinahon kong tanong.Tumigil siya sa harap ko at hapong-hapo.

"Nakita ko si Zander!Grabe ang gwapo niya!" Napa-face palm na lang ako."oh,anong mukhang yan?"nagtanong pa ang bruha.

"Di ka ba nagsaaawang sabihin yang words na yan? Kasi ako sawang-sawa na!" Nagpout naman siya.

"Eh kasi ang gwapo naman talaga eh!" Nakipagtalo pa.

"Ewan ko sayo,sige pupunta muna ako ng library para isauli itong mga libro"

"Puro ka kasi aral.Sige na,bilisan mo at pumunta ka sa Canteen.Kain tayo libre kita" yan ang gusto ko sa kanya,yung panlilibre.

"Sige,kita na lang tayo doon" nag-wave na ako ng kamay sa kanya.

Tumalikod na ako sa kanya.Nakayuko lang ako habang naglalakad.

Ano kayang kakainin namin nung bruha? Ayoko na ng cake,nakakasawa rin.Kung lasagna na lang kaya? Masarap pa tapos di pa nakakasawa.Tapos magjujuice na lang ako dahil ayoko ng softdrinks baka magka-UTI pa ako.Tapos----aray! Shet! Yung mga libro nahulog.May nakabunggo kasi ako.

"Ay! Sorry di ko sinasadya,Sorry talaga.Sorry" pagsosorry ko habang pinupulot yung mga libro.

Inangat ko ang ulo ko para tignan kung sino yung nakabunggo ko.
.
.
.
.
.
.
0__0
.
.
.
.
.

Yan ang reaksyon ko.Pa'no naman kasi,sino ba kasing hindi matutulala kung makabunggo mo ang anak ng may-ari nitong school?

Shet! Ang gwapo niya pala sa malapitan.Yung mata niya brown.Yung ilong niya ang tangos tapos yung labi niya---teka! Iba na sinasabi ko ah?

Natauhan ako nang bigla siyang nagsalita."Try mo kayang tignan yung dinadaanan mo no?" Sarcastic niyang sabi.

"Sorry na nga eh."

"So I care?" Umalis na siya sa harapan ko.

Aba! Ang kapal ng mukha! Ako na nga yung nagsosorry tapos siya pa 'tong may ganang magalit.Urgh! Bwisit siya!

Bago pa siya makalayo,sumigaw ako ng....

"Antipatiko!!" Napatingin naman siya sa akin at inirapan ko siya at sabay walk out.

Pumunta na ako sa library at baka kung ano pang masabi ko kay Mr.Antipatiko.

----------------------------------
A/N: short story lang talaga 'to.
Next chapter na agad.

Mr.Antipatiko (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon