The Love Deadline

14 1 0

Ngayon pa lang, lilinawin ko na. Malandi ako. 

Pero hindi naman yung paiba-iba ng boyfriends. Gusto ko lang naman eh yung flirting lang na banatan jokes, text text, date date. Sinong makakatanggi sa libre di ba? Hahahaha joke lang. Pero aminin natin, masaya lang din yung malaya. Walang nagbabawal na kung sino mang lalake dyan. Disente rin naman ako noh. Di naman ako nagsusuot ng super revealing clothes na parang porno na ang dating. Ang sarap ding kung saan saan nakakapunta na walang +1 or hindi mo iintindihin pa na hindi ka payagan ng boyfriend. Hello! Sa magulang nga, pahirapan na, may boyfriend pang pagdadaanan? Wag na noh! Sabi nga ng classmate ko, "Madaling ma-fall pero mahirap makuha." Takot din kasi ako sa commitment, sino bang hindi di ba?

Ako nga pala si Aphrodite Hemera Montemayor. O di ba, pangalan pa lang, gusto mo ng ilayo ang boyfriend mo sa akin! Hindi naman sa nang-agaw na ako ng boyfriend... pero minsan kasi OA sa react ang mga girlfriends sa mga circulation ng rumors. Masyadong makikitid ang utak! Masabi lang na malandi, mansusulot na? Ganon? Pwede bang, masiyahing friendly sa guys lang? Hahahaha, excuses! Pero ayun nga, as you all know, Aphrodite is the goddess of love and beauty. Hemera naman is the Goddess of Daytime. Ay malay ko. Goddess of Daytime TV shows na lang sana ng maging artista naman ako! Ayoko ng daytime na yan, baka maging sunog na maitim ako. Di bagay! Hahahaha, lokaret ang mga magulang ko. Oo, parehas. Parehas may sayad at kung ano ano ang gustong gawin. Medyo hippie kasi. Travelers, nomads, ganun. O sige lang, honeymoon lang kayo ng honeymoon every month ng madagdagan pa kaming apat na magkakapatid. Hahahaha! Pero di ko na introduce mga kapatid ko. Ako ang bida dito kaya! Selfish lang pero makikilala nyo din naman sila siguro. Baka banggitin ko once in a while pero insecure ako, baka mas magandahan kayo sa kanila. Chos! 3 girls, 1 boy nga pala. Second to the last ako.

Infernes naman sa mga magulang ko, inspiration ko sila. Magtwe-twenty five years ng kasal kaya this year, magse-celebrate kami ng Silver Anniversary! O di ba, kakilig. Nag-meet sila ng college at inseparable ever since. First boyfriend ni Mommy si Daddy. Kaya kahit sa landi kong ito, idealistic pa din ako. Hahahahaha, kaasar ang profile ko di ba. Hindi magets! Parang umpisa pa lang alam ng madaming issues sa buhay. Pero stick around na lang kayo, may deadline ang love life ko. Si Mommy kasi, 19 naging sila ni Daddy, 3rd year college going senior. Eh ako din, 19 na kahapon! At third year college, same school, different course though. Pero ayun nga, gusto ko din mameet si The One before ako maging 20. At so far, wala pa akong seryosong nagugustuhan. Di pwede ito. Kailangan within a year, alam ko na kung sino. Wag kayong kontra! Dream ko ito. Shallow pero bakit ba hahahaha! Lahat tayo may mga kahibangan. Nag-work naman sa parents ko, bakit sakin hindi? Aber?

So ayun, ako ulit si Aphrodite Hemera Montemayor (see attached picture). Aff ang nickname ko, wag na rin kayong kontra dyan. Okay? 

Nafi-feel kong ..... magiging masayang adventure ito. :)

The Love DeadlineBasahin ang storyang ito ng LIBRE!