1

69 5 1
                                                  

Thanks for making my awesome book cover! ( ^^)  Ang cool niya talaga. Nakuha mo 'yung gusto ko'ng book cover actually. Kahit hindi mo nasunod 'yung demands ko xD. Isa ka'ng LODI! (hands-up!)




Malamig at matigas ang kinahihigaan ko.

Nakatatawang isipin, nakatulog na naman ba ako sa sahig? Minulat ko ang aking mga mata. Nagising ako sa isang medyo madilim na lugar. Masakit rin ang aking ulo. Tila ba hinampas ito ng isang matigas na bagay. Nilibot ko ang aking paningin. Hindi ito ang kwarto ko. Nasaan ako? Saan nila ako dinala? Kailangang maka-alis ako sa lugar na ito bago pa man nila ako mapatay. Humanap ako ng malalabasan sa kwarto na ito. Di hamak na mas malaki ang kwartong ito kaysa aking silid nuong mga panahong kasama ko pa ang aking ina.

Si Ina.

Muli ko na naman naalala ang mga sandaling bago siya mamatay.

❄❄❄

"Ina, aalis na po ako." Sigaw ko mula sa baba.

Hindi naman ka-lakihan ang aming bahay. Binubuo lamang ito ng dalawang palapag. Kung kaya't maririnig ng aking ina ang aking pamamaalam. Lumabas siya mula sa kanyang silid at tumingin sa aking kinaroroonan.

"Sige anak, umuwi ka agad." May himig ng lungkot sa kanyang tinig at takot mula sa kanyang mga mata.
Subalit pinilit pa rin niya ang ngumiti. "Pagtapos ng iyong klase. Delikado kung maglalagi ka sa labas."

MATAPOS nuon ay muli na naman siyang pumasok sa kanyang silid. Kahit hindi ko maintindihan ang aking ina. Umalis pa rin ako upang pumasok sa klase. Si ina, madalas siya'y bagabag. Ano kaya ang nakakapagpa-bagabag sa kanya? Hindi bale, nandoroon naman si Flandrey para siya'y bantayan.

Napa-hawak ako sa aking kwintas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napa-hawak ako sa aking kwintas. Na siyang regalo sa akin ng aking ina nuong pitong taong gulang pa lamang ako. Kay ganda talaga nito. Kulay pula na para bang apoy. Gawa ito sa Crystal at bakas ang pagiging babasagin nito. Ang sabi ni ina, huwag ko raw itong iwawala o ihihiwalay man sa akin. Dahil ito ay pamana pa ng aming lahi. Kaya naman buong ingat ko itong iniingatan. Hindi rin naman nagtagal nakarating ako ng paaralan. Bawat isa mayroong mga chattel. Sila iyong mga gaya ko'ng tao na walang-halaga. Namamatay. Walang mga kapangyarihan di-gaya ng iba na mga imortal. Mga bampira, Mangkukulam, mga Silver-blooded. At marami pang iba. Lahat sila may kapangyarihan. Di-gaya namin, ordinaryong tao lamang kami. Kumpara sa kanila, wala kaming laban. Kung kaya't ang sinumang masumpungang hindi nagtatrabaho sa kung sinuman sa mga nabanggit. O di-kaya'y mga ulilang lubos. Awtimatikong, sila ay magiging mga chattel. Kahit anong utos ng may-ari sayo kailangan mo'ng sundin. Wala itong pinipiling edad. Kahit sino maaaring maging chattel. Miski matatanda. Mapalad na lang kung ikaw ay mapupunta sa maayos na nilalang. Subalit, ang madalas na kinahihinatnan ng mga ka-lahi ko ay nagiging alipin. Sana hindi ko maranasan ang maging isang chattel ng sinuman. Kung hindi man, nawa ako'y mapunta sa may-awang nilalang. Habang naglalakad ako sa hallway, may narinig akong hibik mula sa Infirmary.

The Throne WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon