Trigger 31 - The deal

7.7K 113 4
                                    

[Edited Ver.]


The deal



Ambia's PoV :

Dismissal time. Tumayo agad ako sa kinauupuan at lumapit kay Selene habang nililigpit nito ang mga gamit sa bag niya. Nag-quiz kasi kami, mock quiz before the midterms tomorrow. 

Kinalbit ko siya, agad naman siyang nag-angat ng ulo sa akin.

Selene: "Why?"

Ambia: "Punta tayong SM. May bibilhin ako e--"

Selene: "Pass."

Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Aba, kakaiba ata ito. Kapag inaaya ko kasi siya dati na mag-malling, sumasama naman iyan agad, no questions ask. Tapos ngayon, hindi? Nakakapanibago ito.

Ambia: "bakit pass?"

Selene: "May lakad kami ni Kyoko ngayon e. Girls night out. Hihi!"

Ahh, kaya pala. Iyong creepy na japanese girl pala ang kasama niya. Great, Selene. Iniiwan mo ang best friend mo para lang sa isang kaibigan na kailan mo lang naman nakilala? At nagtataka na talaga ako kung saan niya nakilala ang babaeng iyon. Pati iyong kapatid ni Renz. Ano nga kasing pangalan noon? Therbie ba iyon? Ang unique ng name niya.

Napairap ako sa sagot niya at kahit masama, talagang naiinis ako sa Kyoko na iyon. She's stealing my best friend!

Ambia: "Sabay nalang tayo palabas--"

Selene: "No need, Ambs. Nagmamadali ako nandyan na sila ni Chris e. Ba-boosh!"

Ambia: "Ba-boosh.."

Naiwan sa ere ang kamay kong kumaway. Sobrang bilis niya tumakbo paalis and that's a first. First time niyang tinalikuran ako, tinanggihan ang pag-alok kong umalis at naiinis na rin ako sa kanya. 

Ambia: Arrggh! I hate you, Selene!!!!!!!"

Xander: "Huy!"

I was startled by another voice that I heard, pero mas ikinagulat ko lalo noong si Xander ang sumigaw na iyon. Si Crush!! He's here and somehow I became calm and composed and was able to smile at him.

Pero walang-walang sinabi ang ngiti ko sa ngiting iginawad niya. Kung ang ngiti ko ay bagyong yolanda lang, siya iyong tsunami talaga.

Xander: "Bakit nandito ka pa, nagsibabaan na mga classmates mo ah? Tsaka bakit wala si Selene? Tapos sabi mo, you hate her? Nag-away ba kayo?"

Ambia: "Wow ha. Nahiya naman ako, ang dami mong tanong e. Baka may nakalimutan ka pang idagdag, sabihin mo na."

Parang napahiya naman itong nagyuko ng ulo at mula sa kinatatayuan ko, nakikita ko ang tenga at leeg niyang namumula at talaga namang ang cute noon! Parang gusto ko siyang lapitan at yakapin tapos I'll give tiny kisses doon sa mga pulang parts. Hihi.

Xander: "Umm, Ambia?"

Para naman akong binuhusan ng tubig kaya napamulagat ako at noong na-realized kong nakita niya akong nag-d-daydream, ako naman ang napahiya.

Ambia: "A-ano iyong sinasabi mo?"

Xander: "Ang sabi ko sumabay ka na sa 'kin palabas. O baka gusto mo pang mag-stay dito? It's fine with me, though."

Ano raw? Fine with him? Anong ibig sabihin naman kaya niya doon? Ayokong mag-isip ng marumi pero isa lang naman akong human, kaya kahit ayoko, may pumapasok. Wew. Hirap paliwanag!

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon