C7: Punishments

405K 8.1K 4.7K
                                    


BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

--

Maeri's POV


"Rain...."

Kaming dalawa lamang ang nasa classroom, nasa speech lab ang iba. Kailangan ko talagang kausapin si Rain... ng pribado tungkol sa napakaimportanteng bagay na maaring magpabago ng takbo ng mga buhay namin. Maaring makasira o pasayahin... depende sa kung ano ang desisyon niya.

Nakatingin lang siya sa akin. Hinihintay ang mga susunod kong sasabihin. Hindi ko alam kung papano ko 'to ipapaalam sa kanya. Di ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Matutuwa ba siya o ipagtatabuyan niya ako? Hindi ko makakaya.

"Rain ... b-buntis ako." Halata sa mukha niya ang pagkagulat.

Tulad kanina, naghari muli ang katahimikan.

Rain... anong iniisip mo ngayon? Magsalita ka...please. Parang awa mo na, sabihin mo kung ano ang nasa utak mo. Hindi ko ginusto 'to at lalong-lalong hindi rin niya ito ginusto pero ngayon nandito na kami sa sitwasyong ito.. sagot na lang niya ang hinihintay ko.

"Joke ba yan?"

Nanlambot ang mga tuhod ko nang narinig ko ang mga sinabi ni Rain. Unti unting namumuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Ilang beses akong kumurap upang pigilan ang tuluyang pagpatak ng mga ito.

"Rain, hindi ako nagbibiro.."

Hinawakan niya ang kamay ko at mulin nagwika.

"Ako ba ang ama niyan?"

Kung may hawak lang akong kutsilyo ngayon baka nasaksak ko na siya ng ilang beses. Bakit pa ba niya kailangang tanungin yon? Kahit naman na ganito ako... hindi ako nakikipag-sex sa kung kani-kanino lang.

"Hindi ako ang ama niyan. Sabihin mo! Hindi ako diba?!" galit na galit niyang sinasabi habang nanlalaki ang mga mata niya sa akin. Tinignan niya ang tiyan ko ngunit wala akong nadama na kahit ano sa mga mata niya. Parang wala lang...parang walang akong kwenta pati rin ang batang dinadala ko sa sinapupunan ko.

Sobra akong nasaktan sa mga sinasabi niya..

"Please Rain.. stop saying that. Ikaw ang ama... ikaw lang."

Sinipa niya ang upuan na nasa tabi niya. Bakit siya nagagalit? Ginusto ko ba 'to? Nasa plano ko ba ang mabuntis sa edad kong kinse anyos? Hindi ko 'to gusto pero ayaw kong takasan ang sitwasyong ito. Pabalik baliktarin man ang mundo, anak ko ang dinadala ko. Dugo't laman ko siya... anak ko siya.

"Pakshet naman Maeri oh! Anong gusto mong sabihin ha? Na dapat panagutan kong yang lintek na batang yan? Ano? HA?!" sigaw pa niya sa akin.

"Ang gusto ko lang naman ay malaman mo! Para hindi lang ako ang nahihirapan ng ganito! Ikaw ba ang manganganak ha?! Ikaw ba?" napuno na ko kay Rain, hindi ko na kayang tanggapin ang mga pinagsasabi niya. "Ang kailangan ko lang naman ay... ikaw. Kailangan ng ama ng dinadala ko... ng anak natin." Napaupo ako sa upuan na nasa likod ko at umiyak na lamang. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa harap ko.Hawak hawak na naman niya ang mga kamay ko at sinabing..

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon