Caela/Jazze's POV

Sometimes we need to lose the small battles in order for us to win.

Mabilis na naglaho sa paningin ko ang aking mga elemental dragons kasama si Sophia. Ngayon mapapanatag na ang puso't isip ko dahil nasa maayos na siyang kalagayan, alam kong hindi siya pababayaan nina Aira.

Ngayon naman ay patungo ako sa Mystique Kingdom, nararamdaman ko na doon nagmumula ang isa pang malakas na enerhiya. Agad kong ipinikit ang aking mga mata at sa muling pagmulat nito ay sumalubong sa akin ang isa pang senaryo na hindi ko lubos maisip na maaari palang mangyari.

Sira na ang kalahating parte ng kaharian, at napapaligiran ito ng nag-aalab na mga apoy. Wala na ang dating ganda at kinang nito. Tinupok na ng nagngangalit na apoy.

"Nagustuhan mo ba ang munti kong regalo sayo, mahal na prinsesa?" Ani ng isang boses na nagmumula sa likod ng mga naglalakihang apoy. Makaraan ang ilang sandali ay nagpakita na siya sa akin.

"It is not so nice to see you, Cameron." walang emosyong tugon ko ng makita ko siya.

"Oh! You still look so pretty and fierce, my princess. I like it!" Nagtaasan ang mga balahibo sa katawan ko hindi dahil sa takot, kundi dahil nandidiri ako sa mga sinasabi ng halimaw na 'to!

"I won't take that as a compliment. Everything that's coming from you are so disgusting." Hindi ko matagalan ang pagtingin sa kanya, isa itong hindi kanais-nais na tanawin. Masakit sa mata. Tss.

"HAHAHAHA!" tanging isang malakas na tawa lang ang narinig ko mula sa kanya.

The hell! Wala namang nakakatawa. Baliw na halimaw! Nakakabwisit!

"Let's just end this!" Bagot na sagot ko. Nangangati na ang kamay kong patayin ang lalaking 'to!

"Not so fast my lady!" Yuck kadiri. Tumawa pa itong muli bago nagpatuloy sa kanyang sinasabi. "I want you to be my wife. Let's rule this world together. With that no one can ever beat us and I won't continue destroying this kingdom. Just be my queen." I saw the devilish smirk on his face.

Halos mapatawa ako sa alok na ibinibigay niya. Tang-na nito! Nakakasuka!

"Do you think I would accept that proposal? Nababaliw ka na talaga! T-nga lang ang tatanggap sa alok mo na iyon. Pakamatay ka muna!" Nang-uuyam na sagot ko sa kanya. Nag-iinit ang dugo ko sa kanya. Di hamak na mas gwapo ang Dashiell ko kaysa sa halimaw na kagaya niya. Kahit yata maligo ng isang-libong beses ang isang 'to walang panama sa magiging asawa ko.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!