TAL. 18.2 -- Sadness Officially Over

May kung ilang beses akong napakurap hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng mga luha sa magkabila kong pisngi. Sunod-sunod na pag-agos ng mga luha, pero hindi ko na sinubukan pang ikubli sa kanilang lahat.

Habang nakatingin sa papalapit na si Daryl, hindi ko mawari kung ano ba ang nangingibabaw sa nararamdaman ko. Para akong nakahinga ng maluwag, na masaya, na naiiyak dahil ang buong akala ko hindi ko makakasama ngayon ang asawa ko.

Oh, God. Best gift ever. Thank you so much.

Hindi na ako nagpakipot pa o nangimi man lang, agad ko ng niyakap si Daryl ng tuluyan syang makalapit sa akin. Literal na napahagulgol ako sa dibdib nya habang sya ay tumatawa. "You missed me this much, Cass?" tanong pa nya na tatawa-tawa.

Kumalas ako ng yakap sa kanya at tinunghayan sya. Pinagpapalo ko ang braso nya ngunit wala naman akong makapa na pagkainis sa pagtawa nya. "Oo! Nakakainis ka, akala ko hindi kita makakasama ngayon!" kunwari'y may bahid ng inis ang pagkakasabi ko.

Hindi ko na inintindi pa ang kapaligiran, kung nanood ba sila sa nangyayari sa pagitan namin ni Daryl o muli nang bumalik sa pagkakasiyahan. What only matters at this moment is me and Daryl.

"Pinilit nga lang ako nina Lolo na pumunta dito." nawala ang kasiyahan na nararamdaman ko dahil sa sinabi nya. Nang marahil nahalata ni Daryl ang biglang pananamlay ko, muli syang napabunghalit sa kakatawa, "Pero syempre joke lang 'yon. Ang misis ko naman hindi na mabiro."

Napatili na lang ako ng bigla nya akong kargahin, wedding style na pagkakarga pa. "Guys, pahiram muna sa asawa ko. Will be back tomorrow! I mean, later. Dito kami manananghalian." umugong ang panunudyo sa kapaligiran. Lahat sila ay nakatingin sa amin at halatang masaya sila para sa amin ng asawa ko.

"Sige lang, have a good time Cassy with our gift to you!" sigaw ng Mama ni Daryl.

Namula naman ako sa pagkapahiya kaya napabaon na ang mukha ko sa leeg ni Daryl. "Bye, everyone!" muling paalam ni Daryl habang patungo sa pinto ng bahay.

"Saan ba tayo pupunta? Ibaba mo na lang kaya ako?" nagtataka kong tanong. "Mahihirapan ka lang pagkarga sa akin."

"Mahihirapan?" tumungo sya sa akin habang patuloy pa rin ang paglalakad nya. Hindi naman sa parking space ang tinutumbok ng hakbang nya, parang papunta pa nga sa may gubatan. Ang lupain kasi ng pamilya nina Daryl ay napapalibutan ng mga puno at ang pagkakaalam ko, taniman ng mga prutas ang kabilang bahagi nito. Taniman ng mga rambutan, santol, mangga, at saging. "Ako mahihirapan? Para ka na nga lang papel sa sobrang gaan mo. Kumakain ka pa ba?"

May ilang sandali akong hindi nakapagsalita, bumaba nga ng kung ilan ang timbang ko nitong mga nakaraang linggo. Bukod sa busy ako na kung minsan ay nakakaligtaan ko na rin ang kumain, kapag naman may oras akong kumain, wala naman akong gana.

"Daryl?" tawag ko sa pangalan nya habang patuloy pa rin syang naglalakad. Madilim na ang kapaligiran at tanging buwan na lamang ang tumatanglaw sa nilalakaran nya.

"Hmmm?" sinulyapan nya ako.

"Namiss kita." napakagat labi ako dahil nararamdaman ko na naman ang panunubig ng magkabila kong mga mata.

Biglang tumigil sa paglalakad si Daryl at ibinaba ako. Napalingon ako sa kapaligiran at wala na talaga akong ideya kung nasaang parte na ng lupain nila kami ngayon. Puro puno at tanging mga tunog ng kuliglig ang maririnig sa kapaligiran.

Napataas ang tingin ko kay Daryl ng hawakan nya ang magkabilang pisngi ko. "Mas namiss kita, Cassandra. You just don't have any idea how much I missed you. It was a pure hell living my life without you. Sorry if it took me so long before I could finally be with you again. Things just came and I don't have any options but to set aside our issue and deal with the business first." I perfectly understand kung bakit kinakailangan nyang unahin muna ang negosyo kaysa sa personal life namin. May mga bagay talaga na mas mahalaga kaysa sa personal alang-alang sa mas ikabubuti ng marami. Katulad na lang sa kalagayan namin, mas maraming umaasa sa mga negosyo namin na mga pamilya ng manggagawa kaya mas dapat unahin. Sayang naman kung lalala ang problema diba.

Lumapit ako ng ilang hakbang palapit kay Daryl, "You don't have to say sorry, naiintindihan ko, Daryl. I am also in the business world, remember?" hinaplos ko ang pisngi nya. Pinagdaiti nya ang mga noo namin. May kung ilang sandaling katahimikan ang dumaan ngunit kapag ganitong sya ang kasama ko, katahimikan na magaan sa kalooban ang nararamdaman ko ngayon. So what if we are in a place na hindi ko alam kung saan na, as long as I am with him, I know I am safe. Because he is Daryl, he is my Daryl.

Nag tuloy na kami sa pinakadulo ng lupain kung saan may tree house.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa madilim na kawalan. "Ang sarap naman dito. Sarap langhapin ng hangin, walang polusyon, walang maingay na mga sasakayan. Its really so damn relaxing." naramdaman kong yumakap si Daryl mula sa likuran ko at ipinatong nya ang baba nya sa balikat ko.

"Happy New Year, Cassy. Let us forget what happened the past year, can't we?" bulong nya sa may tainga ko.

Humarap ako sa kanya at ikinawit ko ang dalawang braso ko sa leeg nya. He took a step forward para mapasandal ako sa may bintana nitong tree house. "Of course, we can, Daryl." malumanay na sagot ko sa kanya. The year is over, meaning, case closed na ang issue namin. I want to start this year right, and I know now what is the right thing to do. "And Daryl? Can I have a wish? Just one." a sly smile formed on my lips as I was playing with his hair.

"Anything, Cassy." pinawi nya ang ilang hibla ng buhok ko na tumatabing sa mukha ko dahil sa may kalakasan ang hangin dito sa taas.

"I want a baby this year."

I felt nothing but a pure excitement. Dati-rati ni hindi ko mabitawan ang mga salitang 'yan but now? Totoo pala talaga na makakalimutan or rather, mao-overcome mo ang fear mo basta alam mong may isang taong handang samahan at gabayan ka upang mawala ang takot mo. And I but just so lucky dahil alam ko na hindi lang si Daryl ang makakasama ko sa journey kong ito, I have his family, my sister, my cousin, and friends. Why do I really be scared when the fact is, I am not alone now. Not ever.

Pagkagulat ang unang rumehistro sa gwapong mukha ng asawa ko, na napalitan ng pagkalito, hanggang sa naging guilt?

Oh my poor, husband. Bakit ka nakakaramdam ng guilt?

"C-cassy, you don't have to do this. I mean, its really okay if---" pinutol ko na ang sinasabi nya sa pamamagitan ng pagharang ng hintuturo ko sa mga labi nya.

"Ssshh, I want this. I want to have a family of our own, I want to have kids with you, just say yes, Daryl and please, don't feel guilty because I want this too. Tama ka naman eh, what happened to me when I was a kid doesn't mean na ganon rin ang mararanasan ng magiging anak natin. Tayo ang magpapalaki sa kanya, hindi ang kung sinoman na nagpalaki din sa akin noon."

There was a silence between us na tanging mga mata at puso lang namin ang nangungusap.

"Okay, fine. If that's what you want, sino ba naman ako para tumanggi diba?" nakangiting pagsuko ni Daryl sa hiling ko.

And just like before, I know this man standing and holding me like I was going to run away, will never say no to a beautiful woman like me. Pagbigyan nyo na kayabangan ko, maganda naman talaga ako ;)

I hugged him and whispered my love to him. I missed everything about him.

"I will be right here, Cassy. Kung hindi ko man maalis lahat ng takot, galit, at pag-aalinlangan dyan sa puso mo, hayaan mong hatian kita sa bawat mararamdaman mo. Hindi ka na mag-iisa, hindi na kailangang ikaw lang ang magdala ng sakit dyan sa puso mo, dadamayan kita dahil mahal kita at asawa kita." mas humigpit ang yakap nya sa akin and just like that, I felt complete again. I found the missing part of my self again, thanks for giving me another chance. Promise, I won't let him slip away from me again, ever.

*****

Hi! Happy New Yeaaaarrrr!! Hahaha. Sorry pabagal ng pabagal ang update ko. Hihihi! Dami ng naiinip sa inyo noh? Basa-basa din ng ibang mabilis ang update. :P

--MissWitty <3

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!