CHAPTER 18

He's Back With the Bitch

“T-tristan? Is that really you? For real?”

"Yeah, it’s me."

“You mean you’re here?”

"Where are you? I want to see you."

“See me at the garden.”

"See you then."

Nakarinig ako ng footsteps, siguro hindi pa niya binababa yung phone kaya hindi ko rin ibinaba. Napatakbo ako agad palabas ng backstage. Parang hindi ko na maalala kung kailan ko siya huling nakita pero parang isang century na ang nakalipas para sa akin. I really miss him. Alam kong wala na kami, pero masama bang ma-miss ko siya? 

Wala na akong pakialam kung naka-heels ako, wala na akong pakialam kung suot ko pa yung gown ko, ang mahalaga ngayon tumatakbo ako, tumatakbo ako para mapuntahan yung taong 'yun. Kinakabahan ako habang papalapit sa isang bench na may light post na katabi. May nakatayong lalaki dun. Halos anino nalang nakikita ko pero alam ko, alam kong siya yun. He's really Tristan! 

Palapit ako ng palapit sakanya. Nakatalikod parin siya sakin. Nung malapit na'ko, huminto ako sa likod niya, hindi parin siya lumilingon. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatiling nakatayo lang dun bago niya tawagin ang pangalan ko.

"Sab." tawag niya sa pangalan ko at humarap sa'kin.

Hindi ko alam kung ano unang magiging reaction ko. Unang pagkikita namin to after we broke up, nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin.

“Sab, I missed you so much." Lalong humigpit yung yakap niya sakin nang sabihin niya ang linyang 'yon. I hugged him back. God knows how much I miss you Tristan. God knows. Umiiyak ako. I know in my heart I’m crying. Ipinikit ko nalang yung mga mata ko at hinayaan siyang yakapin ako.

“I’m sorry Sab.” Alam ko, alam kong marami kang bagay na nagawa at gustong ipaghingi ng tawad. Sa pag-iwan sa akin ng walang dahilan, sa pag-iwan sa'kin na parang tanga at walang ibang masabi. Kumalas ako sa pagkakaakap niya saka ako naupo. Yumuko ako. I don’t wanna see any expression from his face. I hate it when he’s sorry.

“Alam ko nabasa mo na lahat ng pinapadala kong sulat sa’yo.” nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.

“What?”  

“Yes Sab, lahat ng  nasa locker mo, sa'kin nanggaling.”

“Panung? You mean? Garden? Ikaw?"  hindi na ako makabuo ng isang kumpletong tanong dahil sa pagkagulat.

Naguguluhan parin ako. Naupo siya sa tabi ko. Hindi niya parin ako tinitignan. 

"That day," umpisa niya, "nung pinapunta kita sa garden ng school, that was supposed to be my last chance to talk to you." Hindi na muna ako nagtanong kahit naguguluhan na ako. Anong last chance?

“Hinintay kita. Naghintay ako ng tatlong oras."

“Pero bigla akong nagutom and so I left the place.”rinig ko yung pagtawa niya ng mahina. Hindi parin siya nagbabago, mabilis parin siya magutom. I'm so sorry Tristan. Hndi parin ako nagsasalita, nakikinig parin ako sa kanya.

"But when I came back, I saw you with a guy."

That’s JM, I know. Gusto ko sanang sabihin sakanya lahat yan pero wala na. Walang lumalabas na kahit anong galing sa mga labi ko.

“And that scenario made me say yes.“

“Y-yes to what?” Halata sa boses ko na natatakot at kinakabahan din ako sa maaring maging sagot niya. His voice is showing regrets, but still I’m waiting for his answer.

The BLACK HUNTER (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!