Chapter 48: And she fell

41.4K 569 18
                                    

 Chapter 48: And she fell

***


It's a good thing na walang klase ngayon. Ewan ko. Ang saya ko lang talaga ngayon. It's Tuesday and no classes! Yay. Pero pupunta ata kaming school? Sabi lang ng class president.

So nagready na nga ako at dumiretso na rin sa school. Of course with Lindsay and Yna. Nabanggit din naman nila kung anong ginawa nila last night para naman hindi ako clueless. Nagparty nga si Yna with her org. mates, at magkasama nga si Linds and Nathan. Okay naman sakin yun. At least... Haha.

"E ikaw Kath, kamusta naman ang slow dance nyo ni Kenneth?" sabay tawa nung dalwa.

"H-ha? Nakita nyo yun? Wala yun!" nahihiya kasi ako. Shemay!

"Naman! Ang daming nagpicture sa inyo ah. Bongga ka." Alyna

"W-weh? G-gusto mo sapak Yna?!" pagtataray ko na medyo nahihiya.

"Syempre ayoko. Kaya hindi makahanap ng kamahalan eh. Hahaha!"

Lanja itong si Yna puro kung ano ano lumalabas sa bibig.

"Kamahalan ka dyan! Arte oh."


***

Pagkarating naming school, nakita ko agad sa parking lot ang silver porsche Carrera ni Kenneth. I know it's his.

Nag reason out ako kina Linds para makababa agad ako. Sabi ko naman ay naiihi na talaga ako nang sobra kahit wala sa itsura ko. Haha. Di naman kasi ako pang-theatre eh.

"Hi."

"Ay palakang tumahol!" leshe. Nagulat pa ako.

"Haha. As long as I can remember, frogs don't bark."

"Ehh! Kasi ikaw." napatakip nalang ako ng mukha.

"What?" tumawa na naman sya. Grabe! I'm mesmerized. Lels.

"Don't hide." Hinawakan naman nay yung kamay ko tapos inalis ito at tiningnan ako sa mata. "Now that's a perfect view."

I looked away quickly. Syempre nakakahiya! Para syang nagbibigay ng motibo ah. Teka lang! Wag kang gumanyan Kenneth. Baka magsimula akong umasa tapos hindi naman pala AKO ang gusto mo.

"I-I have to go to the c.r. Excuse me." pagdadahilan ko. Ang kanina kong alibi ay totoo na ngayon.

Naglakad ako nang mabilis nung una pero napatakbo rin naman ako. Totoong nag-cr nga ako. Wala namang tao kaya ayun nakapag-emote ako. Joke lang. Naghilamos na rin ako. Ewan, para siguro mahimasmasan ang kabaliwan ko.

"Haaay! Kenneth! Bakit ba kita kasi naging crush. Yeah, I mean it. Kaso di ko maiconfess sayo. Mahirap yata yun! Bahala na nga. I'll just savor the moments then I'll stay away."

Yun! Tama. Kasi naman, papasayahin ko muna sarili ko bago ako bumalik sa rati kong gawain. Minsan lang naman kasi eh. Lumabas ako tapos nakita ko na naman sya, nagaabang. Pero nahihiya na talaga ako! Nakakainis lang.

"What took you so long, and who are you talking with?"

Sarili ko! Waaah. Narinig nya. Tsk.

"No one. Hehehe." defensive laugh.

"Oh. Let's go?"

Tumango lang ako. Nagulat naman ako nung bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Parang nung first day lang ah. Déjà vu.

"Chansing, is that what you're doing to me?" pang-asar ko sa kanya. Haha.

Natawa naman sya. "You remembered."

Umiwas na lang ako ng tingin. Kasiii.


***

Natapos ang All Saints' Day nang... Maayos? Ay ewan. Kasi naman ho, kasama ko na naman si Kenneth sa Vigan nun. Ewan ko ba. E kasi naman eh, napilit sya ng lolo ko. Nakakwentuhan pala niya kasi nung nagpunta kami rati. Ang bongga yata ng lolo ko, nag-English kaya yun? Hahaha.


At ngayong paparating na ang December, malapit nang magsimula ang mga periodical exams para sa third quarter. Todo review naman ako. At syempre Sina Yna at Lindsay at petiks lang, pero syempre naghahapit din naman. Ako, at si Kenneth? Grabe lang. Naalala pa rin pala nya yung dare o hamon nya. Pero syempre dapat mataasan ko sya. Wala pang nakakatalo sakin kaya good luck, mokong.

At nandito naman kami ngayon sa college library ulit. Parang napapadalas ata ang 'History repeats itself' ah? Good naman. Haha. Kung dati may mga babaeng nasa harapan namin, ngayon ako lang ang tao sa paligid nya. Haha. Eh kasi nasa sulok na kami.


Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon